Inday TrendingInday Trending
Buong Akala ng mga Magulang ay Maayos ang Anak na Iniwan sa Pinas, Halos Pagbagsakan sila ng Langit nang Malaman ang Tunay na Kalagayan ng Anak

Buong Akala ng mga Magulang ay Maayos ang Anak na Iniwan sa Pinas, Halos Pagbagsakan sila ng Langit nang Malaman ang Tunay na Kalagayan ng Anak

“Kamusta na si Klaire, ate? Naalagaan ba siya ng maayos?” tanong ni Klarise sa kanyang nakakatandang kapatid sa Pinas. “Aba’y oo naman, malusog na malusog ang anak mo. Kailan ko ba pinabayaan ‘to?” Nakampante si Klarise sa narinig. Alam niyang nasa maayos na kalagayan ang anak nila ni Teddy. “Kamusta daw ang anak natin?” inasahan na niya ang tanong ng asawa. “Maayos naman daw kaso tulog na. May pasok pa daw kasi bukas.” Halos laging ganoon ang tema nila. Madalang nilang makausap ang anak dahil ayon sa kapatid niya ay may ginagawa daw ito. Kung minsan naman ay natutulog na. Nalulungkot si Klarise dahil hindi nila maabutan palagi ang libreng oras ng anak. Pasalamat nalang siya at matiyaga’t mabait ang kanyang ate na balitaan sila sa lagay ng kanilang anak. Sa pamamagitan ng pagsesend ng pictures sa Facebook ay nakikita nila ang madalas na ginagawa ng anak. Mahilig itong mag-aral tulad ng ama nito. Isang araw habang nasa trabaho si Klarise ay nakatanggap siya ng tawag mula sa dati niyang kaibigan na si Lani. “Oh, Lani napatawag ka? Long time no talk ah?” pagbibiro niya sa kaibigan. Halos ilang taon rin kasi siyang walang naging balita dito. “Okay lang ako Klarise, pero sana maging okay ka rin sa ibabalita ko,” kinabahan siya sa malungkot na tinig nito. “Bakit? May problema ka ba?” nag-aalalang tanong niya dito. “Hindi ako, Klarise. Kundi ang anak mo ang may problema,” para siyang sinaksak sa sinabi nito. “Anong ibig mong sabihin?” “Nagtungo siya sa akin kahapon, humihingi ng tulong.” “Ha? Bakit daw?” mas lalong lumakas ang kabog ng kanyang dibdib. “Sinasaktan daw siya ng tiyahin niya, ng kapatid mo.” Naguluhan siya sa sinabi nito, “Anong ibig mong sabihin? Hindi kita maintindihan?” Kanina lang kasi ay kausap niya ang ate niya at masaya pang ibinalita na naka-perfect daw ang anak niya sa exam nito. “Puro kasinungalingan ang sinasabi ng ate mo. Pinepeke niya lahat ng litratong pinapadala sayo. Pinipilit niya lang ang anak mo na pumwesto sa harap ng camera upang maipadala sayo.” Doon bumalik sa alaala ni Klarise ang lahat. Doon niya rin napagtanto kung bakit madalas magdahilan ang ate niya upang hindi sila magkausap ng anak. Naalala niya rin nang minsang padalhan niya ng cellphone ang anak at sinabi ng ate niya na nasira daw bago pa man din magamit ng kanyang anak. Umiiyak na si Klarise habang kausap ang kaibigan, “Mapapatunayan mo ba ang sinasabi mo ngayon, Lani?” “Oo,” ‘yun lang at narinig niya na ang munting tinig ng kanyang anim na taong gulang habang umiiyak sa kabilang linya. Sinabi nito lahat ang katotohanang nagpabiyak sa puso nilang mag-asawa. Agad siyang nagdesisyon na umuwi. At ganoon nalang ang pagkaawa niya nang makita ang itsura ng kanyang anak. Namayat ito na hindi niya nahahalata sa videocall nila noon. Puro galis at sugat rin ang paa nito na halatang napapabayaan. Iyak siya nang iyak na niyakap ang kanyang anak, “Patawad anak ko…” Sising-sisi si Klarise sa pag-iwan nila sa nag-iisang anak. Habang kampante siyang nagtatrabaho ay puro dusa at hirap na pala ang dinanas nito ng walanghiya niyang ate. Buhat doo’y hindi na muna siya bumalik sa abroad. Pinuntahan niya ang ate niya na napag-alaman niyang ginagasta din ang perang pinapadala niya para sa sariling pagpapaganda. Aba, napakaputi na nito kumpara noong huling pagkikita nila. Halatang nagpa-gluta. Halatang nagpakasasa ang kapatid sa perang dapat ay napupunta sa pangangailangan ng kanyang anak. Sinampolan niya ang kanyang ate. Imbis na saktan ito tulad ng ginawa nito sa kanyang anak ay dumulog kaagad siya sa DSWD na nagbigay naman kaagad sa kanya ng magaling na abugado upang matulungan siyang maparusahan ang ate sa kawalanghiyaang ginawa nito sa kanyang anak. Labis naman ang pagmamakaawa ng babae na wag niyang ituloy ang demanda. Pero desidido na siya. Maaaring balang araw ay mapatawad niya ang kapatid pero hindi ngayon ang araw na iyon. Kailangan na maturuan ito ng leksyon. Kailangan na magkaroon ng hustisya ang kanyang anak. Hinintay niyang maaprubahan ang petisyon nila noon para madala ang kanilang anak sa Taiwan kung saan sila parehong nagtatrabaho mag-asawa. Matatagalan man ay hindi na ininda pa ni Klarise ang naiwang trabaho-abroad. Ang mahalaga ngayon sa kanya ay nasa mabuting kalagayan ang pinakamamahal niyang prinsesa. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement