Nagpapayat ang Dalaga Para Maghanda sa Pagkikita Nila ng Kaniyang Textmate; Subalit Bakit Bigla Itong Nanlamig sa Kaniya?
Hindi mapuknat ang ngiti ni Mitzy nang makita ang mensahe ng textmate niya na si AJ.
“Mag-ingat ka, at ‘wag kang papagutom.”
Talagang mabait at sweet ang lalaki, dahilan na rin para mahulog ang loob niya rito.
Ilang buwan na rin simula noong maging magka-text sila ni AJ. Nakuha niya ang numero nito mula sa isang kaibigan.
Nang muling tumunog ang cellphone niya ay mabilis pa sa alas kwatro na binasa niya ang mensahe.Tumalon ang puso niya sa nakita.
“Gusto kitang makita. May ipagtatapat ako sa’yo. Ayaw mo ba na mag-meet tayo?”
Sa totoo lang ay gustong-gusto niya na itong makita. Ngunit nang makita niya ang repleksyon sa salamin ay agad na lumaylay ang balikat niya.
Nadagdagan kasi ang timbang niya. Sa pagiging mahilig niya sa pagkain ay nahirapan na siyang magbawas ng timbang.
AdvertisementMaraming tanong ang pumapasok sa isip niya.
Paano kung hindi siya magustuhan ni AJ? Paano kung maghanap ito ng iba?
Dahil sa naisip ang isang plano ang nabuo sa isip niya.
Buo ang loob na nagtipa siya ng mensahe.
“Sige. Sa loob ng anim na buwan, magkita tayo.”
Gagamitin niya ang susunod na anim na buwan upang magpapayat. Gusto niya kasi na hindi lang ang personalidad niya ang magustuhan ng kaniyang textmate, kundi maging ang itsura niya.
“Ano, magpapapayat ka? Ano na namang pumasok sa isip mo at bigla-bigla na naman ‘yan? Isa pa, maayos naman ang timbang mo. Anong kalokohan na naman ‘yan?” naiiling na komento ng matalik niyang kaibigan na si Justin nang ilahad niya rito ang plano.
Tila takang-taka ito sa desisyon niya.
Advertisement“Kasi si AJ… Sabi niya gusto niyang makita ako. Eh nakakahiya naman kung makikita niya na mataba ako. Paano kung gwapo at perpekto pala siya?” katwiran niya.
Matagal na natigilan ang kaibigan niya bago ito nagsalita.
“Bakit naman hindi ka niya magugustuhan? Wala namang mali sa’yo,” malaki ang pagkakakunot ng noo nito, tila may kaaway. Gayunpaman ay nakita niya ang sinseridad sa mata ng kaniyang kaibigan, bagay na nagpagaan ng kalooban niya.
Pabirong hinampas niya ang braso ng kaibigan.
“Ikaw talaga, kaya gustong-gusto kita na kaibigan, eh! Magaling ka mang-uto!” natatawang pakli niya sa sinabi nito.
Nagkibit balikat lang ito bago siya pasimpleng sinermunan.
“Itigil mo ang kalokohan mong ‘yan, ha. Hindi mo kailangang magpapayat. Kung talagang gusto ka ng AJ na ‘yan ay wala kang dapat patunayan,” pinal na sabi nito.
Ngunit gusto niya mang sundin ang payo ng kaibigan ay wala siyang magawa. Nananaig pa rin kasi ang kagustuhan niya na magpaganda para sa kaniyang textmate.
AdvertisementUnti-unti niyang binawasan ang pagkain. Nagsimula siya sa hindi pagkain ng hapunan, at nang lumaon ay hindi na rin siiya kumakain ng tanghalian.
Ilang linggo pa lang ang lumipas ay agad na niyang nakita ang resulta ng kaniyang pagda-diet.
Madalas lang siyang mahilo at makaramdam ng panghihina, ngunit hindi niya iyon alintana. Madalas ding manakit ang tiyan niya.
“Ano ba ang nangyayari sa’yo? Hindi ka na naman kumain?” galit na tanong ni Justin nang masaksihan nito ang pagkabuwal niya sa labas ng bahay.
Umiling siya.
“Ayos lang ako. ‘Wag mo akong alalahanin…” aniya sa kaibigan.
Hindi ito nagsalita, ngunit tila galit itong nagdabog palabas mg bahay nila. Nagtataka man sa asta ng kaibigan ay hindi na niya pinansin iyon, lalo pa’t nanghihina pa rin siya.
Makalipas ang mahigit dalawang oras ay nakatanggap siya ng mensahe mula kay AJ.
Advertisement“Ayoko na kitang ka-text. Hindi na rin ako makikipagkita sa’yo. Goodbye,” anang maikling mensahe.
Sinubukan niyang tawagan ang lalaki, ngunit naka-off ang cellphone nito. Sa huli ay wala siyang ibang magawa kundi ang lumapit sa matalik niyang kaibigan. Si Justin.
“Ano’ng iniiyak-iyak mo riyan?” malamig na tanong nito.
Sa pautal-utal na boses ay kinuwento niya sa kaibigan ang sinabi ng kaniyang textmate.
“Bakit ka naiyak? May ibang kaibigan ka pa naman. Nandito naman ako,” sunod-sunod na tanong nito.
Noon niya na inamin ang tunay na nararamdaman.
“Si AJ… mahal ko na siya. Hindi ko lang siya basta gusto, mahal ko na siya…” mahina ang tinig na pag-amin niya.
Bumakas ang gulat sa mukha ni Justin. Kapagkuwan ay bumuntong hininga ito. Matagal itong hindi nagsalita.
AdvertisementSi Mitzy naman ay bahagya nang kumalma. Muli niyang nagtipa ng mensahe para sa textmate.
Ngunit bago pa niya maipadala ang mensahe ay tumatawag na si AJ.
Iyon ang kauna-unahang beses na tumawag ito!
Agad niyang sinagot ang tawag nito.
Ngunit wala siyang narinig mula sa kabilang linya
Nilingon niya si Justin. Ngunit sa gulat niya ay nakita niya ang cellphone na nakadikit sa tenga nito.Nang makita niya na in-off nito ang tawag ay nawala rin si AJ sa kabilang linya.
Kumakabog ang dibdib na tinitigan niya sa mga mata ang kaibigan.
“Ikaw si AJ?” direktang tanong niya.
AdvertisementMarahan itong tumango.
“Sorry at hindi ko sinabi. Gusto ko lang kasi na makausap ka at masabi sa iyo ang nararamdaman ko nang hindi ako natatakot na masira ang pagkakaibigan natin…” paliwanag ng lalaki.
“Pero nung nakita ko na sinasaktan mo na ang sarili mo para lang magmukhang maganda, alam ko na kailangan ko nang tumigil. Kaya kita tinext na ayoko na…” pagpapatuloy nito.
“‘Yung sinabi ko na walang mali sa’yo, totoo ‘yun. Ikaw ang pinakamagandang babae para sa’kin. Gustong-gusto kita, Mitzy. Matagal na,” sa wakas ay pag-amin nito.
Muling tumulo ang luha niya. Kay tagal niyang inasam na makilala ang lalaking bumihag ng puso niya, gayong nasa tabi niya lang pala ito!
Nang araw na iyon ay naging magkasintahan sila. Nangako rin sila na hindi na maglilihim pa sa isa’t isa.
Kung minsan ay hindi pa rin makapaniwala si Mitzy na ang kaibigan niya na si Justin at si AJ ay iisa.
Napagtanto niya na madalas ay kay rami nating gustong gawin para sumaya. Ngunit ang totoo ay nasa harap na natin ang magpapasaya sa atin, kailangan lang natin iyong makita.