Pumayag ang Mayamang Mag-asawa na Ampunin ang Anak ng Kanilang Kasambahay Kapalit ng Isang Nakagugulat na Kundisyon; Ano Kaya Ito?

Sa murang edad ay namulat si Sally sa hirap ng buhay. Maaga siyang naulila at dahil doon ay kailangan nilang magkawatak-watak na magkakapatid.

Mabuti na lamang at nakilala niya ang ngayong amo na niyang si Donya Linda sa palengke habang namamalimos. Pinakain at kinupkop siya nito. Natuwa ang donya kay Sally dahil napakagaling nitong magsalita. Lahat ng lumalabas sa bibig nito’y nakakaaliw. Maski wala itong pinag-aralan ay marami itong alam. Palibhasa’y mahilig itong magbasa.

Napakabait ng kaniyang amo pati ang asawa nitong si Don Rodrigo. Ang anak naman nilang lalaki na si Bong ay walang kibo. Mayaman man sila ngunit hindi masasabing masaya ang kanilang pamilya sapagkat nagkaroon ng matinding depresyon si Bong. Hindi nito nakayanan ang hirap sa pag-aaral ng medisina sa Amerika. Bukod doon ay naloko pa ito ng kasintahan at pinagpalit sa isang matandang mayaman. Boring daw kasi ito at wirdo.

Pinag-aral ng mag-asawa si Sally hanggang makatapos ito ng kolehiyo. Pinasok din nila si Sally sa isa sa mga pagmamay-ari nilang kumpanya at ginawa itong manager.

Tila naisakatuparan ang lahat ng pangarap ni Sally hanggang sa nakilala niya si Julius. Isa itong waiter sa restawran na pagmamay-ari rin ng mag-asawa.

Noong una ay ramdam naman ni Sally na mahal na mahal siya ni Julius ngunit nang lumaon ay napansin niya ang pagbabago sa ugali nito lalo na nang malaman nitong nagdadalantao siya. Alalang-alala si Sally sa magiging kinabukasan ng kaniyang magiging anak.

Isang araw ay sinadya niya si Julius sa bahay nitong kailanman ay hindi pa siya dinala ng nobyo. Napahagulgol si Sally sa nasaksihan.

“Papa! Kakain na raw tayo sabi ni mama!”

Advertisement

“O sige anak, susunod na ako,” sagot ni Julius sa isang batang tila anim na taong gulang pa lamang.

Imbes na sugurin ang nobyo ay nagpasya na lamang si Sally na lumayo.

Buo na ang loob niya. Ipapalagl*g niya ang dinadalang bata na bunga ng kasalanang wala siyang kaalam-alam na nagawa niya pala.

Napansin naman ni Donya Linda ang pagbabago sa ugali ng masayahing si Sally. Palagi na itong nakatulala at bihira na lamang ngumiti. Ang dating masayahin at palabirong si Sally ay nagbago na.

“Donya Linda, nakapagpasya na po ako. Pupunta ako sa ibang bansa at ipapalagl*g ko ang dinadala kong bata,” lumuluhang saad ni Sally matapos ikuwento ang sinapit sa nobyong manloloko.

“Lumaki tayo sa isang konserbatibong bansa. Hindi ko hahayaang gawin mo iyan, Sally… Maawa ka sa bata. Wala siyang kasalanan!” galit na pangaral ni Donya Linda.

Doon naisip ni Sally na ipaampon na lamang ang anak sa mga amo. Tutal ay mayaman naman ang mga ito at sigurado siyang maaalagaan ng mga ito ang dinadala niyang sanggol.

“Magtulungan tayo, Sally. Kukupkupin at ituturing naming amin ang bata sa legal na paraan. Pag-aralan mong mahalin si Bong, Sally,” direktang pahayag ni Don Rodrigo.

Advertisement

Nanlaki ang mga mata ni Sally sa narinig. Si Bong na wirdo? Saad niya sa sarili.

Sa likod ng isip niya’y tila may kakaiba siyang naramdaman nang isipin ang sinasabi ng among lalaki.

Kung tutuusin ay guwapo at matipuno si Bong. Wala lamang itong kibo ngunit noong bago ito dumaan sa depresyon ay masayahin din naman ito. Malalim din magmahal si Bong kaya’t hindi niya nakayanan nang lokohin siya ng kaniyang kasintahan.

“Hi, Bong! Puwede ba tayong mag-usap?” mahinang usad ni Sally habang kumakatok sa silid ng binatang amo.

“Pasok, what’s up?” mahinang tugon nito.

“Kaya mo ba akong mahalin kahit kasambahay niyo lang ako dati?” direktang tanong ng dalaga.

“What?!” napatayo namang ang binata sa narinig.

Biglang inikot ni Sally ang lock ng pintuan at hinub@d ang suot na bestida sa harap ni Bong.

Advertisement

“No, that’s not how you can make me fall in love,” nagtalukbong ng kumot ang binata at tumalikod kay Sally.

Napangiti si Sally at kinilig sa inasal ng binata.

Imbes na umalis ay nagikot-ikot ito sa kuwarto ni Bong at binuksan ang cabinet nito.

Napanganga siya nang makita sa loob noon ang kaniyang mga larawan. Bigla namang tumayo si Bong mula sa pagkakahiga at sinara ang cabinet.

“Matagal mo na akong gusto, ano?” akmang maghuhubad na naman si Sally ngunit pinigilan ito ni Bong.

“By liking you, I overcame depression. Matagal na kitang gusto at masaya ako na nagkahiwalay na kayo ng manloloko mong nobyo,” hayag ng binata.

“Ha? Paano mo nalaman?”

“Matagal ko nang kilala si Julius. Ninong din ako ng anak niya,” tila binuhusan ng malamig na tubig si Sally at sa galit ay sinampal niya ang binata.

Advertisement

Matagal na palang alam ni Bong na niloloko lamang siya ng nobyo ngunit hindi man lamang ito nagkusang magsabi bago pa siya malugmok sa suliraning pinagdadaanan niya ngayon.

“I am willing to be the father of that child Sally,” naluluhang saad ni Bong.

Hindi nagtagal ay nahulog na rin ang loob ni Sally sa dating amo.

Walang pagsidlan ng saya ang puso nila Donya Linda at Don Rodrigo. Nakikita nila sa araw-araw na bumubuti na ang lagay ni Bong at alam nilang mahal na mahal nito si Sally at ganoon din naman ang dalaga.

Lumipas ang dalawang buwan at nagpakasal na ang dalawa.

Sa ngayon ay may lima na silang anak. Si Bong ay isa nang ganap na doktor at nalagpasan na rin nito nang tuluyan ang depresyon sa tulong ni Sally.

Aliw na aliw si Donya Linda at Don Rodrigo sa dami ng kanilang mga apo.