Inday TrendingInday Trending
Pinagtatawanan ang Asawa ng Lalaking Ito Sa Isang Reunion Dahil sa Kanyang Itsur; Isang Tawag sa Telepono ang Nagpabago ng Lahat

Pinagtatawanan ang Asawa ng Lalaking Ito Sa Isang Reunion Dahil sa Kanyang Itsur; Isang Tawag sa Telepono ang Nagpabago ng Lahat

Si Erik ang isa sa mga pinaka-sikat na lalaki noong siya’y nasa high school pa lamang. Bakit? Gwapo, matalino, maganda ang katawan, at napakabait. Halos lahat ng mga babae ay nagkakagusto sa kanya.

Kaya naman, noong lumipas ang maraming taon, abang na abang ang karamihan sa buhay niya noong magkaroon ng reunion ang kanilang batch.

“Wala na nga akong balita sa kanya sa totoo lang eh,” ani ng isa niyang kaklase noon.

“Balita ko busy raw magpayaman!” banggit naman ng isa sakanila.

Lahat ng tao ay napatingin ng dumating si Erik at ang kanyang asawa.

Laking gulat nila sa kadahilanang hindi nila inaasahan na ganoon ang itsura ng kanyang misis.

Sa gwapo ni Erik, napaka-imposibleng hindi siya makahanap ng magandang asawa.

“Wow! ‘Di ko talaga ine-expect to,” natatawang sabi ng isang babae habang nakatitig sa misis ni Erik.

“Grabe, wala na ba talagang napili si Erik?” gatong naman ng isa.

Bago sila ikasal ni Erik, napakaganda at napaka-sexy ng asawa niyang si Marie.

Ngunit hindi inaasahang nagkasakit si Marie matapos niyang ipanganak ang panganay nilang anak.

Dahil sa kanyang sakit, kinakailangan niyang uminom ng lahat ng klaseng gamot mawala lamang ang sakit na nararamdaman niya.

Yun nga lang ay may mga masama palang epekto ang mga gamot na ito. Ang dati niyang sexy na katawan ay unti unting nagkaroon ng taba. Ang dati niyang magandang mga mata ay naging namamaga at ang kanyang mukha ay naging mamon sa laki.

Ang laki ng pinagbago ng kanyang mukha kumpara sa dati.

Ngunit kahit ganoon ang pagbabago sa kanya ay nanatiling positibo ang pananaw ni Marie.

Nagbago man ang kanyang mukha at katawan ay hindi naman nagbago ang kanyang ugali.

Siya pa rin ang asawang minahal at pinakasalan ni Erik: ang madaldal, mabait, pala-kaibigan, maalaga, at mapagmahal na tao na si Marie.

Ni minsan ay hindi nakaramdam ng pagkawala ng pagmamahal si Erik sa kanyang asawa. Ang totoo niyan, mas lalo pa niyang minahal si Marie.

Ang tatay rin ni Marie ang tumulong kay Erik na maging parte ng kanilang kumpanya kung kaya’t naibibigay niya ang lahat ng kailangan ng kanyang asawa at anak.

“Sobrang thankful ko na ikaw ang naging asawa ko,” paglalambing na sabi ni Erik.

Halos hindi rin sila nag-aaway dahil wala naman talaga silang pag-aawayan. Hanggang sa dumating ang araw ng reunion ng dating paaralan ni Erik.

Sa reunion, nagkita-kita ang dating magkakaibigan at nagkakwentuhan tungkol sa kanilang mga trabaho at sa kung ano pang nangyayari kasalukuyan sa kanilang mga buhay-buhay.

Hanggang sa napunta ang usapan ng mga lalaki sa kanilang mga magagandang misis. At ang mga babae naman ay niyabang ang mga mayayaman na lalaki na napakasalan nila.

Ngunit ng si Erik na ang magpapakilala ng kanyang asawa, ramdam niyang lahat ng mata ay titig na titig sa kanila.

Kahit blangko ang kanilang pinapakitang mukha, rinig pa rin ang ibang nagtatawanan at nagbubulungan ng mahina patungkol sa kanyang asawa.

“Baka nago-overthink lang ako,” sambit ni Erik sa sarili.

Isang babae ang lumapit sa kanila na dati pa niyang kaklase, “Friend! Kumusta na? Ang tagal nating ‘di nagkita ah! Good for you, at ikaw ay naikasal sa ‘napakagandang babae’,” sambit niya sa isang napaka-sarcastic na tono.

Sa lakas ng kanyang boses, rinig na rinig ito sa buong lugar at ang iba ay nagsimula na namang magbulungan.

Yamot na yamot si Erik sa sinabi ng babae ngunit ayaw niya itong patulan. Nakita niya rin na nag-iba ang timpla ng mukha ng kanyang asawa.

Ngumiti na lamang siya kaysa sa may masabi pang hindi maganda.

Biglang may tinawagan ang kanyang asawa.

Mga ilang minuto lang ang lumipas ay nakatanggap ng tawag ang babaeng nanginsulto sa kanyang misis.

Pulang-pula sa kahihiyan ang babaeng ito habang may kausap sa telepono.

Litong lito si Erik sa mga nangyayari nang biglang inaya na siya ng misis niyang umuwi na.

“Halika na, uwi na tayo,” pag-aya ng kanyang misis.

“Sige, tara na at baka kung ano pa ang marinig natin na hindi maganda mula sa mga walang modong mga taong ito,” sagot ni Erik.

Nang sila’y makauwi na, binanggit ng kanyang asawa ang mga nangyari sa reunion para masagot ang kalituhan ni Erik.

“Napansin ko kasi na uniform ng company ni dad yung suot nung babaeng kausap mo kanina, kaya tinawagan ko si dad,” kwento niya habang ngiting-ngiti.

“Binalita ko sa kanya na dapat ay hindi nagtatrabaho sa kanyang kumpanya ang taong walang ethics at manners,” dagdag pa niya habang natatawa.

“Kaya pala naging kamatis sa pula yung mukha niya kanina! Siguro nung umalis na tayo, wala na rin siyang trabaho,” nakangiting sagot ni Erik.

Natawa na lamang ang dalawa. Hindi sila nakaramdam ng pagsisisi. Dahil para sa kanila, hindi porket maganda ang posisyon ng isang tao sa buhay ay mayroon na agad silang karapatan manglait at mangmata ng ibang tao.

Natuwa si Erik muli sa asawa niya dahil maayos niyang hinarap ang masakit na insulto noong reunion.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito? I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino. Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Advertisement