Inday TrendingInday Trending
Natutuhang Mahalin ng Babae ang Lalaking Nanamantala sa Kaniya; Mas Malupit Palang Hinaharap ang sa Kaniya’y Naghihintay

Natutuhang Mahalin ng Babae ang Lalaking Nanamantala sa Kaniya; Mas Malupit Palang Hinaharap ang sa Kaniya’y Naghihintay

“Grabe talaga ang pagkagusto sa iyo ni Nelson, Amanda. Mantakin mo ay nagpadala pa ng sangkatutak na pagkain dito sa opisina para sa kaarawan mo,” saad ni Donna sa kaniyang kaibigan.

“Ilang beses ko na ngang sinasabi sa kaniya na wala talaga akong balak pang magnobyo pero makulit. Hindi ko rin naman gusto na nireregaluhan niya ako ng bongga. Baka kung ano kasi ang kapalit nito,” tugon naman ni Amanda.

“Hayaan mo na. Ang sabi nga nila ‘di ba, kung ayaw mo sa nanliligaw sa iyo, tanggapin ang regalo pero hindi ang tao,” pabiro pa ni Donna sa dalaga.

Dalawang taon na simula ng manligaw si Nelson kay Amanda. Kahit na maganda ang ipinapakita ng binata at palaging may pasabog na mga regalo ay hindi alam ng dalaga kung bakit hindi niya ito magustuhan. Marahil ay dahil sa pagkapresko nito at sa mga nababalitaan niyang mahilig sa babae ang binata.

Kahit na palaging sinasabi rin ni Amanda na walang pag-asa si Nelson sa kaniya ay hindi naman tumitigil ang binata sa kaniyang panliligaw. Alam niyang isang araw ay bibigay rin ito sa kaniya.

“Wala ka pala kay Amanda, pare. Siya lang ang babaeng hindi bumibigay sa iyo!” sambit ng kaibigan ni Nelson na si Wally.

“Pare, tandaan mo, wala akong hindi nakukuha. Nagpapakipot lang ‘yang si Amanda. Pero malapit nang bumigay ‘yan!” pagyayabang naman ni Nelson.

“Sigurado ka ba? E ang tagal-tagal mo na ngang nanliligaw, hanggang ngayon ay wala ka pa ring pag-asa. Tigilan mo na, pare, nagmumukha ka nang t@nga!” sambit ni Wally sabay tawa.

Napikon si Nelson sa sinambit ng kaibigan na tila naghahamon.

“Makikita mo, mapapasa’kin din ang babaeng iyon!” giit ng binata.

Isang gabi ay nag-alok si Nelson na sunduin sa opisina at ihatid sa kanilang bahay si Amanda. Kahit na patuloy ang pagtanggi ng dalaga ay nagpunta pa rin si Nelson.

“Sabi ko naman sa iyo ay h’wag mo na akong sunduin, Nelson,” tila naiinis na sambit ng dalaga.

“Huli na ito, Amanda. Gusto lang kita makausap. Pangako, pagkatapos nito ay hindi nakita guguluhin pa,” saad naman ni Nelson.

Dahil sa pangako ay napapayag na din ang dalaga na sumama sa kaniya. Ngunit ang akala niyang pag-uusap lamang ay malayo sa balak ni Nelson.

“Saan mo ako dadalhin, Nelson? Hindi ito ang daan pauwi sa bahay namin,” nangangambat wika ni Amanda.

“Ako ang bahala sa iyo, Amanda. Tumahimik ka na lang diyan!” sambit naman ni Nelson.

Dahil sa takot ay pilit lumalabas ng sasakyan si Amanda. Sandaling inihinto ng binata ang sasakyan at saka niya pinatulog si Amanda gamit ang isang panyong may pampatulog. Nang mawalan ng malay ang dalaga ay agad niya itong iniuwi sa kaniyang bahay at doon ay pinagsamantalahan.

Pagkagising ni Amanda kinabukasan ay wala na siyang samplot. Poot ang naramdaman niya sa binata. Nais man niyang magsumbong sa mga pulis ay tinakot siya ni Nelson na ipapakalat ang mga hubad na larawan at babaligtarin ang kaniyang kwento.

“Ano ba ang hindi mo kayang mahalin sa akin, Amanda? Pananagutan kita! Kaya kitang buhayin basta pakasalan mo lang ako,” alok ng binata.

Kahit na ayaw ni Amanda sa alok ni Nelson ay wala na siyang magagawa. Natatakot siya sa kung ano ang p’wedeng magawa nito sa kaniya at sa kaniyang pamilya.

Naging opisyal ngang naging magkasintahan ang dalawa.

“Tingnan mo, pare! Sinabi ko na sa iyo, mapapasa-akin din ang babaeng iyan!” sambit ni Nelson sa kaibigan na si Wally.

“Pero totoo naman talaga ang pagmamahal mo kay Amanda, hindi ba?” tanong ng kaibigan.

“Oo, pare. Pero hindi naman niya ako basta mapipigilan at mababago. Alam mo na ‘yun. Lalaki tayo!” saad ng binata.

Dahil palaging magkasama at ipinapakita ni Nelson na espesyal ang dalaga sa kaniya ay tuluyan na ring nahulog ang loob ni Amanda dito. Hindi nagtagal ay nagpakasal na rin ang dalawa. Ayos naman ang naging unang bahagi ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa ngunit dahil likas nga na babaero itong si Nelson ay hindi niya magawang si Amanda lamang ang babae sa kaniyang buhay.

Ubod ng sakit para kay Amanda nang malaman niya ang mga panlolokong ginawa sa kaniya ni Nelson.

“Nangako ka sa akin, Nelson. Sabi mo sa akin ay ako lang. Kaya kahit na pinagsamantalahan mo lamang ako ay pinag-aralan kitang mahalin sa pag-aakalang ako nga lang ang mamahalin mo! Ano itong ginagawa mo sa akin?” sigaw ni Amanda sa asawa.

“Magtigil ka, Amanda! Sa tingin mo ay makukuntento ako sa isang babaeng kagaya mo na hindi man lamang maibigay ang pangangailangan ko bilang isang lalaki? Mas madaming babaeng handang gawin ang lahat para sa akin! Kung ginagawa mo ang mga gusto ko ay hindi tayo hahantong sa ganito!” sumbat ni Nelson.

“Wala ka talagang kwentang lalaki. Alam ko na kung bakit nahihirapan ako na mahalin ka. Dahil sa sama ng ugali mo!” sambit naman ng misis nito.

Dahil sa narinig ni Nelson ay hindi na niya naiwasan pang pagbuhatan ng kamay si Amanda. Kahit na sumisigaw na sa sakit na tinatamo ang kaniyang misis ay tila wala na itong naririnig at tuluyan nang nagdilim ang kaniyang paningin sa asawa.

“Ayan ang bagay sa iyo! Sa susunod na pagsalitaan mo pa ako ng hindi maganda ay higit pa sa gulpi na iyan ang matatamo mo!” saad ni Nelson sa kaniya.

Lubusang nagsisisi si Amanda sa puntong iyon kung bakit hindi na lamang niya ginawa noon ang tama at sinumbong na lamang niya si Nelson sa aworidad nang siya ay pagsamantalahan. Hindi siya makapaniwala na hinayaan pa niyang magkabaligtad ang kanilang mundo at pinag-aralan pa niya itong mahalin.

Hindi lamang sa pagkakataon na iyon natigil ang pananakit ni Nelson kay Amanda. Sa tuwing tumatanggi ito sa nakipagsiping sa kaniya at gumawa ng mga malalasw@ng pinapagawa ng asawa ay bugb*g sa kaniyang katawan ang kaniyang inaabot.

Hanggang isang araw ay hindi na nakatiis pa si Amanda sa ginagawa sa kaniya ng kaniyang mister. Kinuhaan niya ng video ang lahat ng pangyayari at saka niya ito ibinigay sa isang kaanak upang ibigay sa mga awtoridad.

Pagkakita ng mga pulis sa bidyo ay agad na gumawa sila ng hakbang upang madakip ang lalaki.

“Tandaan mo ang araw na ito, Amanda. Hindi ko hahayaan na mabuhay ka nang maligaya habang ako ay nakakulong sa bilangguan. Babalikan kita!” pananakot ni Nelson sa misis niya.

“Hindi na ako natatakot sa iyo, Nelson. Gawin mo na ang lahat ng gusto mong gawin, wala na akong pakialam. Pero hindi ko na hahayaan na mangyari pa ang una kong pagkakamali na pinili kong magpasakop sa iyo! Mula sa araw na ito ay hindi mo na ako masasaktan pa sapagkat hindi ko na hahayaan na maging bahagi ka ng buhay ko! Mabulok ka sana sa bilangguan!” matapang na sambit ni Amanda.

Simula noon ay hindi na hinayaan pa ni Amanda na mabuhay siya sa nakaraan. Pilit niyang ibinangon ang sarili sa lahat ng kaniyang mga dinanas. Ngayon ay matapang na siyang hinaharap ang bukas ng buong pag-asa.

Advertisement