Inday TrendingInday Trending
Tinutuksong Baduy Manamit ang Babaeng Ito; Makalipas ang Ilang Taon, Bakit Kaya Napapanganga sa Kaniya ang Mga Taong Lumait sa Kaniya?

Tinutuksong Baduy Manamit ang Babaeng Ito; Makalipas ang Ilang Taon, Bakit Kaya Napapanganga sa Kaniya ang Mga Taong Lumait sa Kaniya?

Siya si Chynna. Isang simpleng dalaga. Siya ay nakatira sa isang malayong probinsya ng Antique. Ang kaniyang pamilya ay isa sa mga pamilyang masyadong tradisyunal sa mga bagay-bagay. Sila’y naniniwala na dapat gamitin ang mga bagay noong sinaunang panahon upang pahalagahan ang tradisyon.

Ang buhay ni Chynna sa probinsya ay payapa at puno ng saya. Isa sa pinapahalagahan ang kanyang pamilya ay ang tradisyon pagdating sa kanilang kasuotan, kung kaya’t ang kanilang kasuotan ay makaluma rin. Simple man ang buhay nila ngunit para kay Chynna, ito ay perpektong buhay. Walang reklamo at kontento siya.

Si Chynna ay nag-aaral sa isang maliit na paaralan sa kanilang probinsya. Magaling siyang gumuhit at ang kaniyang pangarap ay maging isang sikat na fashion designer sa hinaharap. Masipag na mag-aaral si Chynna, matalino kaya’t marami ang kaniyang medalya at sertipiko sa kanilang munting tahanan, na nakasabit sa kanilang dingding.

Sa hindi inaasahang pangyayari, kinailangang lumipat ng kanyang ama ng lugar ng pinagtatrabahuhan. Lumipat sila sa sa Maynila. Agad na nasabik si Chynna sa panibagong kapaligiran. Natuwa siya sa mga maaaring mangyari.

Unang tapak pa lamang ni Chynna sa lungsod ay sumilay na agad ang kanyang ngiti. Hindi niya napigilang humanga sa mga nagtataasang gusali na kanyang nasilayan.

Kinabukasan, sa kaniyang unang araw ng klase sa bagong paaralan, agad siyang natuwa. Suot ang makaluman niyang kasuotan, siya’y naglakad na m may ngiti sa labi. Gusto niyang makipagkaibigan sa kaniyang mga kaklase.

“Sino ‘yan?”

“Bakit ganiyan suot niya?”

Kitang-kita ni Chynna ang panlalait sa mga mata ng babaeng mag-aaral na nakakasalubong niya.

Ang ngiting nasa mukha ni Chynna ay unti-unting naglaho. Napatingin siya sa kaniyang sarili, sinusuri ang kanyang kasuotan. Inangat ang kaniyang mukha at tinignan ang kasuotan ng kaniyang mga kamag-aral. Malayo sa kanyang kasuotan ang suot-suot nila.

Natapos ang kanyang unang araw sa mga bulungan ng kaniyang mga kamag-aral. Umuwi siya na may lungkot na mukha. Pag-uwi niya, agad siyang tinanong ng kaniyang ina kung bakit siya malungkot. 

“Nay, may problema po ba sa aking kasuotan?” tanong niya sa ina.

“Bakit anak? Wala naman. Disente naman ang damit mo,” sagot naman nito.

Ayan ang tumatak sa isip ni Chimlim sa mga nagdaang panahon. Lumipas ang ilang mga araw at buwan ay patuloy ang bulungan tungkol sa kanyang kasuotan. Hindi niya nagugustuhan ang kanyang mga naririnig ngunit siya’y naging matatag upang maabot ang kanyang pangarap. Kahit na patuloy ang pangungutya sa kanya, ipinagdarasal na lamang ito sa mga templo. Tuwing sila’y nagdiriwang ng Loi Krathong, ito ang kanyang hinihiling. Hinihihling niya na mawala na ang lahat ng pangungutya sa kanya at ang kanyang paghihirap.

Dahil ayaw na lamang ng gulo ni Chimlim, pinili na lamang niyang lumipat ng paaralan. Sa isang paaralan kung saan talento at kanyang mga ideya ang natatanggap. Isang eskwelahan na tanggap siya.

Isang araw sa kanyang bagong eskwelahan, may dumating na isang babae at siya’y kinausap.

“Gusto ko ang mga disenyo mo. Gusto mo bang sumama sa akin upang matupad ang iyong pangarap na maging sikat na fashion designer?”

Makalipas ang 5 taon, ang dating Chimlim na kinukutya ay isa ng sikat na fashion designer. Fashion designer na kinilala dahil sa kanyang mga disenyong sa tradisyonal na kasuotan ng Thailand.

Advertisement