Nagbalik ang Anak Matapos Siyang Palayasin ng Ina Ilang Taon na ang Nakalipas, Di Niya Inaasahan ang Kanyang Daratnan
Bago mag alas sais ng hapon ay nagpaalam na si Gab sa mga kaibigan na mauuna na siyang umuwi dahil siguradong hahanapin na siya ng kaniyang nanay, hindi dahil nag-aalala ito kundi dahil siya ang naghahanda ng hapunan at naglilipgit ng mga pinagkainan. Maliban dito ay nagtatrabaho din siya sa isang kompyuter shop pag gabi, kapag wala kasi siyang naiiabot na pera sa kaniyang nanay ay binubulyawan siya nito.
“Anong oras na Gab! Diba sinabi ko sayo umuwi ka kaagad dahil aalis ako, walang kasama tong kapatid mo, magluto ka na at isama mo yan sa kompyuteran, wala ka talagang kwenta.” bungad nito pagdating niya sa bahay
Madalas umalis ang nanay niya at sa kaniya iniiwan ang batang kapatid, dahilan upang mapadalas din ang pagliban niya sa mga klase. Sa pagkakataong ito ay inumaga nanaman ng uwi ang kaniyang ina at maghapon matutulog, napilitan siyang lumiban sa klase para alagaan ito. Pagkagising ng nanay ni Gab ay kinausap siya nito,
“Tumigil ka na sa pag-aaral, wala ka namang mapapala diyan, maghanap ka na ng trabaho na mapapakain tayong tatlo.” Wika nito.
“Pero Ma! Hindi po pwede, marami akong pangarap, paano ko tutuparin iyon kung hindi ako mag-aaral? Napapadalas na nga ang pagliban ko sa klase eh.” sagot niya
“Matagal ng huminto ng pagpapadala ng pera ang tatay niyo, sa tingin mo ay mabubuhay tayo sa kakarampot na kita mo sa kompyuteran?
“Pwede naman po akong magtrabaho sa iba habang nag-aaral, hahanap ako ng mas malaking sweldo.”
Tigilan mo ako Gab, kung ipipilit mo yang gusto mo ay lumayas ka na lang! Wala ka na ngang kwentang palamunin ka pagaaralin pa ba kita! Hindi kita kailangan!”
Sa haba ng panahon ng pagbubulyaw sa kaniya ng kaniyang ina ay ngayon lamang lubusang nasaktan si Gab,
“Sige aalis ako, mag-aaral ako! at kapag nakatapos na ako ay babalik ako dito, ipapakita ko sayo ‘ma, mali ang sinasabi mo.”
Nagulat si Gab sa kaniyang inasal ngunit desidido siyang patunayan ang kaniyang sarili. Malungkot siyang nagpaalam sa kapatid at nagtungo sa bahay ng kaibigang si Vince.
“Oh bro! Bigla-bigla ka namang sumusulpot, pasok ka. Absent ka kanina ah, hinahanap ka ng barkada.” Ramdam na ni Vince na may pinagdadaanan ang kaibigan kaya’t hindi na siya nagusisa.
“Vince baka pwedeng dito muna ako, pinalayas ako ni mama eh, ayaw niya na daw ako pag-aralin.”
“Ano kaba walang problema, kaso hati lang tayo sa kwarto ko, kakausapin ko din si mama, alam mo namang paborito ka din non sa lahat ngmga kaibigan ko akong bahala.”
“Salamat ah, wala na kasi tlaga akong mapuntahan eh. Maghahanap din muna ako ng part-time na trabaho, ayoko kasing huminto sa pag-aaral, tyaka tutulong naman ako sa gawaing bahay, magaling ata ako diyan.”
Ipinagpatuloy ni Gab ang pag-aaral at nag-enroll din siya sa mga scholarship program upang mapababa ang kaniyang matrikula, kasabay noon ay nagtrabaho siya bilang clerk sa isang maliit na mall.
Sapat lamang ang kinikita niya sa araw-araw upang mairaos ang sarili, kung misan ay tinapay lang ang kaniyang kinakain sa eskwelahan sa buong maghapon, itinatabi niya kasi ang kaniyang pera para sa mga proyekto.
Gayunman ay nagtapos si Gab sa kolehiyo at agad na natanggap sa bangko. Nagsimula siya sa maliit na posisyon hanggang sa siya ay nagkaroon ng mataas na pwesto.
Bumalik siya sa dating tahanan ngunit wala na doon ang ina at kapatid, napagalaman niyang matagal na itong umalis upang manirahan sa probinsya, pinuntahan niya ang mga ito at siya ay nagulat sa kaniyang nadatnan.
Nakaratay na ang kaniyang ina at ang kapatid ay matagal na ring huminto sa pag-aaral.
“Anak, ginawa mo nga, isa ka na ngayong propesyonal. Masaya ako para sa’yo.”
“Ma, kelan ka pa nagkaganito? Bakit hindi mo sinabi sa akin?”
“Isang taon matapos kitang paalisin anak, hindi ko na sinabi sayo, nalaman kong nagsusumikap ka na makapag-aral kasabay ng pagkayod at ayoko ng dagdagagn pa ang mga responsibilidad mo. Nagkamali ako sa pangmamaliit ko sa iyo, sana ay sinuportahan kita noon.”
Laking pagsisisi nito sa pagiging isang pabayang ina, kung sana ay tinulungan niya ang anak na maghanap buhay ay naging maayos ang kanilang pagsasama bilang pamilya.
“Wag mo nang isipin yan Ma, andito na ako ngayon at babawi ako sa inyo ng kapatid ko, isasama ko ulit kayo sa satin, mas maraming magagaling na doktor doon na pwedeng tumingin sa iyo.”
Naisip ni Gab ang kanyang pagkukulang, dahil sa kaniyang galit noon ay hindi man lang niyang nagawang bisitahin ang ina at kapatid.
Isinama niya ang mga ito sa kaniyang tahanan at ipinatingin ang ina sa mga espesyalista, naresetahan ito ng mga tamang gamot at unit-unting bumuti ang karamdaman.
Mula noon ay naging responsable na itong ina at sama-sama nilang hinarap ang mga hamon ng buhay bilang isang masayang pamilya.
Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?
I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.