Inday TrendingInday Trending
Nagulat ang Dalaga nang Pagsampa Niya ng 18-anyos ay Pinasa na Sa Kanya ng mga Magulang ang Responsibilidad sa Pamilya

Nagulat ang Dalaga nang Pagsampa Niya ng 18-anyos ay Pinasa na Sa Kanya ng mga Magulang ang Responsibilidad sa Pamilya

“Happy birthday, Arlene!” masayang bati ng matalik na kaibigan ng dalaga. “Ngayong 18 years old ka na, legal ka na sigurong sumama sa amin para mag-party?”

Biglang nagbago ang ekspresyon ni Arlene. Naisip niya na naman kasi ang sinabi ng kanyang ama kagabi.

“Pagtapos ng debut mo, maghanap ka na ng trabaho ha? Para naman makapagpahinga na ako sa pagtatrabaho.”

Nagulat siya sa sinabi ng ama. Gusto niya sanang ipagpatuloy pa ang pag-aaral. Sanay naman siyang magtrabaho noon pa. Kaya nga natigil siya ng dalawang taon sa high school dahil sa pagtatrabaho. Gusto niya talaga kasing makapag aral kung kaya inipon niya ang karamihan sa mga sinahod niya para sa pag-aaral niya sa kolehiyo.

Ngunit dahil sa sinabi ng kanyang ama ay tila nawalan siya ng pag-asang matupad ang isa  sa kanyang mga pangarap, “Hindi na talaga siguro ako makakapag-aral pa.”

Dahil sa sinabi ng kanyang ama ay naghanap na siya ng panibagong trabaho. Hindi na part time tulad ng mga nakaraan niyang trabaho, kundi full time na may mas mataas nang sahod.

“Bakit naman nagresign ka na sa trabaho mo?! Baka akala mo, Joey pensyonado na tayo?”

“Bakit? Hindi ba ako pwedeng magpahinga sa trabaho? May trabaho na naman ang panganay natin ah?!” sigaw ng kanyang ama na rinig na rinig nya. “Hayaan mong si Arlene naman ang magtrabaho para sa atin. Suklian niya naman tayo sa pagpapalaki natin sa kanya!”

Nasaktan si Arlene sa mga narinig. Hindi niya malaman kung tuluyan pang papasok sa bahay nila o muling aalis na lang.

“Oh, mabuti naman at nandito ka na Arlene,” napansin na pala siya ng kanyang ama. “Sabihin mo nga dito sa ina mo na hindi kita pinupwersa d’yan sa pagtatrabaho mo.”

Napayuko siya. Gusto niya nang maiyak sa kanyang sitwasyon. Kung minsan ay naiinggit siya sa ibang bata na pinu-push ng mga magulang  na makapagtapos ng pag-aaral. Samantalang siya naman ay halos ipagtulakan ng ama palayo sa kanyang pangarap.

“Gusto ko po sanang mag-aral, Tay.”

Agad na umangat ang isang kilay ng ama, “Mag-aral?” rinig na rinig niya ang pang-uuyam sa tinig nito. “Mahina naman ang utak mo, bakit gusto mo pang mag-aral?”

“Sorry po, Tay.” muli na naman siyang walang nagawa.

Ganoon na nga ang ginawa ng kanyang ama. Tumigil ito sa pagtatrabaho at tuluyan nang pinasa sa kanya ang responsibilidad ng pamilya. Gabi gabi niyang iniisip kung paano at kailan siya tuluyang makakapag-kolehiyo.

Hanggang sa ang katanungang iyon ay nasagot nang minsang may isang matandang babae siyang nakilala na nakapagpabago ng kanyang buhay.

Dahil ang trabaho niya sa ospital ay isang attendant ay tumutulong rin siya madalas sa mga pasyente. At isa ang matandang si Lola Pia ang isa sa mga natulungan at naalagaan niya nang sobra.

“Dahil tila naging milagro ang pag-aalaga mo sa akin na tuluyan kong ikinagaling, bigyan mo ako ng isa sa mga kahilingan mo at tutuparin ko.”

Nag-alangan at nahiya pa siya noong una. Ngunit pinilit siya ng matandang magsalita, “Huwag kang mahiya, hija. Para mo na rin akong pangawalang ina.”

Kinakabahan siya kung kaya huminga muna siya nang malalim bago sumagot, “Gusto ko po talaga kasing makapag-aral.”

Kinapalan niya na ang mukhang sabihin ang katotohanan sa matanda. Pakiramdam niya kasi ay ito na lang ang huling baraha at pag-asa niya upang makapag-aral. Handa naman niyang pagtrabahuan ang magiging tulong nito sa kanya kung sakali.

Walang pagdadalawang isip na tinupad ng matanda ang kanyang kahilingan, “Secretary Peter, may idadagdag ako sa list of scholars ko.”

Tuwang tuwa siya sa kabutihan ng matanda sa kanya, “Huwag po kayong mag-alala Ma’am. Magtatrabaho po ako nang buong tapat at sipag sa inyo, kahit buong buhay ko po.”

Ngunit hinawakan nito ang kanyang kamay at umiling, “No need, hija. This is my genuine help for you. I hope matupad mo ang mga pangrao mo. Alam kong hindi mo ako bibiguin at magtatagumpay ka sa buhay.”

Nangako naman siya dito na kapalit ng kabutihan nito ay gagawin niya pa rin ang kanyang responsibilidad na alagaan ito. Hindi lamang dahil sa pera dahil taos puso niyang gustong alagaan ang napakabuting matanda.

Hindi lamang kasi ang pag-aaral niya ang sinuportahan nito kundi ang buwan buwan na sustento ng pamilya niya, na siyang kinatuwa rin ng kanyang mga magulang.

Tila ba isang milagro nga ang nangyari sa kanyang buhay. Naniniwala na siya sa madalas na sinasabi ng iba na, “Magpatuloy ka lamang na mangarap at maaabot mo rin ito, hindi man sa oras na ginusto mo…kundi sa oras na itinakda ng Panginoon para sayo.”

Advertisement