Inday TrendingInday Trending
Nanliliit at Pinanghihinaan ng Loob ang Lalaking Itong Mag-apply sa Malaking Kompanya, Ngunit Isang Bagay ang Ginawa Niya sa Nakaraan ang Nagpabago sa Takbo ng Kanyang Kapalaran

Nanliliit at Pinanghihinaan ng Loob ang Lalaking Itong Mag-apply sa Malaking Kompanya, Ngunit Isang Bagay ang Ginawa Niya sa Nakaraan ang Nagpabago sa Takbo ng Kanyang Kapalaran

Payak ang buhay ni Alex sa probinsya, tapos siya ng kolehiyo pero pinili niyang magtrabaho sa talyer bilang isang mekaniko. Tama na iyon para sa kanya, basta nakakakain ng tatlong beses sa isang araw ang mga anak niya ay kuntento na siya. Bukod doon, wala siyang lakas ng loob na makipagsapalaran sa Maynila dahil 32 taong gulang na siya at kung mag aapply siya sa tinapos na kurso ay baka hindi siya matanggap dahil sa edad na iyon ay wala pa rin siyang experience. Papagabi na noon at sakay si Alex ng kanyang motor pauwi. Matarik ang daanan papunta sa kanila at liblib, walang masyadong bahay. Ang kabahayan ay nasa tuktok pa, kaya nahabag ang puso niya nang makita ang isang tila tumirik na kotse. Nakatayo sa tabi noon ang isang may edad na lalaki na mukhang problemado. “Tay, ano nangyari?” hindi nagdalawang isip si Alex na itabi ang motor at mag offer ng tulong sa matanda. “Tumirik eh, ang taas pala dito.” sabi nito na hinihingal pa. “Ay oho, suko ang makina ng sasakyan pag ganito. ‘Ika nga nila eh, hindi pwede ang kotseng pang sosyalan!” biro niya sa matanda, buti na lang ay lagi niyang bitbit ang kanyang toolbox. “Oo nga eh, wala pang signal ang cellphone ano. Kaya hindi ako makatawag rin ng tulong, kanina pa ako rito. Buti napadaan ka.” sabi nito na nakangiti. “Eh dyan lang ho ang sa amin, didiretsuhin lang yan.” sagot niya naman habang binubutingting ang makina. Maya maya pa ay napa start na ni Alex ang kotse. Tuwang tuwa ang matanda. “Brad magkano? Tulong ko na sa iyo?” tanong ng matanda. “Hindi na ho. Maliit lang yang ginawa ko. Alex Olivo ho, malay nyo’y magkita pa tayo.” ngiti niya rito sabay abot ng kamay pero binawi niya rin dahil marumi pala iyon. Makalipas ang ilang buwan ay nagsara ang pinagtatrabahuhan ni Alex. Kinailangan ring umalis ng pamilya niya sa tinitirahan dahil tag ulan at malaki ang tsansa ng landslide. Walang choice si Alex kung hindi ang lumuwas ng Maynila dahil naroon ang pamilya ng misis niya, ibig sabihin, doon din niya kailangang magtrabaho. Noong una ay sinubukan niyang mag apply sa mga talyer pero masyadong maliit ang kita at mahal ang bilihin sa Maynila. Buti at nasabi ng pinsan ng misis niya na nangangailangan ng electrician sa isang malaking kumpanya. Heto siya ngayon, nakatayo sa harap ng kumpanya at liit na liit siya sa sarili. Ano naman ang isasagot niya sa interview? Bulol bulol siya sa ingles, kung pwede lang sanang iharap na agad sa kanya ang makina at gagawin niya na! Kanina ay kinuha ng babae sa unahan ang kanyang resume, ilang minuto na ang nakalilipas ay nasa loob pa rin iyon. Kinakabahan siya nang tawagin ang kanyang pangalan. “Alex Olivo?” sabi nito. Itinaas naman niya ang kamay. “M-miss kung-” di niya natapos ang sasabihin dahil sumagot ang babae. “You’re hired.” nakangiting sabi nito. “Ha? S-salamat pero teka muna nabibigla ho yata kayo, hindi nyo pa napapatunayan na magaling ako. Nasa’n ba ang boss mo at nang makausap?” sabi niya sa babae. “Napatunayan ninyo na raw pong magaling kayo, 2 months ago, sa bundok noong tulungan ninyo ang matandang nasiraan, Sir Alex Olivo.” nakangiti pa rin ang babae. Unti unting naging malinaw kay Alex ang lahat, sabay lingon niya sa malaking larawan kung saan nakasulat ang Managing Director, sa taas niyon ay ang litrato ng matandang nakilala niya dalawang buwan na ang nakakalipas. Good karma. sa ibaba. Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement