Inaapi ang Ilang Estudyante Dahil Wala Silang Madalang Tatay sa Tuwing Sasapit ang Father’s Day Event sa School, Hindi Inasahan ng Lahat ang Gagawin ng Guro Upang Matulungan ang mga Bata
“Father’s Day Event na naman bukas, wala na namang tatay yung iba d’yan!” Muli na namang narinig ng gurong si Ms. Gomez ang paglolokohan ng kanyang mga estudyante. Kahit na ilang beses nyang pagsabihan ang mga ito ay hindi niya mapigil ang mga estudyanteng lokohin ang mga kaklaseng walang tatay. Halos taon-taon ay ito ang kanyang problema. Isa rin siya sa mga batang hindi nakagisnan ang ama mula pagkabata kaya alam niya ang pakiramdam ng mga estudyante niyang lumaki ng walang ama. Umuwi siya nang malungkot at iniisip ang mga bata, “Paano kaya ako makakatulong sa kanila bukas?” Nagdasal na’t lahat si Ms. Gomez ngunit hindi pa rin siya makatulog. Hindi pa rin kasi mawala sa isip niya ang mga malungkot na mukha ng kanyang mga estudyanteng binubully ng kapwa-estudyante nito. Hanggang sa hindi na siya makatiis at binuksan ang kanyang laptop. “Bahala na…” bulong niya sabay type ng ipopost sa Facebook. Kinabukasan ay kinabahan si Ms. Gomez. Hindi niya kasi alam kung magiging effective ba ang ginawa niya kagabi. “Sana naman may magpunta…” taimtim niyang panalangin. “Excuse me, kilala niyo po ba si Ms. Gomez?” tanong ng isang lalaking nasa 40s ang edad. “Ako po ‘yun, bakit po?” bahagyang nabuhay ng loob ang guro. “Nabasa ko po kasi yung post niyo sa Facebook,” nakangiting sabi nito. “Gusto ko po sanang mag-volunteer.” “Talaga ‘ho?” masayang tanong ni Ms. Gomez, “Maraming salamat po! Halika po, at sasamahan ko kayo sa loob.” “Ay teka lang po ma’am,” pigil nito sa kanya, “May mga kasama po kasi ako.” Laking-gulat ng guro nang mapansin ang napakaraming mga lalaki sa labas ng kanilang eskwela. “Bale isandaan po kami lahat,” tila nahihiya pang sabi nito habang napapakamot sa ulo, “Alam ko pong bente lang ang hinihingi niyong volunteer na tatay para sa araw na ito, pero pagka-share ko po ng post niyo ay ganito na karami ang sumagot sa comment.” Natulala ang guro, hindi niya na nga pala nabuksan kanina ang Facebook niya. Tinignan niya iyon ngayon. “Susme! Napakaraming messages!” gilalas nito. Nagulat rin pati na ang mga kapwa niya guro at sa ibinalita niya. Pero gayunpaman ay natuwa ito sa magandang balita niya. “Siguradong matutuwa ang mga bata, Teacher Gomez!” ika ni Ms. Lee. Hindi nga sila nagkamali, hindi lang saya, kundi pati na rin pagkagulat at pagka-amazed ang nabasa nilang emosyon ng mga estudyanteng first time magkaroon ng tatay sa event na ito. Napuno ng luha ang Father’s Day Event–ngunit hindi luha ng lungkot tulad noon, kundi luha ng saya dahil sa wakas, kahit isang araw lang, ay naranasan ng mga batang ito ang pakiramdam ng may tatay sa memorableng araw na ito. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.