Inday TrendingInday Trending
Laging Inaabangan ng Lalaki ang Magandang Dalaga na Palaging Nakaupo sa Parke; Isang Malaking Lihim Pala ang Itinatago ng Babaeng Ito

Laging Inaabangan ng Lalaki ang Magandang Dalaga na Palaging Nakaupo sa Parke; Isang Malaking Lihim Pala ang Itinatago ng Babaeng Ito

Naisipan ni Harold na magtungo sa parke habang break time sa trabaho. Naabutan niya doon ang isang babae na nakaupo habang may hawak ng dyaryo. Libang na libang ang magandang babae habang sinasagutan ang crossword puzzle.

Naupo si Harold malapit sa tabi ng babae. Nais niyang kaibiganin ang babae kaya’t gumawa siya ng paraan. Umubo siya ng malakas at saka nagsalita.

“Ang ganda ng panahon no?” nakangiting sinabi ng binata sa babae, ngunit hindi siya narinig nito dahil mayroong suot na headset sa tainga ang babae at tutok na tutok sa crossword na sinasagutan.

Sinubukan muli niyang sinubukang kausapin ang babae, “Miss? Pwede bang mahiram ang ballpen mo? Mabilis na mabilis lang,” tanong niya habang itinuturo ang ballpen na hawak ng dalaga, iniabot naman ng magandang babae ang ballpen habang nakangiti sa lalaki, “Salamat miss ha? Maraming salamat!”

Kinabukasan ay muling tumambay si Harold sa parke. Nagbabakasakali siya na makita muli ang magandang babae. Naupo siya sa upuan at nag-intay. Pagkaraan ng ilang minuto ay laking tuwa ng binata nang dumaan at maupo ang babae sa parehong upuan na kinauupuan niya.

Tulad noong una silang magkita ay nakaheadset muli ang babae at tahimik nagsasagot ng crossword puzzle. Kapwa walang imik ang dalawa kaya’t sinubukan ni Harold na basagin ang katahimikan.

“Miss, ano ba iyang pinakikinggan mo?” tanong ng binata, hindi siya naririnig ng babae kaya’t kumuha siya ng papel at saka sumulat doon ng, “ano ang pinakikinggan mo?” matapos sumulat ay inilagay niya ito malapit sa kinauupuan ng babae.

Napangiti naman ang babae nang mabasa ang mensahe ng lalaki, kinuha niya ang papel at saka isinulat doon ang sagot niya, “nakikinig ako ng isang espesyal na kanta.”

Kumuha muli ng papel si Harold at nagsulat, “maaari ko rin bang pakinggan ang pinapakinggan mo?”

Binasang muli ng babae ang mensahe ng binata at sumagot muli gamit iyon, “nahihiya ako sa’yo.”

Doon na nagkaroon ng kompiyansa ang lalaki na itanong ang pangalan ng magandang babae, sa isang maliit na papel ganito ang kanyang isinulat, “pwede ko bang malaman ang pangalan mo?”

Muling napangiti ang babae at isinulat ang pangalan niya sa papel, “I’m Jam.”

Isinulat naman din ng lalaki ang kanyang pangalan sa isang maliit na papel, “ako, si Harold.”

Doon na nagsimulang magpalitan ng mensahe sina Harold at Jam gamit ang sticky notes. Bago magpaalam sa isa’t isa ay muling nagsulat ng mensahe ang lalaki, ito ang kanyang isinulat sa maliit na papel, “I’d love to see you again. Pwede ko bang makuha ang number mo?”

Labis ang kasabikan naman ng lalaki sa isasagot ng dalaga, lalo na noong kumuha din ng maliit na papel ang dalaga at nagsulat, “pasensya na Harold, wala kasi akong cellphone.”

Natawa naman ng bahagya si Harold ng mabasa ang sagot ni Jam, kaya muli siyang sumulat, “wala ka talagang cellphone? Baka ayaw mo lang talagang ibigay?”

Napangiti naman ang dalaga at saka ito sumagot, “Kung gusto mo akong makitang muli, pupunta ako dito bukas.”

Tuwang-tuwa ang binata nang mabasa ang isinulat ni Jam. Kumuha siya ulit ng papel at muling sumulat ng mensahe para sa dalaga, “sounds good! Kita tayo bukas.”

Kinabukasan ay naunang dumating ang binata sa parke. Naghihintay siya sa muling pagdating ni Jam, ngunit lumipas ang tatlumpung minuto ay wala pa rin ang dalaga. Para magpalipas ng oras ay nagbasa muna ng libro ang lalaki.

Habang nagbabasa ay bigla na lamang may nagdikit ng sitcky note sa librong binabasa niya, nakalagay ang mga salitang, “it’s good to see you again!” paglingon ni Harold ay nakita niya ang maamong mukha ni Jam.

Hindi pa rito natapos ang kaligayahan ng binata. Kinilig siya ng umupo sa kanya ang magandang dalaga. Naisipan niyang biruin ang babae. Sumulat siya sa isang maliit na papel, “you are late!”

Nang mabasa ang sinulat ng binata ay napangiti si Jam sabay hampas ng mahina sa braso ni Harold. Doon mulint umandar ang palitan nila ng mensahe gamit ang sticky notes. Matapos ang ilang minuto ng pagpapalitan ng mensahe ay pansamantalang nanahimik ang dalawa.

Huminga ng malalim ang dalaga at isinulat ang mensaheng ito sa maliit na papel, “gusto mo ba talagang marinig ang kanta na pinapakinggan ko?”

Tumugon naman si Harold ng, “oo, please? Parinig ako niyan.”

Iniabot ng dalaga ang headset at agad itong isinuot si Harold, ngunit wala siyang narinig na kanta, “that’s weird. Wala akong marinig na kahit ano sa headset mo,” nalilitong sabi ng binata.

Doon na ipinahayag ni Jam ang isang importanteng mensahe niya para kay Harold. Sa papamagitan ng sign language o pagsenyas gamit ang kamay ay ipinaabot niya sa binata ang mga sumusunod, “I’m deaf. May kapansanan ako sa pandinig.”

Namangha ang binata sa katapangang ipinakita ng babae, kaya’t muli siyang kumuha ng sticky note at isinulat ang mga katagang, “you are still beautiful!”

Ngumiti ang dalaga at bahagyang napaluha nang mabasa ang mensahe ng binata. Sa muling pagkikitang dalawa ay wala nang suot na headset ang dalaga. Hindi na niya kailangan pang itago ang kapansanan sa likod ng headset na iyon.

Simula ng ipiagtapat ni Jam ang tunay niyang kalagayan, ay lalong pang umibig sa kanya si Harold. Nais ng binata na ipaabot ang mensahe ng kanyang pag-ibig sa pamamagitan ng lengguwahing malapit sa puso ng dalaga, kaya nag-aral siya ng sign language upang ipagtapat ang kanyang pagmamahal.

Ngayon ay hindi na nila kailangan ang sticky notes para magkaintindihan. Bukod sa sign language ay sapat na para sa dalawa, para magkaunawaan ang pag gamit nila ng lengguwahe ng pagmamahal.

Kapag ang pag-ibig na ang tumama sa atin, kahit ano pa ang kakulangan ng isang tao ay bukas nating tatanggapin ang mga ito. Mas makikita natin ang positibo sa kanila kaysa sa negatibo. ‘Pag mahal natin ang isang tao ay makikita natin ang tunay nilang kagandahan at hindi lamang ang itinatago nilang kapansanan.

Advertisement