Inday TrendingInday Trending
Walang Ibang Ginawa sa Buhay ang Magkumare Kundi ang Mang-chismis at Manira ng Kapwa, Isang Bata Lang Pala ang Makakasupalpal sa Kanila

Walang Ibang Ginawa sa Buhay ang Magkumare Kundi ang Mang-chismis at Manira ng Kapwa, Isang Bata Lang Pala ang Makakasupalpal sa Kanila

“Uy, alam mo ba yung anak ni Hilda may kasama na namang lalaki sa kalsada kagabi. Naku ke-bata bata, mabubuntis agad ‘yan.” “Alam mo ba ‘tong asawa ni Klaire, batugan! Walang trabaho!” “Ay naku, naiinis ako sa buhay n’yan nila Edith. Ilang taon nang nagtatrabaho sa abroad ang asawa, hindi na yumaman-yaman. Hanggang ngayon, nasa iskwater pa rin!” Tila naging alarm clock na para sa mga mamamayan ng Barangay Makopa, ang tinaguriang iskwater sa syudad ng Cavite. Hindi na bago para sa mga tao doon ang tuwing umagang tsismis ni Aling Loring, kasama ang dalawa niyang minions o kapwa-chismosa na sina Aling Tess at Aling Pining. Sila ang mga uri ng tsismosa na kung sinong mamataan nila ay pag-uusapan na nila. Kaya naman malas nalang ng kung sinumang makakasalubong o madadaanan sila. Ilang beses na rin silang napa-barangay ng mga nabibiktima nila ngunit tila walang kadala-dala ang tatlo at tuloy pa rin sa paninira sa kapwa. Halos lahat ng tao sa Barangay Makopa ay iniilagan sila o iniiwasan sa lahat ng oras. Ultimo mga bagong salta ay hindi palalampasin ng tatlong chismosa. Isang araw ay may isang pamilyang bagong lipat sa nasabing barangay. Saktong ang bahay pa na tinirhan ng mga ito ay sa pwesto ng tatlo. Noong una ay inoobserbahan lang ng mga ito ang pamilya, hanggang sa may makita na silang butas at agad na chinismis ang ina ng pamilya. “Yung bagong salta d’yan, yung nanay, ano bang pangalan nun?” “Elsa, mars!” “Ay oo, Elsa! Ang dumi sa bahay ‘no? Parang ‘di babae.” Pag-uusap ng tatlo tungkol sa ina ng bagong lipat na pamilya minsang nakita nila itong nakabihis nang maganda, naka-make up at lumabas ng bahay. “Posturang-postura, akala mong reyna at walang pamilya. Saan kaya ang punta ‘nun?” “Naku, baka manlalalaki,” suhestiyon ni Aling Tess. “Baka magsha-shopping,” ika ni Aling Pining. “Magsha-shopping pa siya, eh sa iskwater lang naman sila nakatira. Feeling mayaman naman ‘yang babaeng yan. Unang salta palang ng mga ‘yan, di ko na gusto ‘yan eh.” “Alam niyo po, mabait po yung Mommy ko.” Nagulat ang tatlo nang marinig ang tinig ng isang batang lumabas mula sa bahay nina Elsa. Si Annie pala ito, ang limang taong gulang na anak ng pinag-uusapan nila. “Hindi po siya bad,” ngumiti pa ito sa kanila. “Alam niyo po ba kaya siya maganda magbihis kasi punta siya ospital ngayon.” “Ha?” takang-tanong ng tatlo. Tumango ang bata, “Kasi po niki-chemo na po ang mommy ko. Yung hair niya po, wig nalang. Dati po kami rich, pero sabi ng daddy ko, poor na daw po kami ngayon.” Napataas ang kilay ni Aling Loring, “Poor talaga! Wala namang mayaman sa iskwater, ha!” Napangiti ang bata, “Oo nga po, pero sabi ng daddy ko, okay lang daw po ‘yun. Basta magkakasama kaming tatlo, kumpleto at masaya ay parang mayaman pa rin daw po kami.” “Anong kinayaman niyo dun?” iritable tanong ni Aling Tess. “Mayaman po sa love.” Napanganga ang tatlo. “Sabi po kasi ng mommy ko, maging kind to others daw po. Kahit bad things na daw po ang sinasabi nila, dapat good things pa rin ang sabihin mo. Huwag daw po maninira ng kapwa, kasi po bad ‘yun eh. Love love lang po, mga lola.” Walang nagawa ang tatlo kundi mapakamot sa ulo. ‘Ni isa sa kanila ay hindi nakapagsalita at kanya-kanyang uwi sa bahay ang ginawa. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement