Maraming Empleyado ang Nagkikimkim ng Galit sa Manager na Ito sa Sakit Magsalita, Isang Papel ng Karma ang Tumama sa Kanya
Si Anna ay kapo-promote lang na manager sa kumpanyang pinapasukan niya. Taglay niya ang talino at confidence ng isang ismarteng babae. Kaya naman lahat ng boss niya ay napapahanga niya. Ang rurok ng tagumpay na kinatatayuan niya ngayon ay dahil na rin sa sarili niyang talino. Pero sa kabila niyon ay hindi siya kakikitaan ng simpatya sa kapwa. Mapanlait siya at madaling mag-init ang ulo. Kaya naman maraming mga empleyado ang ilag sa kanya. “Ang tanga-tanga mo naman, simpleng report lang hindi mo pa magawan nang maayos!” sigaw niya sa sekretarya niya dahil nagkamali ito ng ilang letra sa pinagawa niyang report dito. “Kahihiyan ko ‘to Patricia! Kaya umayos ka!” “Sorry po, Ma’am,” muling hinging-paumanhin ng kaawa-awang babae sa boss niya. Naging ganoon palagi ang tema ni Anna. Sa tuwing may maliit na pagkakamali ang mga empleyado ay katakot-takot na bunganga ang aabutin ng mga ito sa kanya. Isang araw ay may isang bagong empleyado ang kumpanya. Napunta ito sa pamamahala niya. “Mag-ingat ka kay Ma’am Anna, ubod ng sungit ‘yan. Kapag nagkamali ka, ipapahiya ka n’yan.” Minsang naririnig niyang bulong-bulungan ng mga taong nasa ilalim niya. Wala naman siyang pakialam dun dahil para sa kanya ay “deserve ng kahit sinong tanga ang panlalait niya”. Hanggang sa makakita siya ng butas sa bagong empleyado nila, “Ano ba naman ‘yan Klay! Ang hina ng ulo mo! Simpleng instruction hindi mo pa magawa.” “Sorry po,” hinging-paumanhin nito. “Ipagpatuloy mo pa ‘yang kahinaan ng ulo mo, ipapatanggal kita.” “Excuse Miss Anna, may problema ba dito?” Nagulat siya nang dumating ang presidente at may-ari ng kumpanya nila. “Ito kasing bagong salta boss, aanga-anga.” “Ahh,” tumikhim ito, “Pagpasensyahan mo na ang anak ko ah. Kakagraduate lang kasi niyan, new to business.” Nanlaki ang mga mata ng manager, “Kanina pa ba kayo d’yan boss?” Ngumiti ito, “Oo narinig ko rin lahat ng pinag-usapan niyo.” “Narinig mo rin lahat ng masasakit na sinabi ko sa anak mo!” Hiyang-hiya si Anna, “Sorry po, boss.” “No worries, I understand na ganun ang way ng pagdidisiplina mo. Here,” may inabot itong papel sa kanya. “Pakilukot.” Ginawa niya naman ang sinabi ng amo. Ngumiti ito, “See? Yan ang nangyayari sa damdamin ng tao kapag nasasabihan mo ng masasakit na salita. Kahit kailan ay hindi na maibabalik sa kanila ang matuwid na paniniwala nila sayo. Lukot na rin ang pagkatao nila dahil naapektuhan ng mga sinasabi mo. Magaling ka Miss Anna, pero sana matuto ka rin sanang makipag-kapwa tao.” Napahiya ang manager nang marealize ang mga maling-asal niya. Tila natabunan ang lahat ng nagawa niya sa kompanya dahil sa kagaspangan ng ugali niya. Hindi na makita ng ibang taong magaling siya sa trabaho niya dahil mas nararamdaman ng mga ito ang kurot sa tuwing mapagsasabihan niya ng masasakit na salita. Sa ngayon ay hindi na alam ni Anna kung ano ang estado niya sa kompanya ngayong nahuli siya ng boss niya na pinagsasalitaan ng masasakit ang anak nito. Isa lang ang sigurado siya, pag-iigihan na niya ang pakikipag-kapwa tao simula ngayon. Mas iintindihin na niya ang damdamin ng bawat tao sa paligid niya, mas mataas man ang mga ito sa kanya o mas mababa. Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.