Inday TrendingInday Trending
Sinisi ng Babae ang Diyos sa Maagang Pagkawala ng Kanyang Anak, Isang Milagro ang Hindi Niya Inaasahang Maganap

Sinisi ng Babae ang Diyos sa Maagang Pagkawala ng Kanyang Anak, Isang Milagro ang Hindi Niya Inaasahang Maganap

“Huwag po sana kayong mabibigla, Mrs. Herrera…” hindi mabasa ni Angeline ang katotohanan sa mga mata ng doctor na kaharap. “Anong ibig mong sabihin? Anong nangyari sa anak ko?” hinawakan niya ang dalawang balikat nito na tila nagmamakaawa na sabihing okay na ang anak niya. Na nakasurvive na ang nag-iisang anak niya.” Malungkot na umiling ang doctor, “I’m sorry po, pero ginawa na namin ang lahat ng aming makakaya.” Iyak nang iyak si Angeline sa harapan ng bangkay ni Jericho. Naalala niya ang bilin nito sa kanya noon na idonate ang mapapakinabangang parte ng katawan nito. Noong una’y mariin niyang tinanggihan iyon pero para na rin sa ikatatahimik ng anak niya ay sinunod niya ang bilin nito. Nabalitaan niyang ang mga mata ng anak ay ibinigay sa batang katabing-kama nito noon sa ospital. Gumaan naman ang loob niya dahil kahit papaano’y mabuting tao ang napuntahan ng isa sa mga parte ng katawan ng kanyang anak. Ilang taon ang lumipas at mag-isa na lamang naninirahan ang matandang si Angeline. Naunang pumanaw ang kanyang asawa sa kanya. Isang araw habang tumatawid, dahil sa katandaan ay hindi na masyadong naaninag ng matanda ang paparating na sasakyan. “Nay ingat po!” Nagulat siya nang biglang may mga kamay na humatak sa kanya patungo sa gilid ng kalsada. “Okay lang po ba kayo, ‘nay?” isa pala itong binata. Magpapasalamat na sana siya sa kabutihang-loob nito nang bigla siyang napaiyak, “Diyos ko!” Nagulat nang bahagya ang binatang hawak-hawak pa rin ang mga kamay niya, “Okay lang po kayo? May masakit po ba sa inyo?” “Jericho!” napayakap siya sa binata. Nagulat rin ito at tila nakilala rin siya, “Kayo po ba ang nanay ni Jericho?” Tumango-tango siya habang pinupunasan ang mga luha. “Laking-pasalamat ko po sa inyo ng anak niyo sa pagbibigay sa akin ng mga mata.” Tuwang-tuwang malaman ni Angeline na isa na ring doctor ang batang nabigyan noon ng mga mata ni Jericho. Hindi pala napunta sa wala ang kabutihang-loob ng pinakamamahal niyang anak. At napakalaki ng pagpapasalamat niya na napunta sa may magandang puso ang mga mata ng anak. Simula nang araw na iyon ay madalas na silang magkita ng lalaki. Hindi siya nito ni minsan pinabayaan. Itinuring siya nitong parang tunay na ina. Simula noon ay napagtanto niyang hindi naman pala kinuha ng Panginoon ang anak niya. Parang lumipat lamang ito sa katawan ng iba. Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement