Inday TrendingInday Trending
Inahas ng Babaeng Ito ang Nobyo ng Matalik na Kaibigan, Paglipas ng Panahon ay Ito ang Iginanti Nito sa Kanya

Inahas ng Babaeng Ito ang Nobyo ng Matalik na Kaibigan, Paglipas ng Panahon ay Ito ang Iginanti Nito sa Kanya

Isinuot ni Melanie ang bestida niyang pula, hapit na hapit ang maganda niyang katawan, lalong naningkad ang maputi at makinis niyang kutis. Tiyak niyang lilingon nanaman sa kanya si Hector, ang nobyo ng bestfriend niyang si Maribel.

Anim na buwan na nilang niloloko ang kaibigan, hindi niya alam kung bakit pero nagkataon siguro na pareho ang taste nila sa lalaki. Alam naman niya na kung nauna lang siyang makilala ni Hector ay malamang na siya ang girlfriend nito ngayon, boring naman kasi si Maribel at sobrang bait, hindi tulad niya na mataray at palaban, syempre challenging iyon para sa mga lalaki.

“Ang ganda mo naman Melanie,” nakangiting sabi sa kanya ni Maribel nang makita siya nito.

Birthday party ng ina ng babae at dahil bestfriend sya ng anak ay imbitado siya.

“Thanks, Maribel. Ikaw din maganda ka.” plastik na sagot niya rito. Sa totoo lang lihim siyang naiinis dito dahil ito ang kinagigiliwan ng lahat, may anghel na mukha at ganoon din ang ugali. Nabubwisit na siya sa kabaitan nito, masyadong pa-bida.

Maya maya pa ay dumating na si Hector, ang gwapo nito sa suot na polo. Ang bangu-bango pa tignan, nakatitig siya dito at napasulyap din ito sa gawi niya. Pero bigla siyang napasimangot nang lapitan ito ni Maribel at umakbay naman ang lalaki.

“Babe, you look pretty.” sabi rito ni Hector sabay halik sa noo nito. Humagikgik naman si Maribel.

“Arte,” bulong ni Melanie. Mabilis na umandar ang gabi at hindi mapaghiwalay ang mag-nobyo. Hirap na hirap humanap ng tyempo si Melanie para ma-solo si Hector. Mabuti nalang at tinawag si Maribel ng ina nito. Agad niyang tinext ang lalaki na magkita sila sa CR at nauna na siya doon.

Ilang minuto lang ay sumunod ito at pagkakitang pagkakita sa kanya ay agad siyang hinalikan. Nasa kainitan sila ng paghahalikan nang bumukas ang pinto at iniluwa noon ang isang matandang babaeng gulat na gulat, at sa likod nito..

Si Maribel.

Hindi nagsalita si Maribel at umalis sa lugar na iyon.

Makalipas ang anim na taon.

“Thanks for coming see us again!” sabi ni Melanie. Nagtatrabaho siya sa isang fast food chain bilang service crew. Maliit lang ang kinikita niya rito at hirap na hirap siyang pagkasyahin iyon sa tatlo niyang anak kaya may iba pa siyang part time jobs.

Tuwing gabi ay hapung hapo ang babae dahil sa kawalan ng pahinga.

Si Hector? Ayun, inanakan lang siya, nang malosyang ay iniwanan na rin at sumama ito sa iba. Ito na siguro ang karma ni Melanie. Maya maya ay may kumapit sa paa niya na isang batang lalaki, siguro ay 2 years old. Tinignan niya ang bata at mukhang pamilyar ito.

“Jaden, come here!” maya-maya ay sigaw ng nanay nito, parang pamilyar.

“Baby, come here. Miss pasensya kan-” hindi natapos nang babae ang sasabihin nang mamukhaan siya. Tandang-tanda ni Melanie ito, sino ba ang makakalimot sa bestfriend na niloko niya anim na taon na ang nakalilipas?

Si Maribel.

“Mari..” halos nanghihina niyang sabi, alam niya kung gaano kalaki ang kasalanan niya rito. Obvious naman din siguro na nakarma na siya dahil sa itsura niya ngayon, nawala na ang Melanie na mataray at palaban, eto siya at mukhang kawawa sa harapan nito.

Natigilan ang babae at hindi niya inaasahan, ngumiti. Ngiting hindi nanghuhusga kung hindi tunay na ngiti.

“Melanie,” sabi nito sabay yakap sa kanya.

“Wag mo nang isipin yon. Sa totoo lang ay nagpapasalamat ako dahil kung hindi dahil doon, hindi ko makikilala si Clay.” sabi nito.

Maya maya ay sumulpot ang isang lalaki sa likod nito, gwapo ito at buong pagmamahal na tinitigan si Maribel.

“Kanina ko pa kayo hinahanap na mag ina,” sabi nito sa misis.

“Sorry hon, si Jaden kasi tumatakbo. Siya pala si Melanie, yung kinukwento ko noong magkaibigan pa lang tayo,” yumakap ang babae sa mister. Kinamayan siya ng lalaki.

“Hey Melanie, salamat sayo dahil nakilala ko si Maribel,” nakangiti ito. Maya maya pa ay umalis na ang pamilya. Malungkot na nakatanaw si Melanie. Sa kabila ng panloloko niya ay kabutihan pa rin ang isinukli sa kanya ng kaibigan.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Advertisement