Natuklasan ng Guro ang Kahayupang Ginagawa ng Tatay sa Kaniyang Mag-aaral na Babae; Nagulat Siya sa Dahilan Nito
“Maymay, maupo ka rito. Halika.”
Malumanay na pinaupo ni Celine, 25 taong gulang, isang gurong tagapayo at nagtuturo sa elementarya, ang kaniyang mag-aaral na si Maymay. Siya ay Grade 2 pa lamang, at madalas ay may napapansing mga kakaibang kilos si Celine sa mag-aaral niyang iyon.
Ito ang unang beses na tinawag niya ang kaniyang mag-aaral upang kausapin ito nang masinsinan. Kakatwa ang katahimikan ni Maymay sa klase, bagay na napansin na niya sa pagsisimula pa lamang ng kanilang klase.
At ngayon nga, inireklamo si Maymay ng kaniyang katabi sa upuan, na isang lalaki. Hinawakan daw nito at pinisil-pisil ang m@selang bahagi ng katawan nito, ang ari nito. Gulat na gulat si Celine sa ginawa ni Maymay.
“Maymay, alam mo bang masama ang ginawa mo kanina? Hindi dapat tayo basta-basta nanghahawak ng bahagi ng katawan ng ating kapwa, kaibigan man natin o hindi kakilala, lalo na kung wala tayong permiso. Lalo na kapag m@selang bahagi ito,”mahinahong paliwanag ni Celine.
Nakatungo lamang si Maymay.
“Ayoko nang maulit ang nangyaring ito, ha?”
“Bakit po sabi ng Tatay ko, ayos lang daw po iyon?”
Nagitla si Celine sa sinabi ni Maymay.
“A-Ano kamo? Bakit naman nasabi ng Tatay mo na ayos lang na gawin iyon? Sinabi ba niya talaga iyon?”
Tumango-tango si Maymay.
Uusisain pa sana ni Celine ang bata subalit tumunog na ang bell. Kailangan nang bumalik ni Maymay sa klase, at kailangan na ring magturo ni Celine.
Habang nagtuturo si Celine, hindi maalis-alis sa kaniyang isipan ang mga sinabi ni Maymay hinggil sa kaniyang tatay. Agad niya itong sinabi sa Grade Level Chairman.
“Tutukan mo nga ang batang iyan. Medyo nakakabagabag nga ang mga sinabi niya. Baka kung ano-ano na ang tinuturo ng tatay sa kaniyang anak,” saad ng Grade Level Chairman matapos ilahad ni Celine ang naturang insidente. Kailangan din niya itong itala sa anecdotal record ng bata.
Pagdating sa bahay, pinag-aralan ni Celine ang profile ni Maymay. Lumalabas sa kaniyang tala na isang OFW pala ang nanay nito, at ang tatay lamang nito ang nasa bahay. Nag-iisang anak lamang si Maymay. Walang trabaho sa kasalukuyan ang tatay. Dati itong ministro sa isang kulto o sektang panrelihiyon noong binata pa ito.
Nang gabing iyon ay hindi makatulog si Celine. May kakaiba siyang kutob hinggil kay Maymay at sa tatay nito. Hanggang sa nakatulugan na niya ang pag-iisip.
Kinabukasan, muli niyang kinausap nang masinsinan si Maymay, lalo na’t napansin niyang may tila mga galos ito sa bisig.
“Maymay, napaano ang bisig mo? Saan mo nakuha ang mga galos na iyan?”
Nangingimi ang bata, hindi makatingin nang diretso.
“Huwag kang matakot Maymay. Sabihin mo sa akin. Sino ang gumawa nito sa iyo?”
Maya-maya, unti-unti nang bumuhos ang luha sa mga mata ni Maymay.
“S-Si Tatay po. Umayaw po kasi ako sa gusto niya.”
“Ano bang inayawan mo na gusto niyang gawin sa iyo?”
“Magpraktis po.”
“Praktis ng ano?”
“Maging asawa po. Sabi po ni Tatay, kailangan daw po habang bata pa ‘ko magpraktis na raw po ako maging asawa, para daw po kapag dalaga na ‘ko, alam ko na po ang gagawin.”
Nanindig ang mga balahibo ni Celine sa mga pahayag ni Maymay.
At isinalaysay na nito ang mga ginagawa sa kaniya ng tatay, na dapat ay ginagawa lamang ng mag-asawa. Inukilkil sa isipan ni Maymay na talagang mga tatay ang dapat na magturo niyon sa mga anak nilang babae. Kaya naman, buong akala ni Maymay, normal lamang ang mga kal*swaang ginagawa ng kaniyang tatay sa kaniya.
Hindi na pinalagpas ni Celine ang araw na iyon. Kailangan niyang iligtas si Maymay mula sa pananamantala ng mismong ama nito. Agad niyang sinabi ito sa kaniyang Grade Level Chairman, at pagkaraan ay dumiretso na sila sa punungguro.
Nakipag-ugnayan naman ang pamunuan ng paaralan sa nanay ni Maymay sa ibang bansa at ipinagtapat dito ang mga isiniwalat ni Maymay. Nakiusap ang nanay ni Maymay na huwag pauwiin ang anak sa kaniyang mister, at isailalim muna sa kustodiya ng paaralan.
Gayon na nga ang nangyari. Ipina-blotter ni Celine at ng kaniyang mga nakatataas ang tatay ni Maymay, hanggang sa ito ay dakpin. Kinasuhan siya ng mismong nanay ni Maymay, at batay sa mga testimonya at pagsusuring medikal kay Maymay ay may nangyari nga rito.
Napatunayang may sala ang tatay ni Maymay at napiit ito ng hahambuhay na pagkakabilanggo. Tuluyan namang umuwi na sa Pilipinas ang nanay ni Maymay upang alagaan at makasama na ito. Dumaan naman sa child psychologist si Maymay upang hindi ito magkaroon ng masamang epekto sa kaniyang paglaki.