Inday TrendingInday Trending
Lubos na Naulila ang Batang Ito, Ngunit Sa Paglisan ng Kanyang Mahal na Lola ay Isang Milagro ang Iniwan Nito

Lubos na Naulila ang Batang Ito, Ngunit Sa Paglisan ng Kanyang Mahal na Lola ay Isang Milagro ang Iniwan Nito

Si Destiny ay pitong taong gulang. Isa siyang mabait at masunuring bata. Maaga siyang naulila sa mga magulang dahil sa isang aksidente kung kaya naman naiwan siya sa pangangalaga ng kanya lola.

Bagaman walang kinalakihang magulang, masayahin pa rin isi Destiny. Marami siyang kalaro, sapagkat busilak ang kanyang puso. Bata pa man ito subalit ang pag iisip niya ay kagaya ng matatanda. Mahal na mahal siya ng kanyang lola.

Pagtitinda lamang kasi ng basahan ang kanilang ikinabubuhay.

”Okay po Lola,” aniya sabay talikod na at pumuntang kusina upang maghugas ng plato.

Iyon ang ginagawa niya araw-araw bago maglaro ay ginagawa niya muna ang kaya niyang dapat gawin. Kagaya ng paghuhugas ng plato, pagwawalis ng bahay at pagtulong sa lola sa paggawa ng basahan. 

Madalas isipin ng matanda ang kinabukasan ng apo kapag nawala siya. Matanda na siya at mahina na. Hindi niya rin alam kung kailan tatagal ang buhay niya. Kaya naman lahat ng gawaing-bahay ay itinuturo niya kay Destiny.

Isang gabi habang kumakain sila ng hapunan ay kinausap niya ito, ”Apo, tumatanda na ako. Hindi ko alam kung kailan babawiin ng Diyos ang pahiram niyang buhay. Gusto ko lang sana, maging matapang ka at matuto sa buhay.

“Bakit po? Hindi pa naman kayo mamatay hindi po ba?” malungkot at inosente niyang tanong dito

“Sinasabi ko lang para kung sakali ay handa ka.”

Kinabukasan naghanda na ang matanda para magtinda ng basahan sa bangketa. Habang patawid siya ng kalsada ay nakaramdam siya ng matinding pagkirot ng puso.

Agad siyang tumawid dahil kumpara sa mga paninikip ng dibdib niya noon, ay kakaiba dito at pinakamasakit.

”Tulong! Tulong!” mahina ngunit may pagmamakaawa niyang sigaw.

Mabuti nalamang ay may liwanag na kaya marami ang sumaklolo sa kanya. Subalit sadyang mapaglaro ang tadhana, binawian agad ng buhay ang matanda bago pa man malunasan ng first aid sa ospital. Atake sa puso ang umanong ikinamatay nito.

Samantala, papasok pa lamang sa eskwela noon si Destiny nang puntahan siya ng humihingal na si Mang Isko, ”Destiny, huwag ka sanang mabibigla sa sasabihin ko. Kaninang umaga habang papunta sa bangketa ay biglang inatake ang lola mo.”

Agad na kinabahan ang bata at agad na pumasok sa kanyang isipan ang bilin ng kanyang lola kagabi.

”Tara na at sumama ka sa akin sa hospital,” yaya nito sa kanya.

Labis-labis ang kanyang taimtim na pagdarasal habang nasa loob ng tricycle. Ipinagdarasal na sana’y wala namang nangyari masama sa kanyang Lola.

“Ineng nandito na tayo,” wika ni Mang Isko. Mabilis nilang tinungo ang hospital subalit huli na ang lahat dinala na pala sa morge ang bangkay ng lola niya.

Hindi niya alam ang mararamdam niya ng araw na iyon. Ipinaliwanag naman ni Mang Isko ang nangyari, ”Destiny,wala na ang lola mo marahil hindi na niya kinaya ang sakit. Hayaan mo ineng, kung nasaan man siya ngayon masaya na siya kapiling ng mga magulang mo. Tatagan mo lang ang loob mo.”

“Bakit ganon si Lola at mga magulang ko? Iniwan nila ako agad, hindi ba nila ako mahal?” humahagulgol na wika niya kay Mang Isko.”

“Hindi ineng, mahal ka nila subalit hanggang doon nalang ang buhay nila,” gusto na ring maiyak ng matandang lalaki sa sinapit ng batang ulila.

Habang nasa harap ng kabaong ng Lola ay umiiyak na kinausap niya ito, ”Lola ang daya niyo naman eh. Bakit iniwan mo ako?”

Kahit nagdadalamhati ay labis pa rin ang pasasalamat ni Destiny sa mababait niyang kapitbahay. Ang mga ito kasi ang nag-aasikaso ng lamay. Pati ang pag-aasikaso sa kanya ay ang mga ito na din ang gumagawa.

”Magpahinga ka muna ineng, hindi matutuwa ang lola mo kapag nakikita niyang pinapabayaan mo ang sarili mo, gusto mo bang umalis sila ng malungkot?” wika ni mang Isko.

Nakipaglibing ang halos buong barangay. Hanggang sa makaraos siya ay hindi pa rin siya pinabayaan ng mga ito. Araw araw din siyang binibigyan ng mga ito ng ulam. At binibigyan ng kahit pakonti-konting pangkabuhayan.

Hanggang makatapos siya ng elementarya sa tulong ng mga ito. Doon niya rin nalaman na bago pala mawala ang kanyang lola ay halos magmakaawa na ito sa mga kapitbahay nila na huwag siyang pababayaan at palagi siyang gagabayan.

Dahil doon ay sinunod niya ang bilin ng kanyang lola na maging malakas ang loob. Dahil walang imposible kung may panalangin, matapang at hindi nawawalan ng pag-asa. Sapagkat ang bawat hirap ay may katapusan.

Ngayon kasalukuyan siyang nag-aaral ng sekondarya sa pamamagitan ng pagiging working student niya. Marahil masaya na sa langit ang kanyang mga magulang at ang kanyang lola sa nakikita niyang paglaban sa buhay.

Advertisement