Pagod na Raw ang Babae sa Pagpapagatas sa Kaniyang Anak, Maihinto Kaya Niya Ito Kung Diyos na Mismo ang Hihingi sa Kaniya ng Ginintuang Gatas?

Limang taon nang nagpapasu*so si Hilda sa kaniyang panganay na anak saka ito nabuntis ulit ngayon sa kaniyang bunso at patuloy pa rin ito sa pagpapagatas sa bata.

“Mare, hindi ko talaga alam bakit ko ito nararamdaman pero parang ngayon pa yata ako tatamaan ng pagkabaliw sa panganganak. Hindi naman sa ayaw ko nang ituloy ‘yung pagpapagatas ko pero naiiyak na talaga ako!” pag-amin ni Hilda sa matalik niyang kaibigan.

“Ano ka ba naman, ayos lang ‘yan! Tandaan mo, ang gatas pa rin natin ang pinakamasustansiyang gatas sa buong mundo,” sagot naman sa kaniya ni Ella, matalik na kumare ng babae.

“Hindi ko alam pero pakiramdam ko simula noong nagkaanak ako ay hindi na sa akin ang katawan na ito. Noong huminto ang panganay ko sa limang taong paggatas sa akin ay nagsimula akong magpasexy, na para bang sa wakas ay maitatago ko na rin ang katawan ko. Pero hindi, kasi nabuntis ako at ngayon ay napapasus*ong muli. Pagod na pagod na akong maging nanay!” iyak pang muli ni Hilda sa kaibigan.

“Uy, huwag kang ganiyang mare. Tandaan mo, kung una tayong susuko ay walang mangyayari sa mga anak natin. Sila ang pinakakawawa sa lahat. Alam mo, istres lang iyan, kung ako sa’yo ay magbakasyon kayo ni Romeo para naman makahinga ka saglit,” suhestiyon naman muli ng kaibigan.

“Ayun pa nga ang isa kong problema, pakiramdam ko ay napapangitan na sa akin si Romeo. Ang pangit ng tiyan ko, ang pangit ng d*de ko, maging ang pwet at balakang ko ay bumagsak na. Pakiramdam ko ay wala na siyang gana sa akin at mas mabuting magpaka-nanay na lang ako!” hinaing pang muli ni Hilda rito.

“Magpahinga ka nga muna, Hilda, alam mong hindi totoo iyan. Tsaka pangalawang anak mo na ito kaya dapat mas maging matatag ka ngayon. Kapag lumaki na ang bata ay pwede ka ng tumigil sa pagpapasuso, pwede ka na ulit magpasexy!” pagkakalma sa kaniya ni Ella.

“Ilang taon na ako, Ella? 37 anyos na ako ngayon pero nagpapasuso pa rin ako ng sanggol! Pagod na pagod na ang mga ut*ng ko! Ayaw ko na!” hinagpis pa rin ni Hilda sa kaniya. Niyakap na lamang niya ang kaibigan para mapakalma ito.

Advertisement

Alam ni Ella ang pinagdadaanan ng isang ina, lalo na nga ang mga eksklusibong nagpapasu*so ng mga anak. Bukod kasi sa wala kang ibang magagawa ay hindi na magiging sa’yo pa ang iyong pisikal na katawan. Nariyang mararanasan mong magpakita ng maselan mong bahagi sa publiko na noon ay iningatan mong huwag makita ng iba. Nariyan rin ang sakit, ngalay, puyat at gutom na kinakalaban mo mabigyan lamang ng tamang nutrisyon ang bata. Normal lang din para sa isang ina ang bumaba ang kumpiyansa sa sarili dahil sa pagbabago nitong pisikal na anyo kaya alam niyang suporta lamang ang maibibigay niya sa kaibigan sa mga oras na iyon.

Sa kabilang banda naman ay mabigat na mabigat ang loob ni Hilda sa sarili at nakapagdesisyon na siyang ilipat na lamang sa gatas na nasa kahon ang kaniyang bunsong anak at mas gusto na lang niyang magtrabaho ngayon. Kaya naman daw nilang bumili kaya ayaw na niyang pahirapan pa ang sarili.

“Aling Hilda, pasensiya na po kayo kung kumatok ako ng ganito kagabi. Pero pwede po ba akong makahingi ng tulong?” wika ni Anton, kapitbahay ng babae.

“Anton, gabing-gabi na. Ano bang atin?” tanong naman kaagad nito.

“Pasensya na po kayo, pero pwede po ba akong makahingi ng gatas niyo? Kakapanganak lamang ng asawa kong si Inah at nagkaroon ng problema sa kaniyang utak na naging dahilan upang ma-komatos ho siya. Kambal po ang anak namin at kailangang kailangan ng gatas sa ospital. May kaunting suplay pa raw ho sila ng gatas ng ina ngunit kailangan kong magdala ng kapalit dahil malakas ang konsumo ng mga bata. Bukod kasi sa patong-patong na bayarin ay hindi ko na alam saan pa ako kukuha ng pambili ng gatas kapag nagkataon. Kaya naman kayo po kaagad ang naisip ko, alam kong nagpapagatas kayo. Baka naman po pwede akong lumuhod para sa gatas niyo, parang awa niyo na po, Aling Hilda!” iyak ni Anton na siyang ikinagulat ng babae at lumuhod ito kaagad sa kaniyang harapan.

“Diyos ko! Tumayo ka riyan, Anton, at tutulungan kita. Tara at pupuntahan ko mismo ang mga anak mo,” mabilis na sagot ni Aling Hilda sa lalaki.

Simula noon ay si Hilda ang nagpasu*so sa mga anak ng lalaki at mas sinipagan pa niya ngayon ang pag-iimbak ng gatas para sa ibang mga bata.

“Ma’am, alam niyo po, hero kayo! Maraming salamat sa gatas niyo,” bati sa kaniya ng isang nurse na tumanggap ng bigay niyang gatas sa ospital. Ngiti at pasasalamat naman ang sinabi ni Hilda rito.

Advertisement

Ngayon niya napagtanto na malaking biyaya pala ang binigay sa kaniya ng Diyos at ginamit ang mga gatas niya para makapagligtas pa ng ibang anghel. Labis siyang nagpapasalamat ngayon sa lahat ng sumuporta sa kaniya at mas minahal niya ang sarili. Tama ang kaniyang kaibigan na ang katawan ay maibabalik din kaagad ngunit hindi ang ginintuang gatas na maari pa palang makapagligtas ng iba. Ipinagpatuloy pa ni Aling Hilda ang eksklusibong pagpapagatas sa kaniyang anak hanggang sa naglimang taon ito at naging masugid na tagapagbigay din ito ng gatas sa ospital na malapit sa kanila.