Inday TrendingInday Trending
Nagtaka ang Isang Single Mother kung Bakit Tinanong ng Anak ang Sahod Niya sa Isang Araw, Naluha Siya sa Dahilan Nito

Nagtaka ang Isang Single Mother kung Bakit Tinanong ng Anak ang Sahod Niya sa Isang Araw, Naluha Siya sa Dahilan Nito

Si Cathy ay isang inang inaalagaan ang kanyang unico hijong 9 na taong gulang. Simula nang iwan siya ng lalaking nakabuntis sa kanya ay mag-isa niyang binuhay ang anak. Sa kabila ng paulit-ulit na pag-uudyok ng lalaki na huwag nang ituloy ang pagbubuntis. Hindi siya nakinig dito, sa halip ay matapang na hinarap ang buhay ng isang single mother. Kahit sobrang hirap ay pilit niyang kinakaya para sa anak niya. Ang mga magulang niya’y nasa probinsya kaya naman bata palang si Xander ay tinuturuan niya na ng mga dapat gawin sa bahay. Binibilin niya lamang ito sa matalik niyang kaibigan na kapitbahay niya rin. Isang gabi pagkagaling niya sa trabaho ay sinalubong siya ng kanyang anak, “Ma, magkano po ang sahod niyo sa isang araw?” Napakunot siya, “Bakit?” “Wala lang po. Pwede po bang malaman kung magkano?” “Hindi naman kalakihan anak dahil minimum wage lang ako, kaya 456 lang.” Ilang araw ang lumipas ay napansin niyang tila kaylalim ng iniisip ng anak niya. Pinawalang-bahala niya lang iyon dahil palagi rin siyang pagod sa trabaho. “Ma!” tawag nito sa kanya pagkagaling sa trabaho. “Oh, bakit?” May iniabot ito sa kanya. Nang tignan niya ang palad ay nakita niya ang halos puro baryang pera na nakalagay pa sa plastic ng yelo, “Ano ‘to nak?” “Inipon ko po, Ma. Bale 456 po. Family day po kasi namin sa school bukas. Sana po mailaan niyo po ang isang araw niyo para sa akin.” “Anak..” “Lagi po kasi ako niloloko ng classmates ko na wala daw po akong parents ‘pag family day. Kaya sana po makaattend kayo, Ma.” Maluha-luhang niyakap ni Cathy si Xander, “Sorry, anak kung nawawalan ng time si Mama sayo. Para sayo din naman ‘to. Pero pangako, babawi ako sayo.” “Okay lang po ‘Ma, naiintindihan ko po. Pero sana Ma, minsan magrelax din po kayo. Gusto ko na nga po lumaki agad para ako na po ang magwowork. At pahinga ka nalang po dito sa bahay.” Lalo umagos ang luha ni Cathy sa halo-halong emosyon na nadarama, “Hindi ako nagkamali sa pagpapalaki sayo, anak.” Hindi niya akalain na sa murang edad ng anak ay maiisip nitong bayaran ang isang araw niya para lamang makasama siya nito. Napagtanto niyang dahil sa kagustuhan na maibigay ang pangangailangan ng anak ay napapabayaan narin niya ang pinakamalaking pangangailangan nito sa isang ina, ang panahon at presensya. Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement