Inday TrendingInday Trending
Natanggal ang Kaartehan ng Misis Nang Makita Niya ang Isang Pamilyang Kumakain ng Kabuteng May Lason

Natanggal ang Kaartehan ng Misis Nang Makita Niya ang Isang Pamilyang Kumakain ng Kabuteng May Lason

Limang taon nang mag asawa sina Hilda at Jake, nagtatrabaho ang lalaki bilang manager sa isang magandang kumpanya habang housewife naman ang misis niya. Mayroon silang tatlong taong gulang na anak na lalaki.

Sobra ang pagmamahal ni Jake sa misis niya kaya tinitiis niya ang kaartehan ng babae. Palibhasa ay lumaki itong spoiled sa magulang kaya kahit mag asawa na sila ay nadala nito ang pagiging brat.

“Hi hon, ano ang ulam?” pagod na tanong ni Jake sa kanyang misis, kakauwi niya lang mula sa opisina. Traffic pa kaya naman natagalan pa siya ng 30 minutes sa byahe.

“Sinigang na hipon, andyan na yung mga rekado sa mesa baby,” sabi ni Hilda, abala sa pagpapatuyo ng bagong manicure na kuko.

“What do you mean?” nagtatakang sabi ni Jake at pumunta na sa kusina, nagulat siya dahil naroon ang mga sangkap at di pa luto. Maging ang hipon ay ni hindi man lang nahugasan. Napabuntong hininga siya, hindi ito ang unang beses na pagod siyang uuwi mula sa trabaho at siya pa ang magluluto. Tambak rin ang hugasin.

“Sorry baby ha, kasi nadidiri ako na gupitin yung mahabang something sa hipon. Tsaka masisira tong kuko ko,” ngumuso pa si Hilda sa asawa. Napapailing nalang na itinupi ng lalaki ang long sleeves hanggang siko at nagsimula nang hugasan ang hipon.

Nakangiti namang bumalik sa salas si Hilda at itinuloy ang pagpapatuyo ng kuko habang nanonood ng TV.

“Ayoko ng okra, nakakasuka,” maarteng sabi ni Hilda na pinipili pa ang mga gulay na kakainin.

“Masustansya yan, o eto nalang labanos,”

“Ayoko rin may after taste. Okay nako sa hipon,” sabi ng babae.

Pagkatapos nilang kumain ay umakyat na si Hilda at naligo, habang si Jake naman ang naglinis sa katawan ng baby nila at pinatulog ang bata. Nang makahugas na siya ng pinggan at masigurong ayos na ang lahat sa bahay ay saka lamang nakapagpahinga ang lalaki.

Inabutan niya ang misis na abala sa pagpe-facebook.

“How’s your day?” pagod na tanong ng mister sa kanyang asawa.

“Okay lang, kaninang lunch kumatok rito yung bago nating kapitbahay and binigyan ako ng luto niya. My God can you imagine, inabutan niya pa ako ng nilagang kamote for dessert daw. Kadiri, kinakain ba yun? Tapos si Blessie, yung ka-batch natin remember? post ng post sa Facebook sobrang cheap naman ng outfit,” nakairap pa ang babae habang nagsasalita.

“Ikaw talaga, ano naman ang masama sa nilagang kamote. Masustansya yun,”

“No way! I won’t eat that. Tinapon ko nga pagtalikod nila eh,” nakangisi pa si Hilda, na para bang mabuting bagay ang ginawa niya.

Di na lang sumagot pa si Jake dahil alam niya naman na di sya mananalo sa misis, pag pinilit niya ang point niya rito ay magtatampo lang ito. Palibhasa kasi, di pa naranasang magutom buong buhay niya. Di pa naranasang kumayod para kumain, kaya balewala rito ang mga pagkain at ubod ng arte.

“Nga pala, sa Sunday may outreach yung company, sama ka?” yaya ni Jake sa misis.

“Hala, di ba yun yung pupunta sa mga liblib na lugar tapos mamimigay ng foods? Baka kagatin lang ako ng lamok dun hon,” tanggi ni Hilda, pero napag isip isip niyang pagkakataon na yun para makapagpicture at mai-post sa social media. Tiyak na maiinggit ang mga kumare niya at iisipin na mabait siya dahil mahilig siyang mag- charity work.

“Okay kung ayaw mo-“

“Hindi baby, okay na pala sasama na ako,” excited na sabi ng babae. Nagtataka man ay tumango nalang rin si Jake, magandang pagkakataon ito upang makita ng misis niya ang kalagayan ng ibang tao, baka sakaling mabawas bawasan ang kaartehan.

Mabilis lumipas ang mga araw at ngayon ay papunta na sila sa liblib na lugar kung saan gaganapin ang kanilang outreach, marami silang dalang pagkain para sa mga taong nakatira sa tagong baryo. Pagbaba palang nila ng van ay marami nang tuwang tuwang batang maliit ang sumalubong sa kanila.

“Halika, mag ikut ikot tayo,” yaya ni Jake sa kanyang misis. Nais mang tumutol ni Hilda ay wala siyang magawa, di siya makapagmaktol dahil nakaharap ang ibang ka-opisina ng kanyang asawa.

Naglakad sila ng mister habang inaanyayahan ang mga tao na pumunta sa barangay dahil naroon ang libreng pagkain. Nagulat pa siya dahil pumasok sila sa isang maliit na kubo.

“Huy!Kilala mo ba ang may ari nito? Baka magalit sa atin?” sabi ni Hilda habang palingon lingon pa sa paligid, magsasalita pa sana siya ulit nang makita ang isang babae sa loob. Nakangiti naman ito sa kanila, kandong nito ang siguro’y tatlong taong gulang na anak, katabi ang isa pang batang ang edad ay pito.

“H-hello po,” bati ni Hilda rito.

Ngumiti lang naman ang babae, “Kain,” yaya nito. Napasulyap si Hilda sa kinakain ng pamilya, walang kanin at tila mga kabute iyon na iniluto.

“Mushroom?” bulong niya sa mister. Umiling si Jake at dumampot ng isang kabute.

“Di ho ba ito yung may lason?” tanong nito sa babaeng kumakain, nanlaki naman ang mata ni Hilda.

Tumango lamang ang babae at hindi natinag, sinubuan pa nito ang anak ng kabute.

“Kumakain kayo ng may lason?!” di mapigilang tanong ni Hilda.

“Matagal na naming ginagawa ito. Kapag hindi ako gumawa ng paraan ay mamamatay namang dilat ang mga anak ko dahil sa gutom, hindi naman siguro kami pababayaan ng Diyos,” simpleng sagot ng babae.

Inagaw ni Hilda sa kamay nito ang kabuteng akmang isusubo ng babae sa maliit na bata. Umiyak ang bata at pilit inaagaw iyon sa kanya.

“Gutom!” sigaw nito.

Doon naisip ni Hilda ang lahat ng pagkaing sinayang niya, ang lahat ng sinasabi ng kanyang mister na binalewala niya. Totoo nga, maraming taong nagugutom habang siya ay walang ibang ginawa kundi mag inarte. Di kinaya ng babae ang nakikita at tumakbo palabas ng kubo habang umiiyak.

Sinundan naman ito ni Jake hanggang makarating sila sa van. Niyakap ng lalaki ang kanyang misis.

“I feel so bad..” humihikbi pa si Hilda.

“It’s okay, sana lang alam mo na ang importansya ng mga bagay na mayroon ka..” sabi ng lalaki habang hinihimas ang likod niya.

Nang umuwi sila ay ibang iba na si Hilda, nabawasan na ang kaartehan nito at natuto na itong maging masaya sa mga simpleng bagay. Isang gabing kumakain sila ng hapunan ay di niya naiwasang kausapin ang mister.

“Babe, balik tayo dun sa baryo? Magdonate tayo ulit ng food para di na sila kakain ng kabuteng may lason?”

Bigla namang natawa ang lalaki, kaya nagtaka siya. “Ano’ng nakakatawa sa sinabi ko?”

“Totoo naman talagang may mga kabute na may lason, pero hindi naman iyon ang kinakain nila. Kinausap ko lang ang ale na magsinungaling para turuan ka ng leksyon,”

Di makapaniwala si Hilda sa tinuran ng asawa niya, kahit pa nagsiunungaling ito ay para naman sa kanya kaya di na siya nagalit at kinurot nalang ito sa bewang.

“Aray ko!”

“Yan buti nga sayo yan imbentor!” natatawang sabi nya. Niyakap siya ni Jake at binulungan,

“Mahal na mahal kita..”

Totoo iyon, lalo siyang napamahal sa kanyang misis nang bumuti na ang ugali nito.

Advertisement