Inday TrendingInday Trending
Pinaghinalaan Niya ang Kanyang Mister na May Ide-date na Ibang Babae, Nakakalokang Hindi Naman Itinanggi Iyon ng Mister

Pinaghinalaan Niya ang Kanyang Mister na May Ide-date na Ibang Babae, Nakakalokang Hindi Naman Itinanggi Iyon ng Mister

Bihis na bihis si Benedict at hindi malaman ni Alicia kung saan patungo ang kanyang asawa. Kanina pa ito hindi mapakali at kanina pa rin siya balisa sa sa inuupuan. Kaya naman hindi na sya nagpaligoy-ligoy pa at tinanong na ito.

“Saan ka ba talaga pupunta, Benedict?”

Ngunit imbes na sagutin ay nginitian lang siya ng asawa. Ano nga kaya ang nasa isip nito at ganoon ang ginagawa sa kanya. Imposible namang yayayain siya nito makipag-date dahil hindi naman siya pinagbibihis nito.

Inis na tumayo siya sa sofa, “Siguro may ka-date ka no?”

Hindi naman nagulat ang asawa sa tanong niya. Mas siya pa ang nagulat nang bigla itong tumango at sinabing, “Oo, meron.”

Nagpupuyos ang kalooban niya. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon sa walang pakundangang pag-amin ng asawa na may ka-date itong iba. Nabubwisit na siya kaya naman nagdesisyon na lamang siyang umalis ng bahay. Pero palabas palang siya ay nakita niya na ang bihis na bihis ring prinsesa niya. Ang unica hija nila ni Benedict na si Belicia.

Nilapitan niya ang anak at malambing na tinanong, “Saan ang punta ng baby ko?”

Naka-dress pa kasi ito at suot-suot ang paborito nitong sapatos.“May date po ako, mommy,” walang kagatol-gatol na sagot nito.Doon ay nagbago ang timpla niya, “Lahat nalang ba ng nakatira sa bahay na ‘to, may ka-date? At sino naman ang ka-date mo, aber? Si Mico na kalaro mo sa kabilang bahay?”

Labas ang dimples na ngumiti ito, “No, mommy. Kayo po ni daddy ang ka-date ko.”

Nangunot-noo siya. Doon ay naramdaman niya naman ang pagyakap ng asawa niya sa likuran niya, “Masyado ka kasing mapaghinala eh. Kakahinala mo, nakalimutan mo na tuloy na birthday mo today.”

Nagulantang siya at tinignan ang kalendaryo, “Oo nga ‘no, akala ko bukas pa ang birthday ko!”

Tawanan ang mag-ama niya, “Kaya magbihis ka na, mommy. And get ready to our sweet date today.”

Natawa na rin siya at niyakap ang mag-ama bago tuluyang sundin ang sinabi ng mga ito.

Advertisement