Inday TrendingInday Trending
Iniligtas ng Lalaking Naka-Maskara ang Dalaga sa Kamay ng Manliligaw; May Balak Din Pala Ito sa Kaniya

Iniligtas ng Lalaking Naka-Maskara ang Dalaga sa Kamay ng Manliligaw; May Balak Din Pala Ito sa Kaniya

Habol-hininga si Geraldine habang tumatakbo. Kahit nahihilo na ay patuloy pa rin sa pagtakas sa lalaking humahabol sa kaniya.

“Diyos ko, hindi ko na yata kaya, nanlalabo na ang paningin ko,” bulong niya sa isip.

Ang lalaking humahabol sa kaniya ay ang manliligaw niyang si Francis. Inaya kasi siya nitong kumain sila sa labas ngunit nalaman niya na may inilagay palang kung anong gamot ang lalaki sa inumin niya at may plano itong pagsam*ntalahan siya, mabuti na lang at nakatakas siya subalit ang epekto ng gamot sa ininom niya ay nararamdaman na niya sa kaniyang katawan. Naisipan niyang magtago sa kawayanan upang hindi siya makita ng lalaki.

“Dito na lang muna ako,” aniya.

Nang biglang…

“Huli ka! Ang akala mo siguro ay matatakasan mo ako ‘no?” wika ni Francis na hinila ang kaniyang braso.

“Hay*p ka! Bitiwan mo ako!”

“Wala ka nang magagawa. Patuloy ang iyong panghihina dahil sa ipinainom ko sa iyo. Magiging akin ka na, Geraldine!”

Maya-maya ay biglang may sumuntok sa mukha ng lalaki na agad nitong ikinabuwal.

“S-sino kang pakialamero ka?!” gigil nitong tanong.

“Ang babae, minamahal at hindi sinasaktan!” wika ng isang lalaki na nakasuot ng maskara.

Nagtangkang lumaban si Francis ngunit sadyang mas malakas sa kaniya ang lalaki kaya b*gbog-sarado ang inabot niya.

Nang hindi na nakabangon pa si Francis ay dali-daling itinakas ng lalaki si Geraldine at inilayo sa lugar na iyon.

Nakaramdam ng kilig ang dalaga sa ginawang pagtatanggol sa kaniya nito. Kahit hilong-hilo na dahil sa ininom ay pilit niyang inaninag ang mukha ng lalaking nagligtas sa kaniya ngunit hindi niya ito mapagmasdang mabuti dahil sa nakasuot ito ng maskara kaya hindi niya nakita ang kabuuan ng mukha nito.

Ilang sandali pa ay hindi na namalayan ni Geraldine ang mga sumunod na nangyari. Nagising na lamang siya na nasa isang liblib na lugar na siya sa kawayanan at walang suot na saplot sa katawan. Nakita rin niya ang isang lalaki na nasa tabi niya at himbing na himbing sa pagtulog. Kagaya niya ay wala rin itong suot na damit at halos hub*’t hubad na. Hindi niya makita ang mukha nito dahil nakasuot ito ng maskara.

Saka palang niya naalala ang lahat ng nangyari sa kaniya. Ang masamang balak ni Francis at ang pagtatanggol sa kaniya ng lalaking naka-maskara ngunit ‘di niya inakala na pati pala ito ay pagsasam*ntalahan ang kaniyang kahinaan. Sa labis na inis sa sarili at kahihiyan ay nagmamadali siyang nagbihis at tumakas sa lugar na iyon at iniwan ang lalaking inakala niyang isang bayani.

“Kay lupit naman ng aking kapalaran. Ang akala ko’y isa siyang mabuting lalaki, iyon pala ay….” sabi niya sa sarili habang humihikbi.

Lumipas ang ilang buwan. Hindi na nagpakita pa si Francis ngunit nagbunga ang ginawa sa kaniya ng lalaking naka-maskara. Ang lalaking huwad na tagapagtanggol. Imbes na magalit sa dinadalang sanggol sa sinapupunan ay tinanggap na lamang niya ang kaniyang naging kapalaran. Sa isip niya ay wala namang kasalanan ang sanggol na iyon, kaya napagpasyahan niyang ituloy ang pagbubuntis at palalakihin ang kaniyang anak kahit wala itong kikilalaning ama.

Dahil malaki na ang tiyan at kabuwanan na ni Geraldine ay naisip niyang maghanap ng bagong trabaho. Hindi na kasi sasapat ang kinikita niya sa pagtitinda sa palengke dahil magkakaroon na siya ng anak. Kailangan niyang kumita ng mas malaki. Isang kakilala niya ang nagsabi na maaari siyang pumasok bilang isang tagapaglingkod sa hacienda ng Pamilya Zaragosa na kilalang may-ari ng pinakalamaking taniman ng tubo sa kanilang lugar. Matalik na kaibigan ng kapitbahay niyang si Aling Iska ang mayordoma sa hacienda kaya madali siyang naipasok doon. Kahit buntis siya ay tinanggap pa rin siya sa hacienda para magtrabaho. Dahil sa nagdadalantao siya ay magaan na trabaho ang ibinigay sa kaniya ng mayordoma na si Pacing.

“Maraming salamat po, Manang Pacing sa pagtanggap sa akin. Kailangan ko lang po talaga ng trabahong mas malaki ang kita dahil malapit na po akong manganak,” wika niya sa matandang babae.

“Walang anuman, hija. P-pero sigurado ka bang kaya mo ang trabaho rito? Kabuwanan mo na, dapat ay nagpapahinga ka na,” sambit ng mayordoma.

“Kaya ko pa po, manang. Lahat po ay kakayanin ko para sa anak ko,” sagot niya.

Sa pagtatrabaho niya sa hacienda ay nakilala rin niya ang anak ng mag-asawang Don Servio at Donya Yolanda na si Terrence. Isa itong guwapo at matipunong binata na agad na nahulog ang loob sa kanya. Mabait si Terrence kaya ‘di niya naisawang hindi rin mahulog sa lalaki. Kahit ilang araw pa lang siyang naninilbihan sa hacienda ay natutunan na niyang mahalin ang lalaki. Tanggap din nito ang kaniyang nakaraan at handa rin nitong tanggapin ang sanggol sa kaniyang sinapupunan.

Isang gabi, ipinakilala siya ng lalaki sa mga magulang nito. Gaya ng inasahan ay laking gulat ng mag-asawang Don Servio at Donya Yolanda ang kanilang nalaman.

“Nahihibang ka na ba, anak? Papatol ka na lang sa babae, sa isang disgr*syada pa?” inis na tanong ng ina.

“Hinding-hindi namin matatanggap ang babaeng iyan! Napagsawaan na ‘yan ng ibang lalaki tapos ay pakakasalan mo? Nababaliw ka na! Mas matatanggap pa namin ng mama mo kung si Alexa ang makaka-isang dibdib mo!” galit na sabi ng ama.

“Papa, mama, hindi po ako nahihibang, si Geraldine po ang pakakasalan ko at gusto kong makasama habang buhay. May pananagutan po ako sa kanya,” sagot ng lalaki.

“Pananagutan? A-anong ibig mong sabihin, anak?” tanong muli ng inang si Donya Yolanda.

“A-ako po ang ama ng ipinagbubuntis niya,” tugon ni Terrence.

Laking gulat ng mga magulang, pati na rin si Geraldine ay nagulat sa sinabi ng lalaki.

“A-anong ibig mong sabihin, Terrence?!”

“Patawarin mo ako, Geraldine, a-ako ang lalaking tumulong sa iyo sa kawayanan. Ako ang lalaking nakasuot ng maskara,” bunyag ng lalaki.

Halos matulala si Geraldine sa nalaman niya.

“A-ako ang lalaking nagligtas sa iyo sa kamay ng lalaking gustong manakit sa iyo. Nang araw na iyon ay may engrandeng pagtitipon dito sa hacienda at ang mga taong imbitado ay kailangang magsuot ng maskara. Nakainom ako noon at may tama ng alak ang aking pag-iisip dahil nang araw ding iyon ay tumakas ako sa pagtitipon dahil plano pala ng aking mga magulang na ipakasal ako sa babaeng hindi ko naman mahal. ‘Di sinasadyang nakita kita sa kawayanan na sinasaktan ng lalaking iyon kaya ipinagtanggol kita, ngunit nabigla ako dahil bigla mo akong hinalikan sa aking mga labi, ang sabi mo pa’y maraming salamat sa pagliligtas ko sa iyo. Lalaki ako at lasing pa, kaya hindi ko napaglabanan ang init sa aking katawan at may nangyari sa atin. Nang magising ako ay naalala ko ang lahat at nakita kong wala ka na sa aking tabi. Hinanap kita ngunit hindi na kita natagpuan. Nagulat ako nang malaman kong dito ka nagtatrabaho sa hacienda. Nakita ko na buntis ka kaya alam ko na ako ang ama ng iyong dinadala. Hindi ko sa iyo sinabi ang totoo dahil sinubukan kong kilalanin muna ang iyong pagkatao bago panagutan ang ginawa ko sa iyo ngunit sadyang mapagbiro talaga ang tadahana at ako’y iyong tuluyang napa-ibig. Sa sandaling panahon na nakilala kita ay minahal na kita, Geraldine. Hayaan mong ako ang maging ama sa ating magiging anak at ako ang iyong maging kabiyak,” hayag pa ni Terrence.

‘Di makapaniwala si Geraldine sa ipinagtapat ng lalaki. Ang lalaking inakala niyang nanamantala sa kanya ay ang lalaki ring pinag-alayan niya ng pagmamahal. Bigla niyang naalala na hindi pala siya nawalan ng malay noon. Totoong hinagkan niya sa mga labi si Terrence na tanda ng kaniyang pasasalamat sa pagliligtas nito sa kanya at pumayag din siyang may mangyari sa kanila. Pilit lamang niyang isinuksok sa sarili na pinags*mantalahan siya nito dahil sa sobrang galit sa nangyari sa kaniya nang araw na iyon. Ang totoo ay ibinigay niya ang sarili sa lalaking nagligtas sa kaniya kahit hindi niya ito lubos na kilala.

“Patawad, mahal ko, mahal na mahal kita. Hindi ko makakaya na mawala ka pa sa akin, kayo ng ating anak,” tugon pa ng lalaki sabay yakap sa kaniya nang mahigpit.

“Napatawad na kita, Terrence. Ginusto ko rin naman ang nangyari sa atin. Wala akong pinagsisihan dahil alam kong isang mabuting tao ang pinag-alayan ko ng lahat-lahat. Mahal na mahal din kita,” sambit ni Geraldine saka muling hinagkan sa mga labi ang kasintahan.

Napaluha na lang ang mga magulang ni Terrence sa katotohanang sumambulat sa kanila. Wala na rin silang nagawa kundi ang suportahan ang anak.

“Patawarin mo kami, anak. Dapat ay hinayaan ka naming magdesisyon para sa iyong sarili at hindi ipinilit ang gusto namin ng iyong mama,” wika ni Don Servio.

“Nagpapasalamat nga po ako sa inyo ni mama dahil kundi ninyo ako pinilit na magpakasal noon kay Alexa ay hindi ako maglalayas nang araw na iyon at hindi ko makikilala ang babaeng totoong nakatadhana sa akin. Maraming salamat, papa, mama,” tugon ni Terrence.

‘Di nagtagal ay naganap ang isang engrandeng kasalan sa hacienda. Natuloy ang pag-iisang dibdib nina Geraldine at Terrence na may basbas nina Don Servio at Donya Yolanda. Ilang araw pagkatapos nang kasal ay isinilang na rin ni Geraldine ang maganda at malusog nilang anak ni Terrence na pinangalanan nilang Sophia.

Advertisement