Sinadya ng Dalagang Magpasagasa sa Magarang Sasakyan Upang Perahan ang Driver, Napahiya Siya nang Mabisto Siya Nito
Hindi malaman ni Andrea kung saan siya kukuha ng pera. Wala na kasi siyang pantustos sa pagkain ng kanyang mga nakababatang kapatid. Kaya naman desperada na siyang makakuha ng salapi sa kahit na anong paraan. Isang ideya ang nabuo sa kanyang isipan nang makita ang sasakyang nakaparada sa tapat ng isang restaurant. “Tyempo!” bulalas niya. “Dating gawi. Ano kayang mas maganda? Kunwaring bunggo o sadyang bunggo?” Napapangisi siya habang naiisip ang laki ng perang makukuha niya sa mayamang driver kung sakali. Ngising-ngisi siya nang makita ang driver na papalabas na ng restaurant. Agad siyang pumwesto at inabangan ang pagdadrive nito. Nang sa wakas ay umandar na ang sasakyan nito ay agad siyang tumakbo patungo dito. Sinadya niyang magpabangga na at kunwaring nilakasan nalang ang impact ng pagkakabunggo nito. Sumigaw rin siya upang maagaw ang atensyon ng maraming tao sa paligid. Agad na bumaba ang driver sa sasakyan nito at umakto siyang talagang nasasaktan. Hindi niya akalaing ganito pala siya kagaling na aktres. “Pwede na pala akong mag-artista,”sa isip-isip niya pa. “Miss are you okay?” tanong ng lalaki. Mas lalong natuwa ang kanyang kalooban nang marinig ang tinig nito na mukhang may accent pa. Halatang mayaman talaga ang lalaki. Hinihiling niya lang na sana’y malaki ang ibigay nitong kompensasyon sa kanya. “Come on, I’ll take you to the hospital,” kinabahan siya sa sinabi nito. Hindi siya maaaring dalhin sa ospital. Hindi nito maaaring bayaran lang ang hospital bills niya dahil wala siyang mapapalang kwarta doon! Kaya naman umling siya sa lalaki, “Huwag na, Sir. Baka maabala pa kayo.” Ngunit nagpumilit ang lalaki at binuhat na siya pasakay sa sasakyan nito, “No, Miss. I insist. I’ll take you to the nearest hospital.” “Patay!” Nataranta si Andrea sa inakto ng lalaki. Hindi talaga siyang maaaring dalhin ng lalaki sa ospital lalo na sa pinakamalapit dahil suki na siya doon. Halos kilala na siya ng mga doktor at nurse doon. Ang iba nga’y nagdududa na sa pagkatao niya. Kapag dinala siya ng lalaki sa ospital sa parehong dahilan ay malilintikan na siya! Kaya naman sa sobrang taranta niya ay napatayo siya ng diretso upang makalabas ng sasakyan ng lalaki. Hindi niya namalayang diretso pala ang pagkakalakad niya na siyang ikinagulat ng lalaking binibiktima niya. “Wait, you’re not injured?!” gulat na bulalas nito. Nakakunot ang noo at magkasalubong na ang kilay. Napakamot tuloy siya ng ulo. Hindi malaman ang sasabihin dito. “Are you trying scam me?!” galit na sigaw na ng lalaki. Halos mapatalon siya sa lakas ng sigaw nito. Tinginan tuloy ang mga tao sa kanilang dalawa. Hiyang-hiya na siya sa sitwasyong kinasadlakan. Sa loob ng maraming panloloko ay ngayon lang siya nakaramdam ng konsensya at hiya sa ginagawa niya. “Sorry po,” nakayuko niyang hingi ng tawad dito. “Desperada na kasi ako. Kahapon pa hindi kumakain ang mga kapatid ko. Okay lang naman po kung ipakulong niyo ako. Pinagsisisihan ko na po talaga ang nagawa ko.” “Wait…” ika nito sabay dampot ng cellphone sa bulsa. Lalo siyang kinabahan sa isiping tatawag nga ito ng pulis. Tila gusto niya namang bawiin ang suhestiyon dito na ipakulong siya. “I want you to bring some groceries here, now.” Napakunot-noo si Andrea sa sinabi ng lalaki sa kausap nito sa cellphone. Ilang saglit lang ay isang van ang huminto sa tapat nila. Isang lalaki ang bumaba at may dala-dalang isang kaban ng bigas at dalawang basket ng groceries. Literal na napanganga siya sa nakita. Lalo na sa sumunod na sinabi ng lalaki, “It’s all yours, Miss. But please don’t try to deceive people anymore.” Napaluha siya. Hindi niya inakalang napakabuting tao pala ng lalaking tinangka niyang biktimahin. Nagpasalamat siya dito at simula noon ay hindi na siya kailanman nagtangkang manloko ng tao para sa kahit na anong dahilan. Hindi niya akalaing sa kabila ng ginawa niyang kabulastugan ay may tutulong pa sa kanya upang makahanap ng pagkain para sa pamilya nila. Ipinangako niya sa sarili na kapag nakaluwag-luwag siya’y babalikan niya ang lalaki at babayaran niya ang lahat ng groceries na ibinigay nito sa kanya. Sa ngayon ay tatanawin niya muna itong utang na loob. Ang mahalaga ay may makakakain na ang kanyang mga kapatid. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.