Inday TrendingInday Trending
Gusto nang Magresign ng Lalaki sa Trabaho Ngunit Pinilit Siya ng Inang Magpatuloy, Nakakaawa ang Sinapit Niya sa Huli

Gusto nang Magresign ng Lalaki sa Trabaho Ngunit Pinilit Siya ng Inang Magpatuloy, Nakakaawa ang Sinapit Niya sa Huli

“You’re so stupid! I can’t say anything else, but you are so stupid!”

Napapahawak na lamang sa sentido ang call center agent na si Melvin. Umpisa palang ng tawag niya sa trabaho ay ganito na ka-irate o galit ang kanyang first customer. Ngunit sa kabila ng mga pagmumura at panlalait nito sa pagkatao niya ay kailangan niya ay kailangan niya pa ring magpakumbaba dahil kung hindi ay sermon na naman mula sa kanyang team leader ang kanyang aabutin.

Sa loob ng kanyang dalawang taong trabaho bilang call center agent ay hindi pa siya nakaranas na maging totoong masaya sa kanyang trabaho. Gusto niya sanang maging guro. Ito ang pinapangarap niya noon pa man. Ngunit hindi na siya pinag aral pa ng kanyang ina sa kolehiyo.

“Hindi ka naman kikita nang malaki sa pagiging guro. Mabuti pa pasukin mo nalang ang pagiging call center agent. Sabi ng kakilala ko pwede daw dun kahit high school graduate at mataas pa ang sahod.”

Dahil doon ay napilitan nga siyang mag apply bilang call center agent. Dahil magaling naman siyang mag-ingles kahit wala pa siyang experience at hindi college level ay natanggap agad siya sa unang inapplyan.

Mas masaya pa ang kanyang ina kaysa sa kanya nang ibalita niya ditong pasado siya at for medical na. Hindi magkandaugaga ito sa pagpapaalala sa kanya ng suportang dapat niya daw ibigay kapag nakasahod na siya.

“Ma, wala pa nga pong sahod eh,” naalala niya noong sabi niya sa ina.

Tandang tanda niya pa ang ekpresyon nitong napasimangot agad sa sinabi niya, “Aba huwag mong kalimutan kung gaano na kalaki ang utang ko kakabuhay sayo. Magawa mo man lang sanang suklian iyon.”

Niyakap niya ang ina, “Syempre naman po. Hindi ko po makakalimutan iyon. Pangako po lahat ng gusto niyo susundin ko.”

Dahil doon ay tila nakampante nga ang ina niya na hingan siya palagi ng pera. Wiling wili ito sa pagsha-shopping sa tuwing sahod niya. Kahit wala nang matira sa kanya ay ayos lang. Wag lang magalit ang kanyang ina sa kanya at maging masaya rin ito.

Ngunit sa pagtagal ng panahon ay unti unti nang nararamdaman ni Melvin ang pagsasawa. Pagsasawa hindi sa pagbibigay sa kanyang ina, kundi pagsasawa sa araw araw na pangyayari sa kanyang buhay–pagbyahe papasok sa trabaho, pagsagot ng mga katanungan ng customers, pagsalo ng galit ng mga ito at pagsalo rin sa sermon ng team leader niya.

Unti unti rin ay nakakaramdam siya ng pagkasakal. Hindi niya inakalang sa loob lamang ng dalawang taon ay susuko na ang kanyang mentalidad sa araw araw na ginagawa. Na kung tutuusin ay hindi niya dapat pagsawaan para sa kanyang ina.

“Pero hindi ko na kaya… napapagod ako. Gusto kong gawin sana ay yung bagay kung saan ako talagang sasaya. Ayokong tumanda nang ganito lang ang naging siglo ng buhay,” ika niya sa kaibigan.

“Anong sabi mo, Melvin?!” nagulat siya dahil nasa likod niya na pala ang kanyang ina at nakapamewang pa, “Hindi ka na kamo masaya sa ginagawa mo?! Ano? Balak mo nang magresign ha? Hindi mo pa nga nagagawa yung mga pangako mo sa aking pagginhawa ng buhay kuno!”

Napakamot siya sa ulo. Hindi niya naman inasahang maririnig pala ng kanyang ina ang totoong damdamin niya. Pero ang mas nakakagulat ay imbes na intindihin siya nito ay nagalit pa ito. Napailing na lamang siya at naisip na, “Kunsabagay ay si Mama nga pala yan.”

Hindi niya nga naman pala kasi kailanman naramdaman ang totoong pagmamalasakit ng ina sa kanya. Tanging siya lang ang tila namamalimos ng bawat pagmamahal at pag-aaruga na namimiss niya sa amang yumao.

Ngunit simula’t sapul ay hindi talaga siya gusto ng ina. Mas mahal na mahal nito ang ate niya kahit na maaga itong nag asawa at hindi na ginampanan ang responsibilidad para sa mama nila.

Kaya naman pinilit pa rin ni Melvin magpatuloy sa trabaho. Ngunit hindi niya namalayang ginagawa niya na pala ang mga bagay na kailanman ay hindi niya sinubukan noon. Tulad na lamang ng pagyoyosi, pag-inom ng alak, pagpaparty at pagtikim ng pinagbabawal na gamot.

Sinubukan niyang lahat nang iyon upang mahanap ang hindi mahanap hanap noon na kaligayahan sa trabaho. At sa pamamagitan noon ay sumasaya nga siya kahit na puro panandalian lamang.

Buhat doo’y hindi rin magkandaugaga ang ina niya nang makita ang itsura niya makalipas ang ilang linggo. Tila wala na kasi ang masunurin at mapagmahal na anak niya.

“Anong nangyari sayo?” naluluhang tanong niya dito.

Mapait na ngumiti ang kanyang anak, “Ito po, pinagpapatuloy magtrabaho. Pero naghahanap rin kahit papaano ng kaligayahan.”

Bumuhos ang luha ng matanda sa sinabi ng anak. Hindi niya lubos akalaing naging napaka-selfish niya palang ina. Buhat doo’y muli niyang binangon ang anak. Muli siyang nangutang ngunit hindi para sa sarili niyang mga luha, kundi para sa pagpapatuloy ng kolehiyo ng kanyang anak at makakuha ng kursong edukasyon.

Advertisement