Inday TrendingInday Trending
Nagtataka ang Tindero ng Pandesal na Ito Kung Bakit Palaging Pekeng Pera ang Binabayad ng Customer Niyang Bata, Hindi Niya Inaasahan ang Rason Nito

Nagtataka ang Tindero ng Pandesal na Ito Kung Bakit Palaging Pekeng Pera ang Binabayad ng Customer Niyang Bata, Hindi Niya Inaasahan ang Rason Nito

Para sa isang lalaking nagbebenta ng pandesal araw-araw, walang espesyal na pangyayari. Ibig sabihin din nito ay paulit-ulit lang ang nangyayari sa kanyang pang araw-araw.

Hanggang sa naging customer niya ang maliit na batang babaeng ito.

Ang batang babae ay nasa edad na lima o anim na taong gulang base sa kanyang itsura. Akala ng tinderong si Raymond ay isa lang siyang normal na customer.

“Magandang umaga, hija,” bati niya sa batang nakangiti kahit magulo ang pagkakatali ng buhok. Gusot-gusot ang damit niya at parang umapak sa putikan sa dumi ng sapatos na itim.

“Magandang umaga rin po, pabili po sana ng pandesal,” ani ng batang babaeng kilala sa tawag na Ineng.

“Ilan hija?” tanong ng tindero.

“Dalawa lang po sana,” sagot naman niya.

Ngunit ng inabot na niya ang bayad para sa pinamiling pandesal, nagbigay siya ng halatang-halata na pekeng pera.

Noong una ay akala ni Raymond na nagbibiro o naglalaro lamang ang bata kaya hinayaan na lamang niyang kuhain ang mga pandesal. Para sa kanya ay hindi naman siya malulugi sa dalawang libreng pandesal.

Pero sa halos araw araw na pagbili ng batang babae ng pandesal at gamit ang pekeng pera, nagkaroon na ng pagtataka si Raymond.

Nagduda siya kung talagang hindi ba alam ng batang babae na pekeng pera ang mga binabayad niya o talagang nanloloko ito. Kaya naman nagdesisyon siyang sundan ang maliit na bata sa kanyang pauwi.

Ngunit hindi niya inaasahan ang makikita niyang sumunod.

Sinundan ng lalaking si Raymond ang maliit na bata hanggang sa maliit at lumamg bahay. Doon sa pinto ay may nag aabang na isang matanda at nanghihinang babae na nakaupo sa isang wheelchair. Nasa labas lamang ito na para bang inaantay talaga niya si Ineng makauwi na.

“Mama! Dito na po ako! Eto na po yung paborito niyang pandesal,” sabi niya sa matandang nakaupo na may masayang tono.

Ang batang babae na si Ineng na pala ang nag-aalaga sa kanyang may sakit na nanay mula ng pumanaw na ang kanyang tatay matagal na taon na ang nakalipas.

Ang nanay ay gumagamit na ng wheelchair kaya hirap itong kumilos. Kaya naman, umaasa na lamang ang nanay sa kanyang anak.

Ang batang babae pala na si Ineng ay nagtatrabaho para sa kanyang pamilya sa pamamagitan ng pagkolekta na recyclable na plastik at papel.

Ang nakakalungkot lamang dito ay ang may-ari ng recycling center ay nagbibigay ng pekeng pera kay Ineng bilang pambayad.

Nalaman lamang ng nanay ni Ineng ang panloloko sa kanya ng binanggit ng tindero ng pandesal ang pagbabayad ng batang babae ng pekeng pera.

Natakot ang kanyang nanay at nagmakaawa sa tindero. “Parang awa niyo na po, hindi kasi alam ng anak ko, sana ‘wag niyo po kaming ireport sa pulis, hindi po talaga namin alam, hindi rin po mauulit,” naiiyak na pagmamakaawa niya.

“Hindi pa kasi talaga niya alam kung ano ang peke sa totoo. Pasensya na po dahil hindi ko rin nakikita. Sana wag niyo kaming ipakulong. Wala kaming kamag-anak na iba rito. Kaming dalawa lang ng anak ko ang magkasama,” dagdag pa niya.

At sa mga panahong iyon, naisip ng lalaki na dapat ay may gawin siya para sa mag-ina. Kinuha niya ang kanyang pitaka at inabot ang lahat ng laman nito na pera sa nanay.

“Sabihin niyo po sa anak niyo na punta lang po siya sa tindahan ko kahit kailan kapag ka gusto niya ng pandesal,” anito sa nanay ni Ineng.

“At sana po yung pera na ibinigay ko sa inyo ay gamitin niyo sa pagpapagamot at pangkain niyo ni Ineng. At kapag ka ayos na ang pakiramdam niyo bumalik po kayo sakin. Kahit hindi kayo nakakagalaw ng ayos, sigurado akong may mabibigay akong trabaho na sakto sa inyong kundisyon,” dagdag pa ni Raymond.

Bumuhos ang luha ng nanay ni Ineng ng marinig ang sinabi ng tindero. “Napakabuti niyo po, hindi ko sasayangin ang pagkakataon na binigay mo sa aming mag-ina,” ani niya.

Napakasarap sa pakiramdam ni Raymond ang makatulong kay Ineng at sa kanyang nanay. Tinulungan niya rin ang magnanay na ireport ang nanloko sa batang babae na nagbabayad sa kanya ng pekeng pera.

“Maraming maraming salamat ulit sa tulong mo sa amin Raymond, hindi ko alam kung paano ka namin masusuklian,” sambit ng nanay ni Ineng.

“Wala po iyon, ang importante sa akin ay ang natulungan ko kayong mag-ina, at makitang mabuti ang kalagayan ninyo,” nakangiting sagot ni Raymond.

Nang naging mabuti ang pakiramdam ng nanay ni Ineng ay ginawa siya tindera ni Raymond. Kung minsan ay nakakasama niya ang kanyang anak sa pagtitinda.

Ngunit nang tumagal ay pinasok muli ng kanyang nanay si Ineng sa paaralan. Nang dahil sa tulong ni Raymond ay nakapagsimulang muli ang mag-ina.

Dahil sa kanyang kabutihan ay nabigyan silang muli ng pag-asa na maging maganda ang kanilang buhay, lalo na ang kinabukasan ni Ineng.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito? I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino. Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Advertisement