Inday TrendingInday Trending
Ikinadismaya ng Dalaga ng Walang Laman na Wallet; May Iba Pa Palang Tinatago ang Matanda sa Loob Noon

Ikinadismaya ng Dalaga ng Walang Laman na Wallet; May Iba Pa Palang Tinatago ang Matanda sa Loob Noon

Sa darating na pasukan ay huling taon na sa kolehiyo si Serene, kaya naman magiging sobrang busy na siya sa mga requirements upang maka-graduate. Sa totoo lang ay ngayong linggo lamang siya nakahinga dahil sobrang dami ng kailangan niyang tapusin, research papers, presentations, kabi-kabilang homeworks at kung anu-ano pa. Sobrang na-stress at nape-pressure na ang dalaga kaya nahalata na ito ng kanyang ina at ng stepdad niya, na parehong pumapasok sa opisina.

“Anak, estudyante ka pa lang pero malaki pa sa amin ng mommy mo ang eyebags mo,” biro ng kanyang stepdad isang umagang kumakain sila ng almusal.

“May tinapos lang ako kagabi tito, deadline na kasi ng submission ng mga.. alam mo na, school works.” sabi niya naman, humigop sa kapeng kasasalin lamang ng kanyang ina.

“Baby, baka naman sobrang nape-pressure ka na. Take it easy, ang bata bata mo pa eh. Alam mo, sem break nyo naman di ba? Why don’t you visit your lolo sa province? Ihahatid ka namin ng daddy mo, bukas na bukas din if you want Sunday naman eh at wala kaming pasok sa office.” sabi ng kanyang ina, alam ng ginang kung gaano ka-gusto ng kanyang anak na maging proud sila rito pero mas mahalaga para sa kanya ang kalusugan ng dalaga.

Saglit namang nag isip si Serene, tapos ay ngumiti. Aba, ilang taon na rin noong huli siyang dumalaw sa probinsya, buhay pa ang lola niya noon. Bigla siyang nasabik sa sariwang hangin, simpleng pamumuhay kahit pa malaki ang bahay nila roon na tila ba dinisenyo pa noong panahon ng mga kastila.After all, baka ito lang ang kailangan niya, isang break. Saglit na pahinga sa magulong mundo sa Maynila.

“Sige po mommy,” excited na sabi niya.

Madaling araw pa lamang kinabukasan ay nakasakay na sa kotse ang pamilya papunta sa probinsya. Gustuhin man ng dalawa na manatili roon ng mas matagal ay may trabaho naman ang mga ito na di maaaring iwan, tanging paghatid lang talaga ang magagawa ng mga ito sa kanya at saglit na pagbisita sa kanyang lolo.

“Anak, bakit wala ka pang boyfriend na ipinapakilala sa amin ng tito mo?” sabi ng kanyang ina.

“Mom! I’m too young for that! Diba you should be like other parents na binabawalan ang anak?” natatawang tanong niya.

“Nasa tamang edad ka na naman, 18 kana. You already know what’s right or wrong,” segunda pa ng kanyang stepdad.

“Edi sana hija, maipapakilala mo siya sa lolo mo ngayon,” bulong ng mommy niya.

Napangiti na lamang si Serene sa dalawa, ang totoo kasi, hindi siya naniniwalang may tunay na pag ibig. Kung mayroon mang lalaking magmamahal sa kanya, sandali lang iyon. Lahat ng lalaki ay hindi nakukuntento. Isa nang magandang halimbawa ang nanay niya na halos maglupasay noong iwan sila ng kanyang ama, parang baliw ito na umiiyak gabi-gabi at parang kawawang nagmamakaawa sa kanyang ama na balikan na ito. Dumating pa nga sa puntong kahit sa kabit ng daddy niya ay nagmakaawa ang kanyang ina noon, na pakawalan na ang lalaki at ibalik na sa kanila. Ayaw niyang maging ganoon, mas gu-guwardiyahan niya ang puso niya dahil wala namang permanente sa mundo.

Ilang sandali pa ay narating na rin nila ang tahanan sa probinsya. Hay! Napakaaliwalas, parang ang dali dali lamang ng lahat. Sinalubong sila ng isang nakangiting babae, may edad na ito at magaan ang bukas ng mukha. Nagpakilala itong si Salome, ang caretaker sa bahay. Naroon naman ang kanyang lolo kaya lamang ay dala ng katandaan, nag uulyanin na ito. Hindi na maaaring iwang mag isa.

“Selena? Kumusta ka na?” sabi ng kanyang lolo at tinititigan siyang mabuti.

“Papa, ako si Selena. Si Serene po iyan, apo ninyo. Dalaga na,” nakangiting sabi ng mommy niya. Nag-bless naman si Serene sa matanda.

Maliit pa siya noong huling dalaw niya rito at matalas pa ang memorya ng lolo niya noon. Ngayon kasi, nag-dalaga na siya at lalo siyang nagiging kamukha ng kanyang ina lalo noong ka-edad siya nito kaya siguro napagkamalan siya ng kanyang lolo. Ilang oras pang nanatili roon ang stepdad at mommy niya tapos ay nagpaalam na ring umalis. Naiwan siya sa kanyang kwarto, dala ng pagod ay hinila na siya ng antok.

Kinabukasan, nagising si Serene sa sigaw ng kanyang lolo.

“Salome! Dali ka nga! Kanina pa tinatawag eh!” galit na sabi nito, kaya agad na napalabas si Serene upang tignan kung bakit ito sumisigaw.

Paglabas ng kwarto ay naabutan ni Serene ang caretaker na nagmamadaling lumapit sa kanyang lolo, di niya naman naiwasang mag usisa,”Lo bakit po?”

“Nawawala ang pitaka ko, malaking halaga ang naroon eh! Tulungan ninyo akong hanapin, nalimutan ko kung saan ko nailagay,” natatarantang sabi nito.

Nataranta rin naman sila ni Salome kaya dali dali siyang naghanap, siya sa mga kwarto at si Salome naman sa salas at kusina. Maging sa banyo ay naghanap sila, sa ilalim ng timba, sa gilid ng TV, sa lalagyan ng tsinelas, lahat. Hindi nila mahanap.

Nanghihinang napaupo ang kanyang lolo, ganoon rin si Serene. Sayang naman kung malaking pera ang mawawala sa matanda, bagamat may pension naman ito. Pera pa rin iyon, idagdag pang baka may mga cards at ID na mahalaga.

“Malaking halaga iyon eh, hindi kayang tumbasan eh..” malungkot na bulong ng matanda.

“Hayaan mo lolo, mamaya hahanapin natin ulit. Kumain muna tayo at magpahinga, kailangan natin ng lakas at energy po para halughugin ulit ang bahay. Sa halamanan ako maghahanap mamaya.” pangako niya rito. Tumango naman ang matanda.

“Ate Salome kayo na po ang magsandok ng sinigang at ako na ang maghahain,” sabi niya, inalalayan niya ang kanyang lolo na makaupo sa hapag kainan. Kukuha na lang siya ng pinggan upang maghain nang may mahagip ang paningin niya sa dulo ng lalagyan ng pinggan, kulay brown.

Daga ba? Hala, palibhasa luma na itong bahay. Dinadaga pati lalagyan ng pinggan. Tinitigan niya pa ng ilang minuto upang kumpirmahin pero nanlaki ang mata niya nang ma-realize kung ano iyon, ang wallet ng lolo niya!

Dali dali niya iyong kinuha at inabot sa matanda, tuwang tuwa naman ito na napapadyak pa sa upuan.

“Ang laking halaga nito, ang kayamanan ko.” Niyakap nito ang pitaka sa dibdib at halos maiyak sa tuwa. Na-curious naman si Serene, ganoon ba talaga kahalaga iyon? Hindi naman siguro naglalagay ng tig 30 hanggang 50000 ang lolo niya sa pitaka nito diba? Delikado, paano kung di na niya nakita edi sayang.

Di niya tuloy naiwasang magtanong. “Lo, nasa magkano po ba ang laman niyan?”

Ngumiti naman ang matanda at dahan dahang binuksan iyon. Nagulat pa si Serene nang masulyapang walang perang laman ang wallet at wala ring mga cards.

Nagpakahirap siyang maghanap para sa wala?!

Pero nagulat siya nang buklatin nito ang isang zipper, inilabas ang nakalagay roon at muling nagsalita. “Ang kayamanan ko..”

Picture ng lola niya.

Napahawak sa dibdib si Serene habang nakangiti, para kasing ito ang patunay sa kanya ng Diyos na mali siya. Mayroong lalaking handang magmahal hanggang kamatayan, mayroong tapat sa sinumpaan. Mayroong tunay na pag ibig.

sa ibaba. Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement