Inday TrendingInday Trending
Ang Hangganan ng Lahat

Ang Hangganan ng Lahat

Lumaki sa hirap si Lino. Ang kanyang amang si Mang Apeng ay isang mekaniko at drayber ng dyip. Sa tuwing walang trabaho ang ama, imbes na pumasok sa eskwela ay tumutulong si Lino sa kanilang talyer. Siya ang nagsisilbing tiga-abot ng mga kasangkapan sa pag-aayos ng kung anu-ano. Nakikita niya kung gaano kagaling ang kanyang ama sa pagkukumpuni ng sasakyan.

“Itay, gusto ko rin maging isang katulad niyo. Gusto ko din mag-ayos ng sasakyan,” wika ni Lino sa kanyang ama.

Sa ilalim ng kotse, lumabas sa pagkakahiga ang kanyang ama. Tila bagang hindi natuwa sa sinabi niya.

“Anong sabi mo? Alam mo ba ang pinagsasasabi mong bata ka? Hindi mo ba alam ang buhay ng pagiging drayber? Mahirap ang buhay sa ganitong trabaho, anak. Huwag mong pangarapin. Mangarap ka ng mas mataas. Magsikap ka. Ang gusto ko sa iyo ay maging isa kang magaling na Mechanical Engineer. Halos parehas lang din iyon anak. Hahawak ka din ng mga gamit ng isang mekaniko. Diyan ka magkakapera at yayaman,” hayag ng ama.

“T-totoo po itay?” aniya sa inosenteng boses.

“Oo, anak!” matatag na sagot ni Mang Apeng.

Kapag walang ginagawa sa kanilang talyer, tinuturuan siya ng kanyang ama na magpatakbo ng isang sasakyan upang sa ganun ay may mautusan siya kapag may bibilhin lalo na sa malayong lugar. Sinisikap ng kanyang ama na itaktak sa isipan niya na mahalaga na makapagtapos ng pag-aaral lalo na sa kolehiyo at makahanap ng magandang kumpanyang pagtatrabahuhan.

Lumipas ang panahon at nakapagtapos rin si Lino sa kolehiyo sa kursong Mechanical Engineering. Pinilit niyang pag-aralan ang nasabing kurso kahit hindi siya kumportable. Di nagtagal ay nakahanap si Lino ng mapapasukan. Maganda ang kanyang napuntahang kumpanya ngunit hindi niya parin magawang makuntento sa kursong natapos niya. Alam niya sa sarili na kapag ipinagpatuloy niya pa ito ay mas lalo lang siyang hindi magiging masaya at mahihirapan. Wala pa siyang isang buwan sa trabaho ay nakaramdam na agad siya ng pagkabagot hanggang sa dumating sa punto na humantong siya sa pagbibitiw sa trabaho at inilihim niya iyon sa kanyang ama.

Ang paggawa ng kotse ang pinakagusto niya at hindi ang pagiging inhinyero. Hindi na siya nag ubos pa ng panahon kaya pinagsikapan niyang pag aralan ang bawat parte ng isang kotse ng walang tulong ng kahit na sino. Minsan ay sinubukan niyang gumawa ng kakaibang kotse. Nangalap siya sa internet ng iba’t ibang impormasyon. Nagtanong sa mga kakilala at iba pa.

“Oras na magawa ko ito ay siguradong sisikat ako!” malakas na wika ni Lino. “Kapag sumikat na ako ay yayaman na ako,” pahabol pa nitong sabi.

Ilan taon niyang itinago sa kanyang ama ang napiling trabaho. Alam niya na kapag nalaman ng kanyang ama na huminto siya sa pagtatrabaho sa engineering company na pinapasukan niya ay siguradong magagalit ito.

Gumawa si Lino ng pinakamatibay na sasakyan. Ito ang pinakamagandang bus sa lahat. Mayroong matibay na gulong na kahit na anumang matulis na bagay ay hindi ito masisira. Mayroon matibay at makapal na katawan ang bus na anumang bagay na sumalpok dito ay hindi ito masisira ng basta basta.

“Sa wakas ay tapos na ang aking bus. Excited na ako na makilala ito sa buong mundo. Tiyak na tiyak ko na ang aking pagyaman,” masaya niyang bulong sa sarili.

Isang araw ay nabalitaan niya sa telebisyon na mayroong expo na nagpapakitagilas ng iba’t ibang klase ng sasakyan. Hindi na siya nag-atubuli pa at dali-daling sumali upang ipakita ang napakaganda niyang imbensyon na bus. Ang resulta ay maraming humanga sa nagawa niyang sasakyan. Naibalita rin sa buong mundo ang kakaibang disenyong nito. Nagulat at napabilib ang kanyang ama sa nabalitaang imbensyon ng anak.

“Binabati kita, anak! Ipinagmamalaki kita at ang iyong imbensyon,” pagbati sa kanya ni Mang Apeng.

“Maraming salamat po, itay. Matutupad ko na po ang mga pangarap ko. Ito na ang daan patungo sa pagyaman natin,” aniya. “Ipinapangako ko rin po na uuwi ako diyan sa probinsya kapag natapos po ang mga inaasikaso ko,” pangako niya sarili.

Isang araw ay ipinakalat ni Lino na tanging mayayaman lang ang makakasakay sa kanyang naimbentong bus. Tinanggap rin niya ang alok ng mga mayayaman na libutin ang bansa gamit ang bus na ito kapalit ng malaking halaga ng pera.

Ang mga naging pasahero sa loob ng bus ay binubuo ng mga kilala at mayayamang tao sa lipunan. Lahat ng ito ay may kanya-kanyang regalo para kay Lino. At dadagdagan pa nila iyon kung madala niya ang mga mayayaman niyang pasahero sa Isla Puerto. Ang islang tanging dalawang tao palang ang nakakapunta. Nangako rin ang mga pasahero na kapag dinala niya ang mga ito sa nasabing isla ay nakahandang magbayad ang mga ito ng napakalaking halaga.

Mayamaya ay huminto sila sa isang gate at hinarang sila ng isang balbas -sarado at maskuladong lalaki na bantay sa daraanan nila papuntang isla.

“Sir magandang umaga po, saan po ang punta nila?” tanong ng lalaki.

“Doon po kame sa Isla Puerto. Gamit ko po pala ang bago kong imbensyon na bus sakay ko ang mga kilala at mayayamang tao sa bansa,” sagot naman niya sa nagtanong.

“Sir, kung hindi niyo po alam, delikado pong idaan ang sasakyan niyo sa lugar na ito. Saka mukhang masama po ang panahon. Baka po maaaring bumalik na kayo patungo sa inyong pinanggalingan,” wika ng lalaki.

“Ay, hindi maaari! Nakikita mo ba ang mga pasahero ko? Baka hindi mo alam, mga sikat na tao ang mga iyan. Gusto mo bang maging laman ka ng balita sa telebisyon,radyo o dyaryo?” inis niyang banta

Walang nagawa ang lalaki sa nagpupumilit na si Lino.

“Sige po, kayo po ang bahala, Mag ingat na lang po kayo. Mapanganib po talaga ang papuntang isla,” payo pa nito.

“Sige, paano! mauna na kami?” wika ni Lino sa bantay.

Tinanguhan lang siya nito.

Sa kanyang pagmamaneho, madulas at makipot ang daan. Habang tumatagal, mas lalong lumalabo ang salamin sa harapan ng sasakyan dahil sa makapal na hamog.

Mayamaya ay may lumapit na bata sa kinauupuan niya.

“Saan po ako pwedeng magdasal?” tanong ng bata.

“Ay naku hijo, walang dasalan dito. Ginawa itong sasakyan na ito para magsaya hindi para magdasal. Pasensya na, bata pero hindi ako naniniwala sa ganyan, e. Maupo ka diyan at malapit na tayong makarating sa ating paroroonan. Huwag kang mag alala. Ligtas ka rito, aniya.

Hindi na muling nagtanong ang bata. Naniwala ito sa sinabi ng drayber . At di na muling binalak pang magdasal. Binanggit nalang niya sa drayber na “Alam niyo po ba, paglaki ko, gusto ko pong maging Mechanical Engineer. gusto kong magkumpuni” Sambit ng bata. Napangiti nalang si Lino sana ay tangapin, .

Sa papatuloy ng kanilang biyahe, tumambad sa kanila ang mas kumakalat na makapal na usok. Hindi na maaninag ni Lino ang daan.

“Huminto kaya muna tayo?” payo ng isang pasaherong pulitiko.

“Huwag po kayo mg-alala, usok lang po iyan. Malalagpasan din natin, ani Lino.

Tuluy-tuloy lang sa pagmamaneho ang lalaki. Tiwala siya sa tibay at kapal ng kanyang sasakyan anumang ang mangyari. Di nagtagal ay may natanaw na silang ilaw. Natuwa ang lahat sa kanilang nakita. Isa itong pag asa para sa kanila.

“Natatanaw ko na ang isla!” sigaw ng lalaki.

Naghiyawan at natuwa ang lahat sa balitang iyon. Binilisan ni Lino ang kayang pagmamaneho. Ngunit hindi pala ito isang isla kundi isang makapal na usok na kumikislap at ang nasa baba nito ay isang napakalalim na bangin.

“Hindi, hindi ito maaari!” Aaahhh!” palahaw ni Lino.

Kay bilis ng mga pangyayari. Walang nakakaalam na bangin pala ang dulo ng daang iyon.. Nahulog ang lahat ng pasahero sa bangin. Walang natirang buhay sa loob ng bus.

Masyadong nagtiwala si Lino sa kanyang sarili at sa ginawa niyang bus. Kaya nakalimutan niyang humingi ng tulong sa Diyos. at nasilaw sa pera at kasikatan na hindi na niya mapapakinabangan pa.

A si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!no ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na

Advertisement