Bukambibig ng Kaniyang Anak Ang Amang Pumanaw na; Nakakagulantang Pala Ang Susunod na Pangyayari!
“Kumusta naman diyan, neng? Nasaan si Onyok ko?” mahinahon na tanong ni Roseann sa kaniyang katiwala na kausap sa telepono.
“Ay, mam, maaga po siyang nakatulog. Nagwala po kasi siya kanina, mam kaya ang aga po antukin,” sagot naman ng katiwala.
“Ganoon ba? Pasensya ka na kung makulit ‘yan paminsan. Hindi bale’t pauwi na rin naman ako bukas ng gabi. Maraming salamat sa’yo ha?” muling sambit ni Roseann at pagkatapos ay ibinaba na ang tawag.
Kinabukasan, maagang naghanda si Roseann para sa kaniyang presentation. Ipinadala kasi siya ng kumpanya nila upang magpresent sa mga kliyenteng mayayaman. Malayo man ito sa kaniyang anak na nasa Maynila, kailangan niyang kumayod upang matustusan ang pangangailangan ng anak na may sakit sa pag-iisip. Simula kasi noong siya ay nagbubuntis pa lamang, namayapa na ang asawa niya sa isang aksidente nang bumagsak ang eroplanong sinasakyan nito.
Isang malakas na hiyaw ang narinig kay Roseann matapos niyang makuha ang lahat ng kliyente na nakinig sa kaniya. Hudyat kasi nito ang malaking komisyon na kaniyang matatanggap. Isa pa, maaari ring mapromote pa siya dahil sa kaniyang tagumpay.
Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Roseann at mabilis siyang nagtungo sa Maynila upang makapiling ng muli ang kaniyang anak. Nang makarating siya sa kanilang bahay, binati siya kaagd ng kaniyang katiwala na nagbabantay kay Onyok. Ibinaba lamang niya ang dalang bag at maleta at mabilis na pumunta sa silid ng kaniyang anak.
Nagulat naman siya dahil napansin niyang mas dumami ang mga laruan na nakakalat sa silid nito. Isang mahigpit na yakap naman ang kaniyang natanggap mula sa anak na halata ang kasiyahan sa mukha nang masilayan siya.
“Hello, baby ko. Kumusta ang baby ko na ‘yan?” paglalambing ni Roseann sa kaniyang anak at sabay ibinaling ang atensiyon sa kaniyang katiwala.
“Iza? Iza? Saan galing ang mga laruan sa silid ni Onyok? Parang hindi ko naman natatandaang bumili ako nang ganoon karaming laruan?” pagtataka ni Roseann habang umiinom ng tubig.
“H-ha, doon ho mam, dumating po dito ‘yong kapatid niyo nagdala po ng mga laruan,” anang Iza na kaniyang katiwala.
Napaisip naman si Roseann dahil matagal na siyang hindi nakikipag-usap sa kaniyang kapatid. At sa lahat pa ng araw ay doon pa ito dadalaw gayong wala siya sa bahay. Subalit dahil malaki naman ang kaniyang tiwala, tinanggap na rin niya ang paliwanag ni Iza.
Sa gabing iyon, natulog si Iza katabi ang kaniyang anak na si Onyok. Habang ang kaniyang katiwala naman ay natutulog sa sofa na katabi lang din ng kanilang kama. Sa kalagitnaan ng kanilang paghihimbing, umikot lamang si Roseann at nagulat nang madama niya ang buhok ng isang babae. Nang siya ay dumilat, labis siyang nagulat nang makita ang mukha ni Iza na nakatapat at nakatingin sa kaniya!
Mabilis siyang tumayo at binuksan ang ilaw. Dahil din dito, nagising si Onyok na umatungal nang dahil sa pagkagulat.
“Bakit ka nandiyan sa tabi ko? Halos atakihin ako sa puso dahil diyan sa ginawa mo!” sigaw ni Roseann sa kaniyang katiwala.
“Pasensya na po, mam, ang lamig po kasi ng aircon wala po akong kumot kaya tumabi po ako sa inyo,” malumanay na paliwanag naman ni Iza.
“Kumuha ka na lang sana ng kumot, Hindi ‘yong nanggugulat ka diyan!” muling sambit ni Roseann. Matapos mapatulog ulit si Onyok, muling bumalik sa pagkakahimbing si Roseann.
Kinabukasan, habang sila ay nag-aalmusal, narinig ni Roseann si Onyok nang magsalita ito ng papa. Labis niya itong ikinagulat dahil hindi naman niya tinuruan ang anak na sabihin ang salitang iyon.
“Iza, tinuturuan mo ba si Onyok magsalita? Kasi tinawag niyang papa ‘yong laruan na hawak niya tapos tumawa,” pagtataka naman ni Roseann.
“Baka ho sa pinapanood niya sa internet,” tugon naman ni Iza.
Simula noon, mahigpit na bilin na ni Roseann na huwag ng panoorin ng kung ano anong mga palabas ang anak. Baka rin kasi may gawin itong hindi maganda dahil sa kaniyang mga nakikita sa palabas.
Nagpatuloy pa ang mga araw ni Roseann. Lagi man siyang wala sa kanilang bahay dahil sa trabaho, alam naman niyang naaalagaan ni Iza nang maayos ang anak. Laking pasasalamat din niya na hindi ito nagrereklamo.
Isang tanghali, nakasalubong ni Roseann ang kaniyang kapatid sa isang mall. Dahil saglit lang din ang pag-uusap, direkta niyang pinasalamatan ito sa mga laruan na ibinigay kay Onyok at sa pagbisita nito sa kanila. Ngunit hindi inaasahan ni Roseann ang tugon nito.
“Hindi naman ako nagpupunta sa inyo at hindi ko nga alam saan ka na nakatira ngayon. Ano ba ‘yang pinagsasabi mo?” tugon nito sa kaniya.
Nabitawan ni Roseann ang isang supot na naglalaman ng pagkain nang maala si Onyok at lahat ng kakaibang kinikilos ng kaniyang katiwala. Mabilis siyang sumakay ng taxi upang agad na makauwi. Paulit ulti din niyang tinatawagan si iza subalit hindi ito sumasagot sa kaniyang tawag.
Nang makarating sa kaniyang bahay, dahan dahan siyang pumasok sa loob matapos niyang tumawag ng pulis. Sa silid ni Onyok, nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita doon ang pamilyar na mukha – ang kaniyang asawa! Subalit nang tumunog ang pinto, agad itong napatingin sa kaniya at mabilis na naglakad sa kaniyang kinaroroonan. Ang tanging nakita na lamang niya ay ang mukha ng kaniyang asawa at siya ay tuluyang nawalan ng malay matapos siyang sakalin nito.
Unti-unting nagkamalay si Roseann at idinilat ang mga mata. Maririnig niya ang tunog mula sa pinapanood ni Onyok na nakahiga sa kanilang kama. Nang marinig niya ang mga yapak ng kaniyang asawa na papasok, nagkunwari siyang wala pang malay. Muli niyang sinilip ang ginagawa nito, binuksan nito ang kurtina at mga binata. Sa pagkakataong iyon, malakas niyang itinulak ang lalaki sa bintana na siyang ikinasawi nito mula sa pagkakahulog.
Ilang sandali pa ay dumating ang mga pulis na pinaalis pala ng kaniyang asawa. Doon nila napag alaman na wanted pala ang kaniyang asawa na nagkunwaring nasawi sa aksidente. Nagparetoke ito ng kaniyang katawan at gumamit ng mga postura upang maitago ang kaniyang mukha. Mabuti na lamang at nailigtas ni Roseann ang sarili pati na buhay ng kaniyang anak.