Nawawalan na Siya ng Pag-asang Matutupad pa ang mga Pangarap Niya; Hadlang nga ba ang Edad Niya sa Pagtatagumpay?

Simula pagkabata hanggang ngayong animnapung taong gulang na ang ginoong si Rovin, wala pa rin siyang naaabot kasi isa sa kaniyang mga pangarap. Maging isang ama, magkaroon ng masayang pamilya, manirahan sa isang magandang bahay, makakakain sa isang restawran, at marami pang simpleng pangarap na mayroon siya ngunit ni isa, wala pa ring nagkukrus sa landas niya. 

Sa edad niya ngayon, tila ba imposible nang maabot niya kahit isa sa mga ito dahil bukod sa wala naman siyang alam na kahit anong trabaho bukod sa panlilimos, hindi pa siya marunong magsulat o kahit magbasa na labis niyang pinoproblema ngayon.

Kasabay ng paghina ng kaniyang mga buto at paglabo ng kaniyang paningin ay ang pagkawala ng pag-asa niyang ni isa sa mga simpleng pangarap niyang iyon ay matutupad pa bago siya tuluyang mawala sa mundong ito. 

Sa katunayan, ginugol niya naman ang buong buhay niya sa pagsisikap na makahanap ng pagkakakitaan at pagsisilbi sa Panginoon. May pagkakataon pa ngang buong araw na siyang nasa simbahan upang tumulong sa pag-aayos ng bubong nito nang liparin ng isang bagyo.

Ngunit kahit pa ganoon, patuloy pa rin siyang naghahabol ng oras sa buhay at nagmumukhang kawawa sa mata ng nasa paligid niya. Lalo pa siyang nawawalan ng pag-asa sa tuwing pinagtatawanan o minamaliit siya ng mga kapwa niya pulubi kapag ikinukwento niya ang mga munti niyang pangarap.

“Kung nagsumikap ka kasi dati, manong, malamang hindi ka tatanda nang walang nararating! Kita mo tuloy, kahit pamilya, wala ka! Siguro wala kang ginawa dati noong kabataan mo kung hindi ang magloko at manalbahe ng buhay ng iba kaya ka kinakarma ngayon!” biro ng isa sa mga kabataang nakakausap niya tuwing siya’y nanlilimos sa lansangan na talagang dumurog sa puso niya.

“Hindi totoo ‘yan, hijo. Alam ng Diyos kung gaano ako katapat sa kaniya simula pa lang noong kabataan ko. Ni hindi nga ako nahuli sa kahit tanong misa kahit na mas maingay pa ang kulo ng sikmura ko kaysa sa kampana,” tapat niyang kwento rito habang inaalala ang kaniyang pagkabata.

“Iyan ang imposible! Kung mabuti kang tao noon pa man, edi dapat, biniyayaan ka na ng Diyos! O kaya baka naman, dahil sa katandaan mo, nawala ka na sa inip Niya!” tawang-tawa pang sabi nito dahilan para hindi niya maiwasang maisip na baka nga wala nang balak ang Diyos na pagandahin ang buhay niya.

Advertisement

Ngunit imbis na magalit o kahit magkaroon ng katiting na sama ng loob sa Maykapal, lalo niya pang tinulak ang sarili na manampalataya rito.

“Ilang taon na lang din naman ang itatagal ko sa mundong ito, iaalay ko na lang lahat Sa’yo. Ayos lang kahit wala akong naabot kahit isa sa mga pangarap ko, alam ko namang makakasama Kita balang araw,” hikbi niya habang nakalunod sa altar ng simbahan.

Habang siya’y umiiyak habang nakapikit doon, nagulat siya nang biglang may magpunas ng luha niya.

“Palagi kitang nakikita rito, tatay. Kumain ka na ba? Halika, samahan mo akong mananghalian ngayon,” alok ng isang binata sa kaniya, tatanggi na sana siya nang bigla namang kumulo ang kaniyang tiyan dahilan para siya’y hilahin nito palabas.

Dinala siya nito sa isang mamahaling restawran na labis niyang ikinatuwa dahil sa wakas, may natupad na sa isa sa mga pangarap niya.

Habang sila’y masayang kumakain, nakwento niya sa dalaga ang kaniyang buhay lansangan at sa hindi inaasahang pagkakataon, nagulat siya nang sabihin nitong, “Gusto niyo po ba, tatay, na manirahan na lang sa bahay ko? Wala na po kasi akong pamilya at gusto ko nang may makakasama sa bahay.”

“Si-sigurado ka ba riyan? Hindi mo ako kilala, hijo, bakit nagtitiwala ka agad sa akin?” gulat niyang tanong dito.

“Sapat na po para sa akin ‘yong pag-iyak niyo halos araw-araw sa harap ng altar para po pagkatiwalaan kayo,” sabi pa nito na labis niyang ikinaiyak dahil sa tuwa at doon na nagsimulang matupad ang kaniyang mga pangarap.

Advertisement

Siya na ang tumayong ama ng binata at naging masaya silang dalawa sa isang magandang bahay na noon niya pa pinapangarap tirhan. Ito ang dahilan para kaniyang mapagtantong hindi pa rin pala siya nakakalimutan ng Panginoon.

Kumulubot man ang mga balat niya bago matupad ang mga simple niyang pangarap, kakaibang saya naman ang naramdaman niya kapiling ang isang binatang noon pa man pala ay napapansin na ang pananampalataya niya sa Panginoon.