Inday TrendingInday Trending
May Lihim na Relasyon ang Babae sa Kaniyang Ninong; Saan Hahantong ang Kanilang Bawal na Pag-Ibig?

May Lihim na Relasyon ang Babae sa Kaniyang Ninong; Saan Hahantong ang Kanilang Bawal na Pag-Ibig?

Paano nga ba malilimutan ng isang babae ang unang lalaking nagpatibok ng kaniyang puso?

“Mahal mo ba talaga ako, Edison?” seryosong tanong ni Glenda sa lalaki.

“Kailangan pa bang ulit-ulitin ko sa iyong mahal na mahal kita,” sagot nito.

Isang taon na ang relasyon nina Glenda at Edison. Nang araw na iyon ay nagpapakasaya sila sa isang bakasyon. Abala sila sa mga kaniya-kaniya nilang trabaho sa Maynila kaya ngayong nagkaroon sila ng pagkakataon ay sinusulit nila ang isa’t isa na magkasama.

“Ay! Ano ka ba? Nababasa ako!” hiyaw ng dalaga nang basain siya ng tubig ng binata nang dalhin siya nito sa ilog.

“Bakit? Takot ka ba sa tubig? Baka mamaya ay isa kang sirena kaya ayaw mong mabasa ka ng tubig ay dahil magiging buntot ng isda ‘yang mga binti mo?” natatawang sabi ni Edison.

“G*go! Kung anu-anong naiisip mo, eh!” tugon ni Glenda.

Para sa dalaga, si Edison ang katuparan ng mga pangarap niya. Ang binata ang kauna-unahang lalaking minahal niya. Hindi na niya kaya pang mawala sa buhay niya si Edison kaya lahat ng gusto nito ay ibinibigay niya, gaya na lang nang ipaubaya niya rito ang kaniyang pagkababae.

“I love you, Glendaaa…hinding-hindi mo pagsisisihan na ibinigay mo sa akin ang iyong…uhhmmm,” wika ni Edison habang kan*ig niya ito sa kama.

“I love you too, Edsooon…” sagot niya.

Ang pagpapaubaya ni Glenda kay Edson ng kaniyang sarili ay ilang beses pang nangyari, at sa tuwing matatapos ang oras at araw ng kanilang pinagsaluhang kaligayahan ay unti-unting nanunumbalik ang kaba, takot at pagsisisi na kaniyang nararamdaman.

Sapagkat ang pag-ibig na namamagitan sa kanilang dalawa ng lalaking pinaka-iibig niya ay isang bawal na pag-ibig.

“Mahal na mahal kita, paalam,” wika niya saka hinalikan sa labi ang lalaki habang mahimbing itong natutulog. Sobrang napagod kasi si Edison sa naganap sa kanila kanina.

Palihim na umalis si Glenda sa lugar na iyon at mag-isa siyang bumalik sa Maynila. Pagbalik niya sa bahay kung saan siya kasalukuyang naninirahan…

“Mano po, ninang,” aniya.

“O, kumusta na ang lakad mo, hija?” tanong ng kaniyang Ninang Adela, matalik na kaibigan ng yumao niyang ina. Dito siya ngayon nakatira dahil malapit ang bahay nito sa pinapasukan niyang call center.

“H-Ho? A, eh, m-mabuti naman po, ninang,” sagot niya.

“Mukhang pagod na pagod ka, magpahinga ka na muna, hija. Tatapusin ko lang itong niluluto ko. Katatawag lang ng ninong mo at ngayon daw ang uwi niya. Dalawang araw rin siyang nadestino sa Pangasinan, eh,” sabi nito.

Maya maya pa’y dumating na rin ang iniintay ng ninang niya.

“O, ayan na pala ang ninong mo, eh,” anito.

“Dito na ako, mahal,” wika ng lalaki.

“O, kumusta ang trabaho mo?” tanong ng babae.

“M-mabuti naman,” maikling sagot ng kausap.

“Tamang-tama ang dating mo. Kaluluto ko lang ng ulam. Pareho niyong paborito nitong inaanak mo ang niluto kong dinuguan. Diyan muna kayo ha? Maghahain lang ako,” sabi pa ni Adela.

“Sige at magpapahinga muna ako,” sambit ng lalaki.

Nang magkasarilinan ang magninong…

“Bakit iniwan mo ako? ‘Di ka man lang nagpaalam na mauuna ka na pala?” tanong ni Edison, ang ninong niya, ang asawa ng Ninang Adela niya.

Inirapan lang ito ni Glenda. Sa puntong iyon ay napag-isipan na niyang tuluyang tapusin ang bawal nilang relasyon ng kaniyang Ninong Edison. Noon pa man ay may pagtingin na siya rito dahil guwapo at napakabait nito. Pitong taon lang naman ang tanda nito sa kaniya. Mas matanda rin ang ninang niya sa lalaki. Nang tumira siya sa bahay ng mga ito ay mas naging malapit sila sa isa’t isa ni Edison at ‘di rin nito napigilang mahulog sa kaniya, dahil mas bata, mas maganda siya kaysa sa Ninang Adela niya kaya nakalimot ito’t nagawang lokohin ang sariling asawa.

“Nakapagdesisyon na ako, Edison,” anito.

“A-anong ibig mong sabihin?”

“Mahal na mahal ka ni ninang at ayokong ako pa na inaanak niya ang magbibigay ng sama ng loob sa kaniya. Pangalawang ina na ang turing ko sa kaniya mula nang pumanaw si mama at parang tunay na anak na rin ang turing niya sa akin,” sabi ni Glenda.

“P-pero, akala ko ba ako lang ang mahal mo? Ako lang ang lalaki sa buhay mo?” tanong ni Edison sa nanghihinayang na tono.

“Oo, mahal kita, p-pero mas mahal ko si ninang at mas gusto kong gawin na ang tama. Ayoko nang magkasala pa. Mahal na mahal ka ni ninang at alam kong mahal mo pa rin siya, kaya tapusin na natin ang kahibangan nating ito,” mariing sabi ng dalaga.

At isang tamang desisyon lamang ang nararapat niyang gawin, desisyon hinding-hindi niya kailanman pagsisisihan.

“Susulat ka kaagad kapag dumating ka na sa Australia ha, hija?” wika ng ninang niya. Nagpapaalam na ito sa kaniya. Buo na ang loob niya na makipagsapalaran sa ibang bansa para tuluyang makalimutan si Edison.

“Opo, ninang. Naroon naman po si papa kaya hindi po ako malulungkot. Mag-iingat po kayo ha? Huwag niyo pong pababayaan ang inyong sarili at p-patawarin niyo po ako kung may mga nagawa man po akong mali,” tugon niya saka niyakap nang mahigpit si Adela.

“Mag-iingat ka, Glenda. Sana’y matagpuan mo na ang lalaking nararapat para sa iyo,” sabad naman ni Edison na sumama ring maghatid sa kaniya sa airport.

“S-salamat, Ninong Edison. Huwag mo sanang pababayaan si ninang,” sagot niya.

Nasa eroplano na si Glenda, nakatanaw sa bintana. Panahon na para kalimutan ang pagkakamali niya sa nakaraan dahil handa na niyang harapin ang pagbabago sa kasalukuyan.

“Malilimot din kita, Ninong,” bulong niya sa isip.

Sa wakas ay namulat din si Glenda at winakasan na ang bawal nilang pag-ibig ni Edison. Sana nga ay mahanap na niya ang taong magmamahal sa kaniya, ‘yung sa kaniya lang at wala siyang kahati.

Advertisement