Itinulak ng Lalaki ang Matanda Palabas ng Umaandar na Bus, Nahimasmasan ang mga Galit na Pasahero nang Malaman ang Dahilan
Alas tres pa lamang ng hapon ngunit marami-rami na rin ang bumibiyahe sa kahabaan ng EDSA. Bawat bus na dumadaan ay marami ang sumasakay, kaya naman marami-rami rin ang mga pasaherong nakatayo makapunta lamang sa kani-kanilang destinasyon.
Tulad na lamang sa isang bus patungong Alabang. Sa isang abala at punong ordinary bus, laking gulat ng mga pasahero nang bigla na lamang isang matandang lalaki ang itinulak palabas ng tumatakbong bus.
“Ay, hala! Si lolo!” sigaw ng isang babae nang bigla na lamang kumalabog at bumagsak sa kalsada ang katawan ng nanghihinang matanda.
“Nakita ko, itinulak mo! Anong problema mo, kuya?!” gigil na gigil na sabi ng isang dalagang nakakita ng pagtulak ng lalaki sa matanda.
Nang maramdaman ng bus driver na may komosyong nagaganap sa loob ng kanyang bus ay agad niyang itinigil ang pagpapatakbo. Nagmadali ding tumakbo pababa ang ilang pasahero kasama na ang konduktor upang itayo ang kinakaawaan nilang matanda.
“Lolo, ayos lang ho ba kayo?! Lolo! Gising!” wika ng konduktor habang niyuyugyog ang matanda.
“G*go kasi yung lalaki! Ang sabi nung isang babae, kitang-kita niyang itinulak daw ng lalaki iyan palabas ng bus. Tumawag kayo ng pulis at baka makatakas iyon!” sabat ng isang pasahero.
“Baka hindi sinasadya? Mukhang wala namang planong tumakas e,” ‘ika ng isa pa.
“Oo nga, ayon oh at nakaupo lang sa loob ng bus. May kinakausap pang maliit na bata. Anak niya ata,” sagot ng isang pasahero.
Mabilis na dumating ang ambulansya. Agad nilang inalalayan at isinakay ang matanda at nadala rin kaagad sa pinaka-malapit na ospital. Awang-awa ang halos lahat ng pasahero kay lolo, kaya naman nang makasiguro silang maayos itong nakuha ng ambulansya ay kaagad nilang sinugod ang sinasabing lalaki na nantulak sa matanda.
“Hoy! Ano? Sumagot ka! Parating na ang mga pulis! Baliw ka ba?! Matanda na ‘yon ah?! Bakit ginanoon mo?” palabang sabi ng kundoktor.
Sa kabila ng kaliwa’t kanang bulyaw ng maraming pasahero ay tahimik pa ring kinakausap ng lalaki ang batang babae na nakaupo malapit sa may pintuan ng bus. Dahil hindi sila pinapansin, hindi na nakapagtimpi ang isang binata at hinila sa kwelyo ang lalaki.
“P*t*ngina ka, baliw ka ba? Tinatanong ka ah? Sagot!” matapang nitong sabi.
Tila natauhan ang lalaki sa mga nangyayari nang kwelyuhan siya ng binata.
“Ah… eh… Nasaan na ‘yong matanda?! Nakatakas na?!” sigaw nito.
“P*ta! Baliw nga ito!” gigil na sabi ng konduktor.
“Hindi… G*go ‘yong matandang ‘yon! Siraulo ‘yon! Manyakis!” giit ng lalaki.
Natigilan ang lahat nang bigla na lamang magsalita ang batang kanina pa kinakausap ng lalaking tumulak sa matanda.
“Si lolo po ‘yon…”
Tila nakaramdam ang isang ginang sa tunay na nangyayari nang makita niya ang bakas ng lungkot at pananamantala sa mukha ng batang babae. Walang sabi-sabi ay inilayo niya muna sandali ang bata upang hayaang makapagpaliwanag ang lalaki.
“Nasaan nga ang matanda? Kaya ko itinulak, kasi binababoy niya ang batang kasama niya! Ang apo niya! G*go ‘yon!” paliwanag ng lalaki.
Nang inilarawan ng lalaki, na Jake pala ang pangalan, kung ano ang mga nahuli niyang ginagawa ng matanda sa bata habang nasa loob ng bus, halos maiyak ang mga pasahero dala ng awa sa bata. Habang umaandar pala ang bus kanina, panay ang hawak ng matanda sa kung saan-saang maseselang parte ng katawan ng bata. Dahil wala pang limang taong gulang ang bata, wala itong kamuwang-muwang sa makamundong bagay na ginagawa sa kanya ng matanda.
Matapos nilang marinig ang paliwanag ni Jake, agad nagmadali ang iba upang tawagan ang ambulansya at ospital na pagdadalhan sa matanda. Mabuti na lamang at isang kanto lamang ang pagitan ng ospital na pinagdalhan, kaya agad nila itong naireport sa pulisya.
Napag-alamang tatlong buwan na palang nawawala ang batang pinagsasamantalahan ng matanda. Apo pala iyon ng matalik na kaibigan ng lolo. Itinakas ang bata ng matanda mula sa kanyang pamilya upang gawing libangan. Dahil doon, mabilis na naaresto ang matanda sa loob pa mismo ng ospital na pinagdalhan sa kanya.
Labis ang pasasalamat ng mga pasahero kay Jake, lalong-lalo na ng tunay na pamilya ng bata. Kung hindi dahil sa ipinakita niyang tapang at lakas ng loob na ipagtanggol ang bata, baka hanggang ngayon ay nasa masalimuot na pamumuhay pa rin ito kasama ng manyakis na matanda.