
Nagulat ang Dalaga nang Makita ang Walang Saplot na Larawan Niya sa Art Exhibit ng Isang Guwapo at Sikat na Pintor; Tila Panaginip Lamang ang Lahat
Bata pa lamang si Anya ay mahilig na siyang gumuhit. Suportado naman siya ng kaniyang mga magulang sa kaniyang pagkahumaling sa sining.
Kaya’t nang makapagtapos ng kolehiyo sa kursong Fine Arts ay agad siyang tumungo sa London upang mas muling mag-aral ng sining.
“Girl, excited na ako! Balita ko pa’y makikilala natin si Sir Paul de Luna. Nakita mo ba yong FB niya? My gosh, sobrang gwapo at lalaking-lalaki ang aura. Feeling ko daks yon!” malanding wika ni Nikki, ang kaniyang bestfriend.
“Tumigil ka nga! ‘Di ko naman trip ang genre niya! Masyadong pang-adult ang artwork niya,” naiiritang tugon ni Anya.
“Naku, pabirhen ka na naman. 23 na tayo. Palibhasa masyado kang na-baby nila tita. If I know, lalabas yang wild side mo pag nakilala mo na ang lalaking makakatapat mo,” nanunuksong sagot ni Nikki.
Sa kanilang magbabarkada’y si Anya lamang ang mahinhin at mala-Maria Clara. No boyfriend since birth ito kahit pa maraming lalaki ang nagkakandarapa sa kaniya.
Sa kabilang banda nama’y busyng-busy ang binatang si Paul sa kaniyang grand masterpiece.
Ito ang babaeng pirme niyang nakikita at nakakasama sa kaniyang mga panaginip sa loob ng limang taon.
Pakiramdam niya’y kilalang-kilala na niya ang babae.
Dahil dito’y natutunan niyang tumino at itinigil ang noo’y talamak na pambababae.
Pinapayuhan na siya ng mga kabarkada na magpatingin sa isang dalubhasa sapagkat tingin nila’y may sakit na siya sa pag-iisip ngunit halakhak lamang ang tugon ni Paul sa mga ito.
Naantala ang kapayapaan ni Paul nang biglang tumunog ang doorbell.”Hi babe, did you miss me?” sabay inundayan siya ng mainit na halik sa labi ng dating nobyang si Pamela.
Agad namang tinulak ni Paul ang dalaga at pinakiusapang umalis na.“Grabe ka naman sa akin. Samantalang dati’y sa pintuan pa lang ay kung saan-saan na dumadapo ang malilikot mong mga kamay,” nang-aakit na sagot ng magandang dalaga. Nakasuot pa ito ng napakaiksing damit at bakat na bakat ang dibdib nito, tila wala pa itong suot na bra.
Bigla namang pumasok ng walang pahintulot ang dalaga. Tumambad sa kaniya ang masterpiece ng binata. Wala pa ang mga detalye ng mukha ng babae sa painting ngunit tapos na ang nakaguhit na katawan nito. May malulusog na dibdib, napakaliit ng bewang nito at malapad ang balakang.
“Hmmm… Sino naman ‘yan, babe? Huwag mong sabihing iyan na naman ang bruhang babae sa panaginip mo?!” selosa na selos na tanong ni Pam.
“Umalis ka na, Pam! Hindi mo ito puwedeng makita. Magagalit sa akin ang agency ko! Surprise masterpiece ito,” galit na ang tinig ng binata.
Nagulat naman si Pam at agad lumabas ng pinto. Noon niya lamang nakitang nagalit si Paul. Lalo namang nagpuyos sa galit ang babae dahil sa pagseselos.
Mabilis na lumipas ang mga araw at ito na ang pinakahihintay na pagkakataon ni Paul upang maipakita sa buong mundo ang anyo ng babaeng pinakamamahal niya.
Ang pamagat ng kaniyang artwork ay “Unconditional Love”. Ang mensahe ng kaniyang masterpiece ay kaugnay ng kaniyang panaginip. Alam niyang hindi masusuklian ng babaeng laman ng kaniyang mga panaginip ang pagmamahal niya rito sapagkat hindi naman ito totoong tao ngunit gayunpaman ay mamahalin niya ito kahit walang kapalit.
“Bilisan mo! Late na late na tayo!” natatarantang usad ni Nikki sa kaibigan.
“Mauna ka na kung gusto mo! Tinatamad talaga ako. Huwag na lang kaya akong sumama?” sagot ni Anya habang hinihila pababa ang suot na maiksing damit.
Hindi masabi ni Anya sa kaibigan ang kaniyang pinakatinatagong lihim. Malimit niya kasing napapanaginipan ang binatang binanggit nito. Sa katunaya’y may lihim siyang pagtingin dito ngunit alam niya namang may nobya na ito.
“Ngayon na nga lang kita naayusan sa tagal nating magkaibigan! Tapos ay aatras ka pa?!” napipikon nang pangngangarag ni Nikki.
“Bakit ba kasi kailangang magsuot ng ganito? Sasama ako pero magpapalit ako ng pants at long sleeves!” mataray na tugon ng mahinhing dalaga.
Padabog na lumabas ng pinto si Nikki. Masama na ang loob nito sa kaibigan. Nakalimutan nito ang kaniyang kaarawan.
Iyon din ang dahilan kaya’t pinilit niyang ayusan ito dahil pagkatapos ng art exhibit ay gigimik sila.
Napatulala si Anya sa inasta ng kaibigan, pagkita niya sa nakasaradong pinto’y nakabilog ang January 23 sa kalendaryong nakasabit dito. “My 24th birthday!”
“Sh*t! You’re so stupid, Anya!” sermon niya sa sarili.
Agad siyang lumabas ng pinto at mabilis na tumakbo. Sa pagmamadali niya’y nakalimutan niyang bitbitin ang kaniyang blazer.
Hubog na hubog ang napakagandang korte ng katawan ng dalaga.
Habang nasa sasakyan ay nauwi sa halakhakan ang kaunting tampuhan ng magkaibigan.
“B*ld star lang ang peg?!” pang-aasar ni Nikki.
Nang papasok na sa art exhibit ay takang-taka ang magkaibigan. Lahat ng mga taong dinaraanan nila ay pinagtitinginan sila at pinagbubulongan.
“Hi, puwede bang isuot mo ito?”
Nanigas sa kaba si Anya nang marinig ang isang pamilyar na boses.
Isang boses na sa panaginip niya lamang naririnig.
Ang lalaking pinakamamahal niya. Ang dahilan kung bakit kahit kailan ay hindi siya tumanggap ng manliligaw.
“How dare you!” sa biglang pagdating ni Pam ay sinalubong agad nito ng malakas na sampal ang dalaga.
Hilong-hilo ang dalaga sa lakas ng sampal na iyon at dahil hindi sanay sa suot na high heels ay nawalan ito ng balanse.
Agad naman siyang sinalo ng matitigas na bisig ni Paul.
Tila huminto ang ikot ng kaniyang mundo. At gayundin si Paul.
Ang babaeng inakala niya na sa panaginip niya lamang makakapiling ay nakakulong na sa kaniyang bisig.
Lalo namang nagalit si Pam sa nakita.
“Hep hep! Manahimik ka! Bestfriend ko si Anya! Nabasa ko lahat sa diary niya ang love story nila na pag nalaman mo girl eh lalo lang manginginig sa galit! DESTINY!!! And once and for all, alam ng lahat ng followers ni Sir Paul na single na siya 5 years ago pa! Ano’ng karapatan mo, girl? You’re such a pity!”
Akmang sasabunutan ni Pam si Nikki ngunit agad itong dinampot ng mga guwardiya. Lalong nanigas at di nakakilos si Anya nang itayo siya ni Paul at makita ang masterpiece nito.
Bawat detalye sa painting ng binata ay siyang-siya. Hindi makapaniwala ang dalaga sa nalaman.
Simula ng araw na iyon ay hindi na mapaghiwalay ang dalawa.
Pinagpyestahan sa buong mundo ang kanilang love story.
At dahil nga konserbatibong babae si Anya ay inalok ito ng kasal ni Paul.
Niloloko pa sila ni Nikki, wala na raw nangyaring ligawan at diretso kasal na ang alok ng binata.
“Alam na alam mo naman na ang love story namin dahil pakialamera ka!” pabirong banat ni Anya sa kaibigan.
Umuwi sila ng Pilipinas upang humingi ng basbas mula sa mga magulang ng dalaga.
Botong-boto naman ang mga magulang nila sa isat-isa.
Ang pag-ibig ay sadyang mahiwaga! Talaga namang ang magmahal at ang mahalin pabalik ang pinakamasarap na pakiramdam sa buong mundo.