Nakasanayan ng Manyak na Lalake ang Magsamantala sa mga Babaeng Nakakasabay sa Sasakyan, Naturuan siya ng Leksyon nang Makahanap ng Katapat
Kahit anong pigil ni Jun sa kaniyang sarili ay hindi niya maiwasang manghipo at magsamantala sa mga babaeng nakakasabay sa bus o jeep.
“Hoy! Yang kamay mo kanina ko pa napapansin gumagapang sa binti ko ha!” Wika ng isa sa kaniyang mga biktima.
“Ang kapal mo naman miss, di ako manyak!” Palusot niya at saka lumipat ng upuan.
Sa bawat araw na sumasakay siya ng pampaseherong sasakyan ay tila ba may sariling isip ang kanyang kamay at gumagapang ito papunta sa ilang parte ng katawan ng mga babae.
May ilan sa mga ito na hindi lumalaban sa kaniya dahil sa takot na mapahiya, ang iba naman ay malakas ang loob na sinisita siya, makailang beses na rin siyang nasampal ngunit hindi pa rin siya natututo ng leksyon.
Palagi niyang hinahanap ang mga babaeng mahimbing na natutulog, bukod kasi sa malaya niyang magagawa ang kaniyang masamang balak sa mga ito ay madalas na hindi ito namamalayan ng mga biktima.
Sa kaniyang pag-upo sa isang bus ay namataan niya ang napakagandang estudyante na mukang pagod na pagod at agad nakatulog.
Nang makakuha ng tyempo ay agad niyang iginapang ang kaniyang kamay papunta sa binti nito habang tinatakpan ng kaniyang bag ang sariling braso.
“Ayos to, batang-bata at walang ka malay-malay.” Bulong niya sa sarili.
Sa pagkakahimbing ng dalaga ay dahan-dahan naman niyang inilapit ang kanyang kamay sa dibdib nito at tuluyang ginawa ang kalaswaang binabalak. Ilang minuto niya itong ginagawa at nang mapansin na nagigising na ang dalaga ay inalis na niya ang kamay at nagkunwaring natutulog.
Isang araw ng sabado ay lumabas siya upang mamasyal. Sumakay siya sa isang bus na kakaunti ang pasahero at kagaya ng kaniyang kinasanayan ay naghanap ng mabibiktima. Sa ikatlong upuan mula sa dulo ay namataan niya ang isang dilag na may kausap sa telepono. Napakalakas ng dating nito at mas lalo pa siyang ginanahan nang makita ang makurbang hubog ng katawan ng babae.
“Ah miss, puwedeng makiupo?” Tanong niya.
“Sige.” Sabay usog ng babae sa upuan.
Kinilatis muna ni Jun ang biktima at sa tingin niya ay isa ito sa mga babaeng hindi pumapalag sa mga kagaya niya.
Unti-unti ay idinidikit niya ang kaniyang daliri sa makinis na hita nito. Nang makitang walang reaksyon ang babae ay buong kamay na niya ang idinikit niya rito. Hindi pa rin nagsalita ang biktima kaya’t buong tapang na niyang hinawakan at hinimas-himas ang itaas na bahagi ng hita nito.
“Sinasabi ko na nga ba!” Biglang sigaw ng babae, sabay hawak sa kaniyang leeg at inihagis siya sa sahig.
“Ikaw manyak ka, kilalanin mong mabuti ang bibiktimahin mo ah!”
Hindi pa man nakakasagot si Jun ay tinadyakan na siya ng babae saka inikot ang kaniyang braso at pinadapa sa sahig, laking gulat niya sa taglay na lakas nito, hindi man lang niya nagawang labanan ang sunod-sunod na pag-atake nito sa kaniya at sa huli ay nabugbog nga siya nito bago ireklamo sa presinto.
“Miss patawarin mo na ako.” Wika niya
“Ayan ang napapala ng mga manyakis na kagaya mo, eh di nakahanap ka ng katapat ngayon?” Sagot ng isang pulis.
Napag-alaman niyang isa palang mahusay na martial artist ang babae at hindi ito nagpapatinag sa mga kagaya niya.
Ayaw na rin nitong magsampa pa ng kaso dahil sa haba ng prosesong aabutin sa korte kaya’t pinatawad na lang siya at hinayaang mabilanggo ng isang araw.
“Ulitin mo pa yan, baka sa susunod hindi ka na makalabas.” Babala sa kaniya ng pulis bago palayain.
“Salamat boss, hindi na po mauulit.” Sagot niya kahit nahihirapang magsalita dahil sa namamagang bagang at pisngi.
Isang malaking leksyon kay Jun ang nangyari kaya’t nagpasya siyang humingi ng tulong mula sa isang psychiatrist upang malaman niya ang mga hakbang na dapat gawin at para matigilan na ang masamang nakagawian.
Sa palagiang pagpunta niya sa kaniyang mga session ay natanggal niya sa sarili ang pagiging manyakis at natutunan ang paggalang sa kababaihan.
Ang pagrespeto sa ibang tao ay isang malaking bagay upang irespeto din tayo. Tandaan na ang pagsasamantala sa kahinaan ng iba ay walang maidudulot na mabuti sa atin.
Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?
I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.