Inday TrendingInday Trending
Tinulungan ng Dalagita ang Isang Binatilyong Pipi na Mag-aral, Di Niya Naman Alam na Mauuwi Iyon sa Pag Ibig

Tinulungan ng Dalagita ang Isang Binatilyong Pipi na Mag-aral, Di Niya Naman Alam na Mauuwi Iyon sa Pag Ibig

Dalawang taon pa lamang naguturo sa eskwelahan ng may kapansanan si Mrs. Gonzales, ngayon ay naka-assign siyang magturo ng sign language sa mga kabataang pipi. Nasa edad 14-15 ang kanyang mag estudyante ngayong taon kaya naman talagang malapit ang loob niya sa mga ito, ganoong edad rin kasi ang kanyang anak, si Anika. Napapangiti ang guro pag naiisip ang kanyang anak, mabait na bata kasi ito at nakikita ang mga paghihirap niya sa buhay. Kahit pa mag isa na lang siyang bumubuhay rito simula nang iwan sila ng kanyang asawa ay hindi kailanman nagreklamo ang anak niya sa mga bagay na di niya maibigay, ito pa nga ang nagkukusang tumulong sa kanya sa sarili nitong paraan.

Nalaman niya na lang sa guro ng dalagita na nagtitinda pala ng yema ang anak niya upang makadagdag sa baon nito. Nagising sa pag iisip si Mrs. Gonzales nang biglang kumalampag ang isa sa mga desk ng estudyante niya. Kasunod noon ay ang maingay na ungol ng isang binatilyong kalbo, tumatawa ito at sumesenyas ng BOBO sabay turo sa isa pang binatilyong nakatungo lamang.

“Ano’ng problema?” tanong niya sa mga ito, sa pamamagitan ng pagsenyas.

“Si Ren po kasi, tatanga-tanga,” sagot ng estudyanteng kalbo sa pamamagitan rin ng pagsenyas. Bumuntong hininga si Mrs. Gonzales, hindi na bago ang ganitong eksena. Agad siyang lumapit at inutusan ang estudyanteng kalbo na lumayo kay Ren, ang binatilyong nakatungo lang. Kasunod naman noon ay nag-ring na rin ang bell, hudyat na tapos na ang klase kaya ang bibilis tumakbo ng mga estudyante palabas ng pintuan. Kataka-takang naiwan doon si Ren, minamasdan ng classroom at bumubuntong hininga.

“Is everything okay?” senyas niya rito. Malungkot na tumingin sa kanya ito at tila ba maiiyak na.

“Ma’am.. baka po kasi hindi na ako maka-enroll sa susunod na pasukan. Mahal po kasi ang bayad dito sabi nina Mommy, naaksidente po ang daddy ko sa barko kaya walang perang maipadala sa amin. Naibenta na rin po ng Mommy ko ang bahay namin at nasa apartment nalang kami nakatira,” senyas nito.

Nakaramdam naman ng awa si Mrs.Gonzales, tama ito. May kamahalan ang matrikula sa kanilang eskwelahan, idagdag pa roon ang mga miscellaneous fee. Hay, kung may maiaabot lang sana siyang pera sa batang ito ay hindi siya magdadalawang isip, kaya lang maging siya ay walang wala rin sa ngayon.

Natapos na ang school year na iyon at sumapit na ang pasukan, nalulungkot si Mrs.Gonzales tuwing napapasulyap siya sa ngayo’y bakante nang upuan ni Ren. Sayang ang bata, matalino pa naman at gustong gustong matuto. Dala-dala niya ang agam-agam hanggang makauwi sa bahay, na siyang napansin ng kanyang anak na si Anika habang kumakain sila ng hapunan.

“Mommy, parang may problema ka po?” nag aalalang tanong nito.

“Actually nanghihinayang lang ako doon sa isang estudyante ko, pipi siya pero gustong gusto niyang mag aral. Kaya lang ay wala nang chance dahil nagka-financial problem sila, hindi na siya naka-enroll,” paliwanag niya.

Saglit na nag isip si Anika, alam niyang ka-edad niya lang ang mga estudyante ng kanyang ina. Siguro naman ay hindi nagkakalayo ang kanilang mga pinag aaralan.

“Mommy, willing akong i-tutor siya.” sabi ng dalagita, nakangiti.

“Huh? Anak diba sabi ko sayo pipi siya?” nakakunot ang noong sabi ni Mrs. Gonzales.

“Diba po tinuruan mo rin ako ng sign language?” nakakibit balikat ang dalagita, oo nga pala, tinuruan niya nga pala ito. Kinabukasan rin ay pinuntahan nila ang bahay ng binatilyo at sinabihan itong willing ang anak niya na turuan ito pagkatapos ng klase ng dalagita. Medyo nahiya pa nga si Ren pero nais rin naman nitong matuto kaya hindi na tumanggi.

Minsan ay si Ren ang pumupunta sa kanila kapag gabi na ang uwian ng dalagita, kapag maaga namang nakakauwi si Anika ay siya na ang dumadayo kina Ren. Tumutulong rin ang binatilyo sa paggawa ng yema na ibebenta nilang dalawa para makadagdag sa baon ni Anika.

“Hay, pag ibig,” napabuntong hiningang sabi ni Mrs.Gonzales, paano naman kasi ay doon pala magsisimula ang isang batang pagmamahalan na ngayon ay nauwi na sa kasalan. Narito siya sa simbahan, nakaupo malapit sa unahan at minamasdan sina Ren at Anika, habang sumesenyas ang mga ito ng ‘I do’ sa isa’t isa.

sa ibaba. Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement