Inday TrendingInday Trending
Nainlove ang Babaeng Barista sa Gwapong Customer, May Pag-asa Kaya ang Puso Niyang Nangangarap?

Nainlove ang Babaeng Barista sa Gwapong Customer, May Pag-asa Kaya ang Puso Niyang Nangangarap?

Araw-araw na inaabangan ni Kelly ang isang suki ng Coffee Shop kung saan siya nagtatrabaho bilang barista. Sa ilang buwan na pagbili nitong kape ay tanging ang pangalan lamang ng lalaking hinahangaan ang kaniyang alam.

“Huy! Anong sinisilip silip mo dyan? Hinihintay mo nanaman si Sir Jasper no?” Wika ng kaniyang ka-trabaho.

“Hindi ah, eto intrigera ka talaga.” Palusot niya.

Sa tuwing nakikita niya ang lalaki ay nabubuo na ang kaniyang araw. Halos kabisado niya na rin ang mga inoorder nitong kape dahil palaging sa kanya natatapat si Jasper. Hindi nga nabigo si Kelly at dumating ito ngunit ikinalungkot niyang may kasama itong babae. Ito ang unang beses na nakita niyang may kasama ang binata.

“Hi Kelly good morning.” Wika nito, laking gulat naman niyang marinig na tinawag siya nito sa kaniyang pangalan.

“Good morning Sir Jasper, ano pong coffee niyo for today?” Sagot niya, pinilit niyang ngumiti pero ang totoo ay masama ang timpla nya.

Umorder ito ng kape at binilhan rin ang babaeng kasama. Abot langit naman ang kilig ni Kelly dahil alam pala nito ang kaniyang pangalan, yun nga lang ay may asungot itong kasama.

“Bakit hindi nanaman maipinta ang muka mo Kelly?” Tanong ng kaniyang manager.

“Kasi Sir, yung crush niya may kasamang babae, ayun o si Sir Jasper.” Sabat ng kaniyang ka-trabaho.

Pasulyap-sulyap na tinitingnan ni Kelly si Jasper at ang kasama nito, sa tingin niya ay matagal nang magkakilala ang dalawa, lalo pa siyang nagselos nang makitang pinagbubuksan pa ito ni Jasper ng pinto at pinagdadala ng bag.

“Di na kita crush.” Bulong niya sa sarili. Nakakaloka, ano ba talaga ang inaasahan niya? Ilusyonada talaga sya, paano naman magugustuhan ng isang gwapong binata ang tulad niyang hamak na barista lamang?

Kinagabihan ay nakita niya si Jasper na naglalakad mag-isa. Pauwi na rin siya at mukhang iisag direksyon lang dadaanan nila.

“Kelly! Closing ka?” Biglang tanong nito.

“Sir kayo pala yan di ko kayo napansin.” pagsisinungaling niya kahit ang totoo ay kanina niya pa ito nakita.

“Saan ka? Sabay na tayo maglakad.” Paanyaya ni Jasper.

Napalunok na lang si Kelly sa pagkabigla at sinabayan ang lalaki sa paglalakad, ilang minuto din silang nagkwentuhan at napag alaman nilang halos magkalapit lang ang kanilang mga tirahan.

“Bukas sabay ulit tayo Kelly ha, mag-isa lang kasi ako palaging naglalakad.” Wika nito.

“Sige sir wala pong problema.” Nanginginig na sagot niya. Diyos ko, ano ba itong laro ng tadhanang ito?

Mula nga noon ay araw-araw na silang sabay umuuwi, napakarami na rin nilang napagkwentuhan at di nagtagal ay naging magkaibigan. Isang araw ay dumating si Jasper sa shop at kasama muli nito ang babae.

“O mukang hanggang magkaibigan lang talaga kayo ni Sir Jasper.” Pang-aasar ng kaniyang manager.

“Wala naman akong inaasahan sa kaniya eh.” Malungkot na sambit niya. Iyon lang ang sabi niya pero ang totoo, deep inside, umaasa ang puso niyang tanga.

Sa sobrang pagseselos ay iniwasan na niya si Jasper, hindi niya na ito sinasabayan sa pag-uwi at hindi na rin niya ito inaasikaso sa shop. Ayaw na niyang palalimin pa ang pagtingin dito dahil maari lang siyang masaktan. Laking gulat niya nang isang gabi, closing ulit ang kanyang schedule at naroon ito. Nakasandal sa pader at nakataas pa ang isang paa, napakagwapo nito at nais niyang kiligin pero naalala niyang di nga pala pwede.

“Kelly! Iniiwasan mo ba ako?”

Binilisan niya ang paglalakad ngunit hinabol siya nito at hinawakan sa braso.

“Teka kausapin mo naman ako, may kasalanan ba ako?” Tanong nito.

“H-hindi ho Sir, ano ka ba. Busy lang these days-“

“Iniiwasan mo ako.” sabi nito, hindi patanong. Walang nagawa si Kelly kundi bumuntong hininga.

“Yes po. Ayoko lang po ng issue, ayoko na pong ma-involve sa inyo kasi kadalasan tanga tanga ho ako eh, madali akong ano..umasa,” pahinang sabi nya, dinugtungan niya ang pagsasalita, naroon na rin lang eh.”Tsaka, baka magalit si m-ma’am,”

“Ma’am?Sinong Ma’am?” takang tanong ng lalaki, bakit ba parang pinigipil nito ang mangiti?

“Sino? Teka nga nagseselos ka ba?” natatawang tanong nito.

Hindi naman naiwasan ng babae na mamula, hindi niya inaasahan ang tanong na iyon. Para di magsabi ng totoo ay nagtangka siyang muling tumalikod at tatakbuhan na ito pero mabilis ang lalaki, sa isang iglap ay nasa bisig na siya nito.

“Bwisit ka!” sigaw niya, para makawala ay kinagat niya ang balikat nito at nagtatakbo palayo. Narinig niya pa itong humalaklah pero di na siya lumingon.

Kinabukasan ay dumating si Jasper na kasamang muli ang babae, isinama pa nito ang dalaga sa pag-order ng kaniyang kape at ipinakilala kay Kelly. Ngiting-ngiti pa ito nang makitang nakabusangot ang barista,

“Hi Kelly,isang kape para sa akin at isang mainit na tsaa para sa ‘ATE’ ko.” mariin sinabi ang salitang ate upang ipaalam kay Kelly na kapatid nito ang babae.

Kitang-kita sa muka ni Kelly ang pagkagulat, namula ang buong muka nito at hindi makasagot ng maayos kay Jasper.

Pinauna na ng binata ang ate niyang umupo, habang siya naman ay tumayo lang doon at nakatitig sa dalaga na ngayo’y hindi makatingin ng diretso sa kanya.

“Ano Kelly busangot, okay na ba? Bati na tayo?” Tanong niya.

“Ewan ko sayo.” Hindi na nga napigilan ni Kelly ang sarili at bigla siyang napangiti.

“Kelly, ang totoo niyan ay matagal na kitang gusto, nahihiya lang ako lumapit sayo dati.”

Labis na kinilig si Kelly sa pag-amin ng lalaki, niligawan na nga siya ni Jasper at di nagtagal ay naing nobyo niya rin ito. Araw-araw siya nitong dinadalaw sa shop at sa pagtagal ng panahon ay niyaya na rin siyang magpakasal. Namuhay silang dalawa kasama ang kanilang mga naging supling bilang isang masayang pamilya.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Advertisement