Inday TrendingInday Trending
Nangutang ang Biyenan sa Anak at Asawa Nito; Ito ang Ginawa ng Ginang sa Kanila

Nangutang ang Biyenan sa Anak at Asawa Nito; Ito ang Ginawa ng Ginang sa Kanila

“Mahal, bakit tila seryoso ka riyan, ano ang iniisip mo?” wika ni Adrian sa kaniyang buntis na asawang si Leslie.

“Naisip ko lang kasi mahal, ayoko nang mangyari ulit ang nangyari sa atin noong manganganak ako sa panganay natin. Kailangan ay mag-ipon tayo ng malaking halaga para nang sa gayon ay nakahanda tayo sa kahit anong mangyayari. Lalo pa sa panahon ngayon, mahal ang manganak,” saad ni Leslie sa kaniyang mister.

Sumang-ayon naman si Adrian sa mungkahi ng kaniyang asawa. Naaalala kasi niya kung paano niya inikot ang buong kamag-anak niya at kaibigan para lamang makahiram ng pera dahil kinailangang manatili pa ng kanilang panganay na anak sa ospital at obserbahan dahil sa nagkaimpeksyon ito sa dugo.

Awang-awa sila sa bata at sa kanilang sarili n ahalos ipanglimos nila ang perang kinakailangan nila. Awa ng Diyos ay nabayaran naman nila ang lahat ng pagkakautang ngunit mahirap ang kanilang pinagdaanan.

Mabuti na lamang ay na-promote din si Adrian sa kaniyang trabaho kaya mas malaki ang kanilang naiipon.

Malusog naman ang sanggol sa sinapupunan ng kaniyang asawa at maganda naman ang pagbubuntis nito. Ang sa kanila lamang ay iba ang handa.

“Malapit na palang manganak itong si Leslie, ayos na ba ang lahat?” tanong ng in ani Adrian na si Aling Remedios.

“Okay naman na po, ma. May naipon na po kaming isang daang libong piso,” saad nito.

“Ang laki naman yata ng inipon ninyo para lang sa panganganak niya,” sambit ng ina.

“Noong nakaraan po kasi ay umabot ng dalawang daan at limangpu’t tatlong libo ang binayaran naming sa ospital para gumaling lang si Junior. Nahirap na may ganoon kang sulirain at iniisip mo pa ang bigat kung saan ka kukuha ng pera,” paliwanag ng anak.

“Sabihin mo kasi sa asawa mo na alagaan ang kaniyang pagbubuntis para hindi siya napapano,” wika ng ina.

“Hindi naman po kasalanan at hindi rin ginusto ni Leslie na mangyari ‘yon,” sambit ni Adrian sa kaniyang nanay.

Ilang linggo bago manganak si Leslie ay may magandang balitang hatid ang kapatid nito.

“Ate, nailakad ni nanay na doon ka sa ospital malapit sa amin na manganak. Sasagutin daw ng ospital ang lahat ng gastusin dahil may programa sila para sa mga manganganak ngayong taon,” wika ng kapatid ni Leslie.

Magandang balita ito para sa mag-asawa.

Nang manganak si Leslie ay wala ngang silang gaanong binayaran. Naidagdag pa nila sa kanilang ipon ang isang daang libong kanilang inilaan para sa panganganak ng misis.

Dahil alam ng biyenan nila ang nangyari na hindi man lamang nagalaw ang pera ay nakiusap ito sa mag-asawa na kung maaaring mahiram muna ito.

“Tutal ay sobrang pera na lamang ito sa inyo, pwede ko ba munang utangin ang perang iyon? Idadagdag ko lang para sa puhunan sa tindahan ko sa palengke. Ibabalik ko rin makalipas ang anim na buwan,” tanong ni Aling Remedios sa anak.

Dahil tiwala at siyempre’y nanay siya ni Adrian ay malugod na nagpautang ang mag-asawa. Alam naman nilang maibabalik din ito sa nakatakdang araw.

Lumipas na ang taon at tila nakalimutan n ani Aling Remedios ang utang niya sa anak at asawa nito dahil hindi man lamang naibalik o napag-usapan pa ang nasabing pera.

Isang araw ay nais ni Leslie na ipagawa ang kanilang bahay. Napapanahon na rin naman dahil nakabawi na siya mula sa kaniyang panganganak at patuloy ang paglaki ng mga bata. Nais nilang makakilos ang mga ito ng ayos sa kanilang bahay.

“Baka pwede mo nang singilin si Mama Remedios sa isang daang libong utang niya sa atin, mahal. Nang sa gayon ay maidagdag natin sa pagpapaayos nitong bahay,” wika ni Leslie.

“Oo nga pala, ano? Parang nakalimutan na natin ang utang na iyan. Sigurado naman ako na maibabalik na ito ni mama dahil isang taon na rin ang nakakalipas,” sambit naman ni Adrian.

“Hindi ko na kasi ipinaalala sa’yo, mahal, dahil alam kong may kusa naming magbayad si mama. Saka naisip ko kasi na baka kailangan pa niya ‘yung pera,” wika muli ng ginang.

“Natutuwa ako sapagkat hindi pala ganoong mababawasan ang ipon natin dahil meron pa tayong nakatabing pera kay mama,” saad ng mister.

Ngunit nang singilin ng mag-asawa si Aling Remedios ay tila nailista na nga ito sa tubig. Nanghihingi pa ito ng katibayan na napautang siya.

“Ma, malamang ay hindi na kami gagawa ng kasulatan dahil kayo naman ang umutang ng pera. Kailangan na talaga naming ang perang iyon para maipaayos ang bahay namin,” saad ni Adrian sa ina.

“Pasensiya na po kayo sa paniningil naming ngayon pero mahal po kasi ang mga materyales at saka may pinagkakagastusan pa rin po kaming mga bata,” wika naman ni Leslie.

Biglang naalala na ng biyenan ang nasabing pera ngunit nagulat sila sa itinugon nito.

“Talagang sinisingil niyo pa sa akin ang isang daang libong piso na iyon? Kung tutuusin, Adrian, kulang pa ang perang iyon sa ginastos ko sa iyo at sa pag-aaral mo. Hindi ka naman makakarating sa kung nasaan ka ngayon kung hindi dahil sa akin!” panunumbat ng ina.

Sila pa ang nagawa nitong palayasin sa bahay ng ina.

Lubos na ikinalulungkot ni Leslie at Adrian ang naganap na ito. Hindi lang dahil sa perang kanilang pinaghirapan na napunta lamang sa iba ngunit hindi nila akalain na sarili pang kamag-anak pala ang manloloko sa kanila. Higit pa rito ay sariling ina pa ni Adrian.

Masakit din kay Adrian na nagawa pa siyang sumbatan ng ina. Alam niyang mahirap ang magpalaki ng anak ngunit responsibilidad ito ng mga magulang na kailangang gampanan.

Hindi na binawi ng mag-asawa ang perang ito kay Aling Remedios upang wala na itong masabi pang masama sa kanila. Nalulungkot lamang ang dalawa na dahil sa pera ay nalamatan ang kanilang pagtitinginan.

Ipinagpatuloy pa rin ang pagpapagawa sa bahay ng mag-asawa. Nagsumikap na lamang ang dalawa upang makaipon muli. Dahil sa nangyari ay natuto silang mas lalong pag-ingatan ang kanilang mga pinaghirapan.

Advertisement