Inday TrendingInday Trending
Inalok ang Lalaking Ito ng Mayamang Boss ng Malaking Kayamanan, Kataka-takang Tinanggihan Niya Ito ng May Paninindigan

Inalok ang Lalaking Ito ng Mayamang Boss ng Malaking Kayamanan, Kataka-takang Tinanggihan Niya Ito ng May Paninindigan

Si Vincent ay kilalang loyal na secretary ng napakayamang tycoon businessman sa probinsya ng Cebu. Dahil walang pamilya si Don Rogelio ay siya palagi ang pinagkakatiwalaan nito sa lahat ng business matters. Sa katunayan ay galing siya sa isang mahirap na pamilya. Isa lamang siya sa mga scholars na pinag-aral ng mayamang negosyante at saka ipinasok bilang empleyado sa kumpanya nito. Dahil sa matanda ay nagkaroon siya ng maayos na buhay. Kaya naman halos ialay niya na rin ang buong oras at buhay upang maisaayos ang pagpapatakbo ng matanda sa negosyo. “Vincent, ano ang ambisyon mo sa buhay?” minsang tanong sa kanya ng matanda. “Makapagsilbi lang po sa inyo ay ayos na sa akin,” buong-katapatang sagot niya sa amo. “Hindi ka ba nangangarap na mapasayo ang pwesto kong iyan?” turo nito sa magarang upuan nito bilang CEO. Napaisip siya sa tanong nito. Kung tutuusin, kung ibang tao lang siya ay “oo” na agad ang isasagot niya sa matanda. Ngunit, iba kasi siya. Mataas ang kanyang prinsipyo at dignidad sa buhay. Mas mataas pa nga kaysa sa ambisyon niyang kakarampot lang. “Gusto ko lang po ng simpleng buhay, boss.” Bahagyang nagulat ito sa sinagot niya, “Ano ang ibig mong sabihin? Ang ibig mo bang iparating ay ‘ni minsa’y hindi mo hinangad na ikaw ang pumalit sa pwesto ko. Dahil hindi naman lingid sa kaalaman mo na wala akong pamilya at ikaw lang ang pinakamalapit sa akin.” Umiling ang binata, ” No offense, boss. Pero hindi po talaga. Mas gusto ko po talaga ng isang simpleng pamumuhay lang. Sa tagal ko pong naglilingkod sa inyo, alam ko po sa loob niyo na kahit gaano kayo kayaman, hindi po talaga kayo totoong masaya.” Napangiti ang matanda sa sagot niya, “Paano mo naman nasabi?” “Sa mga mata niyo po. Nakikita ko po sa kaibuturan ng inyong puso, wala ang tunay na kaligayahan. Unang-una po, dahil sa sobrang pag-aalala at pag-aasikaso niyo sa kumpanya, ay hindi na kayo nagkaroon ng oras para sa sarili niyo. Hindi na kayo nakabuo ng sarili niyong pamilya. Kaya masasabi ko pong wala talaga sa laki ng pera ang tunay na kaligayahan ng tao.” Tumango-tango ang matanda, “Bilib talaga ako sayo. Oh siya, hindi mo man gustong tanggapin ang posisyon ko. Marahil siguro’y mas maganda na sundin ko kung ano ang gusto mong gawin sa perang maiiwan ko kapag nawala ako.” “Mas maganda po kung ipamahagi niyo sa mga nangangailangan,” diretsahang sabi niya dito. Nagulat naman ang matanda sa sagot niya, “Ibig mong sabihin ay ipamumudmod ko lang ang kayamanan ko sa mga hindi ko kilalang tao nang wala silang kahirap-hirap?” “Hindi naman po sa ganun. Kasi kung mawawala man po kayo, wala na rin pong makikinabang ng pera niyo. Kaya bakit hindi po natin i-plano na itulong na lamang iyon sa mga nangangailangan. Mas gagaan pa po ang loob niyo kapag nakita niyo ang kasiyahan sa mukha ng mga natulungan niyo.” Tumango-tango ang matanda. Kinabukasan ay agad siyang pinatawag upang magtungo sila sa mga iskwater na lugar sa kanilang syudad. Pinakain niya ang mga gutom na mga bata ng bawat pamilya. Hindi lubos-akalain ni Don Rogelio na ganito pala ang sitwasyon ng mga kababayan niyang mahihirap. Laking-pasalamat niya kay Vincent dahil binukas nito sa kanya ang pintuan ng pagtulong sa kapwa. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement