Galit na Galit ang Batang Ito sa Tuwing Magpapaalam ang Kanyang Biyudang Ina na Mag-aasawa Muli, Mas Malalim Pala ang Kanyang Dahilan
“Nak, pwede ba akong mag-asawa muli? May nanliligaw kasi sa akin,” paalam ni Lorena sa kanyang anak na si Lance. Agad namang sumimangot ang bata at umiling, “Ayoko po!” Napailing si Lorena. Hindi lang kasi ito ang iisang beses na tumanggi ang kanyang anak sa pagpapaalam niyang mag-asawa muli. Limang-taon na siyang biyuda, at sa loob ng limang taon na ‘yun ay puro pagsisilbil naman sa mga anak nya ang ginawa niya. Kaya ngayon ay hindi niya talaga lubos-maisip kung bakit ayaw ng bunsong anak niya na mag-asawa siyang muli. “Ayaw mo bang sumaya ulit si Mama?” tanong niya pa rin dito. Ngunit tinitigan siya nito sa mga mata, “Hindi ka pa po ba masaya sa amin, Mama?” Napabuntong-hininga nalang si Lorena. Ayaw niya nang makipagtalo pa sa anak. Suko na siya. Kaya naman tinawagan niya ang manliligaw at binasted ito. Malungkot si Lorena sa ginawa. Ang tagal niya nang inaasam na muling tumibok ang kanyang puso pero syempre, kailangan ay aprubado muna ang kanyang tatlong anak doon. Okay naman iyon sa dalawang nakatatandang anak niya. Hindi niya lang talaga malaman-laman ang dahil ng bunso niyang si Lance kung bakit todo-tanggi ito kapag nagpapaalam siya. “Hay, sige na nga aalagaan ko nalang kayo buong-buhay ko.” Lumipas ang araw at nagdesisyon si Lorena na maglinis ng buong bahay. Tamad na tamad at wala siyang magawa nang araw na iyon kaya nagdesisyon siyang pagurin ang sarili sa paglilinis. Hanggang isang notebook ang nakita niya. Doon ay may nakasulat na pangalan ng bunso niyang si Lance, “Kung saan-saan talaga nakakalat ang mga gamit ng batang iyon.” Hindi sinasadyang nabuklat niya ang page nito at napagtantong diary pala iyon ng anak niya. Marami siyang nakakatuwang bagay na nabasa. Tulad na lamang kung gaano kapilyo ang anak na palaging pina-prank noon ang ama. “Matatakutin talaga si Papa! Hahaha!” Tila ang saya-saya ng bawat pahina ng page hanggang sa makarating sila ng pahina kung saan namatay ang asawa niya. “Miss na miss ko na si Papa. Ang lungkot ko ngayon, wala na akong kalaro.” Lalo pa siyang naiyak nang mabasa niya ang sulat nito tungkol sa pagpapaalam niyang mag-asawang muli. “Gusto na ni Mama mag-asawa, sabi ko ayoko. Kasi noong buhay si Papa, hindi siya sweet kay Papa. Ayaw ko siyang makitang sweet sa iba. Ayokong magalit kay Mama. Love ko si Mama.” Iyak nang iyak si Lorena. Napansin rin pala ng anak nila iyon. Kahit sa musmos na edad nito ay nakahalata na ito sa kanila. Noong panahong kakapanganak palang kasi niya kay Lance ay nasa punto na sila ng relasyong matamlay. Idagdag pang nagkakagusto na rin siya sa iba. Ginusto niya nang makipaghiwalay noon sa asawa pero ayaw ng asawa niya dahil naaawa ito sa sasapitin ng mga anak nila. Kaya naman kahit magkasama sila ay hindi niya na ito tinuring na asawa. Sising-sisi si Lorena. Kung sana’y bago mawala ang asawa’y pinakita niya sa anak kung gaano sila kasayang pamilya, wala sanang mabigat na dinadala ngayon ang bunso niya. Humingi siya ng tawad sa mga anak at pinangakong sa kanila nalang ilalaan ang oras at pagmamahal habambuhay. Anoangaralnanatutunanmosakathangito? I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino. Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan! Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang.
Advertisement