Inday TrendingInday Trending
Masyadong Pasaway ang Binatilyo at Tiniis ang Ina sa Sariling Birthday Nito, Magsisi Man Siya ay Huli Na

Masyadong Pasaway ang Binatilyo at Tiniis ang Ina sa Sariling Birthday Nito, Magsisi Man Siya ay Huli Na

“Kailan ka magtitino, ha?” inis na sabi ni Mang Berting sa anak.

“Tama na iyan, patulugin mo na ang bata at may pasok pa siya bukas!” sabat naman ni Aling Belen.

Pasaway na anak si Jimbo. Lagi siyang wala sa bahay at umaalis na hindi nagpapaalam sa mga magulang. Madalas rin siyang nasasangkot sa away at gulo sa kanilang lugar at sa eskwela. Ang nanay naman niyang si Aling Belen ang laging humaharap sa mga kalokohan niyang ginagawa.

“Ma’am, suko na kami sa anak niyo! Konting-konti na lang at mapapaalis na siya dito sa eskwelahan!” sabi ng principal.

“Ako na po ang humihingi ng pasensya sa nagawa ng anak ko. Pagsasabihan ko siya na huwag nang ulitin,” pagpapakumbaba ng babae.

Pero ang mga pangaral ng ina ay binalewala lang ni Jimbo. Imbes na pumasok sa eskwela ay sa bahay ng kanyang mga barkada ang tuloy niya. Kapag umuuwi siya ay lagi siyang sinasabihan ng ina na makinig sa mga payo nito para sa ikabubuti ng buhay niya ngunit ayaw niyang pakinggan ang mga iyon. Magtutulug-tulugan lang siya tuwing nag-uumpisa nang magsalita si Aling Belen. Minsan ay naiinis na siya rito at nagagawang sagutin ang ina tuwing pinagsasabihan siya.

“Sumasakit na ang tainga ko sa pagbubunganga niyo, puwede po bang patulugin niyo ako!” bulyaw niya sa ginang.

“Bastos kang bata ka, bakit mo sinasagot ang nanay mo ng ganyan?” galit na tanong ni Mang Berting.

“Hayaan mo na siya, Berting! Darating ang araw at magtatanda rin iyang anak mo!”

“Kailan pa kaya darating iyon, Belen, kailan pa?”

Isang umaga, nakita niya ang ina na abala sa pagluluto at paghahanda. Ika-limampung kaarawan kasi ni Aling Belen ng araw na iyon. Darating ang mga kamag-anak at mga kaibigan ng kanilang pamilya. Hindi niya man lang ito nagawang batiin.

“O, kuya saan ka pupunta? Di mo man lang ba babatiin si nanay?” tanong ng bunsong kapatid niyang si Ella.

“Mamaya na! May pupuntahan pa ako!” palusot niya rito, ewan niya ba, wala lang talaga siya sa mood na kausapin ito. Nakakabadtrip kasi pag bunganga nang bunganga.

Dahil ayaw niyang makita siya ng ginang ay umalis siya ng bahay at nakipagkita sa mga barkada niya. Kapag kasama niya ang mga ito ay malaya niyang nagagawa ang gusto niya. Inuman, yosi, lakwatsa at pambababae.

Mayamaya ay bigla silang napatayo sa umpukan nila nang marinig ang sigaw ng kanilang kapitbahay.

“Si Jimbo nariyan ba? Umuwi ka na dali! Ang nanay mo..”

Nang marinig niya ang sinabi ng kapitbahay ay mabilis niyang tinakbo ang papunta sa kanilang tahanan. Halos liparin na niya ang kalsada makarating lang sa kanila.

“Diyos ko, ano kaya ang nangyari?” tanong niya sa sarili.

Bago pa man siya nakarating sa bahay, isang ambulansiya na mabilis ang takbo ang nakasalubong niya sa daan. Pagdating niya sa bahay ay naabutan niya ang mga kamag-anak at kaibigan nila na tulala pa rin sa nangyari.

“Kuya, si nanay inatake sa puso,” umiiyak na sabi ng kanyang pinsan.

Dahil sa nalaman ay mabilis niyang tinakbo ang papunta sa sakayan ng jeep at sumunod sa ospital.

“Kasalanan ko ‘to! Kung hindi ako umalis, di sana nangyari iyon kay nanay!” paninisi niya sa sarili.

Naabuntan niya ang ina sa ospital pero hindi na niya ito naabutang buhay.

“Nay, patawarin niyo po ako! Pinagsisisihan ko na ang mga kasalanan at kalokohang ginawa ko!” sabi niya sa ina na nakaluhod at yakap ang wala ng buhay nitong katawan. Walang tigil ang pagtulo ng kanyang luha sa nararamdamang sakit.

“Alam mo bang hinahanap ka niya kanina? Gusto niyang ipatikim sa iyo ang niluto niyang menudo. Iyon ang paborito mong ulam di ba?” wika ni Mang Berting.

“Oo, kuya. Pag-alis mo kanina, agad ka niyang tinanong sa akin kung kumain ka na raw ba?” hagulgol pa ni Ella.

Napatunayan niya kung gaano siya kawalang kwentang anak. Doon niya naisip ang halaga nito bilang ina niya. Napatunayan niya kung gaano siya kamahal ni Aling Belen.

Magsisi man siya ay huli na ang lahat. Naisip ni Jimbo na sana ay naiparamdam niya sa ina na nakikita niya ang kabutihan nito noong nabubuhay pa ito. Lumuhod man siya at humingi ng kapatawaran ay hindi na siya nito makikita at maririnig pa. Paulit-ulit man niyang pagsisihan ang mga nagawa niyang hindi maganda, hindi na niya iyon maipaparamdam pa sa ina.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Advertisement