Wala na Siyang Mukhang Maihaharap pa sa Iba Kaya Naisip Niyang Dagdagan na Lamang ang Kasalanang Nagawa; Magtagumpay Kaya Siya?
Nagmamadaling pinapatakbo ni Alfred ang kaniyang sasakyan matapos makatanggap ng tawag mula sa pinakamatalik na kaibigan ni Gina na si Bea, na ayon dito ay nasa isang center daw sila at balak ng kaniyang nobya na ipal@glag ang batang nasa sinapupunan nito.
“Bea, pakiusap pigilan mo siya,” nagsusumamong pakiusap ni Alfred.
“Iyon na nga ang ginagawa ko, Alfred. Kaso buo na talaga ang desisyon ni Gina. Pakiusap bilisan mo ang pagpunta rito. Baka sakaling mapigilan mo pa siya,” mangiyak-ngiyak na wika ni Bea sa kabilang linya.
Matapos ibigay ni Bea ang insaktong address kung nasaan sila’y agad na pinuntahan iyon ni Alfred. Hindi maaaring gawin iyon ni Gina. Isang malaking kasalanan ang nais nitong gawin. Isa iyong kr*men na hindi niya mapapayagang gawin nito.
Makalipas ang halos isang oras ay narating niya ang center kung saan naroroon sina Bea at Gina. Agad niyang nakita si Bea na halatang kanina pa hinihintay ang pagdating niya.
“Diyos ko, salamat naman at narito ka na, Alfred. Naroon na siya sa loob, nakapila,” hinihingal na wika ni Bea.
Agad namang tinakbo ni Alfred ang pasilyo ng naturang center upang hanapin at kausapin si Gina. Nang makita ito’y agad niyang hinila palabas ang dalaga upang masinsinang kausapin.
“Sino ang nagsabi sa’yong nandito ako, Alfred?!” galit na wika ni Gina.
“Si Bea! Dahil hindi niya gusto ang naging pagpapasya mo, Gina!”
“Hindi ko hinihingi ang kahit anong opinyon niyo sa nais kong gawin, Alfred! Kaya ang mas mabuti pa’y umuwi ka na at pabayaan ako rito!” anito at akmang tatalikuran na si Alfred upang bumalik na sa loob.
Nang muli niya itong hilain at sampalin sa pisngi. Isang malakas na pag-aray ang agad na namutawi sa bibig ni Gina.
“Sapat na ba iyon upang mawala na ang galit mo sa’kin o nais mo pang sampalin pa ulit ako?” ani Gina habang sapo-sapo ang nasaktang pisngi.
“Kung kinakailangan kong sampalin ka ulit, Gina, ay gagawin ko. Baka sakaling sa gano’ng paraan ay magising ka na sa kahibangang ginagawa mo,” hinihingal sa inis na wika ni Alfred. “Kailan man ay walang naging kasalanan ang batang iyan sa kasalanang ginawa mo, Gina. Kaya sana’y huwag mo siyang idamay sa galit mo.”
“Pero siya ang naging bunga ng kasalanan ko sa’yo, Alfred!” mangiyak-ngiyak na wika ni Gina. “Akala mo ba madali lang ito sa’kin? Nahihirapan din ako pero wala akong pagpipilian, Alfred.
Isang gabing kasalanan na hindi ko matandaan, habang buhay ko na iyong pagsisisihan. Hindi madali sa’kin ang pagpapalagl@g sa kaniya, pero ito lang ang sa palagay ko’y mas nakakabuti!” Hindi na napigilan ni Gina ang paghagulhol.
“Gina,” nahihirapang sambit ni Alfred. Marahan niya itong kinabig at niyakap. “Tama na, Gina. Huwag mong dagdagan ng isa pang kasalanan ang kasalanan ginawa mo.”
Nangyari ang lahat noong isang beses na lumabas si Gina, kasama ang kaniyang mga kaibigang babae. Ang paalam ni Gina sa kaniya’y makiki-birthday lamang ito, dahil kaarawan ng tropa nito at pagkatapos ay uuwi rin agad.
Ngunit ayon sa ina nito’y inumaga na ng uwi ang kasintahan. Malaki ang tiwala ni Alfred sa kasintahan kaya hindi niya ito pinagdudahan.
Ngunit halos bumaliktad ang mundo niya nang umamin si Gina sa kaniya na nalasing ito ng sobra at hindi na namalayan ang nangyari pa sa sarili, at kinabukasan ay nagising na lamang itong may iba nang katabing lalaki.
Makalipas ang isang buwan ay halos mam@tay siya sa sakit ng sabihin ni Gina na buntis ito at malamang ay hindi siya ang ama. Nakipaghiwalay ito sa kaniya at ito na nga ang ginawa nito ngayon. Nais nitong ipalagl@g ang batang bunga ng isang gabing pagkakamali nito.
“Ayoko nang mabuhay, Alfred. Kinakahiya ko ang sarili ko at nahihiya ako sa’yo,” tumatangis na wika ni Gina.
“Tahan na, okay?” sapo ni Alfred ang magkabilang pisngi ng dalaga. “May rason ang Diyos kung bakit nangyayari ang lahat ng ito, Gina. Handa akong saluhin ka. Mahal na mahal kita at hindi nabura ang pagmamahal na iyon sa isang kasalanan na ginawa mo.
Handa akong akuin ang batang iyan. Walang magdududa na hindi sa’kin iyan dahil ako naman talaga ang nobyo mo. Tama na, Gina. Nakagawa ka na ng isang kasalanan, kaya huwag mo nang dagdagan iyon sa pamamagitan ng mas malaki pang kasalanan.
Buhay ang nais mong tanggalin. Ako ang tatayong ama ng batang iyan. Kaya please itigil mo na ang pagpaparusa mo sa sarili mo, Gina,” umiiyak na pakiusap ni Alfred sa nobya.
“I’m sorry, Alfred. I’m sorry for everything,” humahagulhol na wika ni Gina.
Sa pamamagitan ng mahigpit na yakap ni Alfred ay dahan-dahang tumahan si Gina at nalinawan ang magulong pag-iisip.
Handa naman talagang kalimutan ni Alfred ang kasalanang iyon at tanggapin ang batang naging bunga ng isang gabing kasalanan ni Gina. Pinanindigan niya si Gina at pinakasalanan. Inako ang obligasyon ng lalaking gumuwa ng kasalanan sa nobya at kinalimutan ang nakaraan.
Isa namang malaking trauma kay Gina ang nangyaring iyon. Kaya mula noon ay iniiwasan na nitong sumama sa mga kaibigan. Iinom man si Gina, iyon ay kung sa bahay nila gaganapin at kapag kasama lamang ang kaniyang pamilya at ang kaniyang asawang si Alfred.
Lahat tayo ang may multo sa ating nakaraan. At ang madilim na parteng iyon ang magsisilbing leksyon para sa’ting lahat.