Nagtataka ang Dalagang Ito sa Biglaang Pagsikat ng Kaibigan; May Ginagawa Pala Ito sa Harap ng Kamera

Nagtataka ang Dalagang Ito sa Biglaang Pagsikat ng Kaibigan; May Ginagawa Pala Ito sa Harap ng Kamera

InspiringMysteryStories

“Hoy, Lyka, ano bang sikreto mo, ha? Bakit sikat na sikat ka sa social media? Kapag nababanggit ko pa ang pangalan mo sa mga pinsan kong lalaki, tuwang-tuwa sila at tila ba hindi magkamayaw!” sambit ni Nelia sa matalik na kaibigan habang sila’y sabay na naglakakad patungong eskwela at panay ang titig ng mga kalalakihan dito. 

“Ganoon talaga kapag maganda, Nelia, nagtaka ka pa!” patawa-tawang wika nito habang winawagayway ang mahaba at tuwid na buhok. 

“Alam ko namang maganda ka, pero ano ba ‘yong sinasabi nilang dapat kong malaman at makita para mas makilala raw kita? Dali na, sabihin mo na sa akin! Para namang hindi mo ako kaibigan, eh!” pagpupumilit niya rito saka niya ito inakbayan. 

“Gusto mo ba talagang malaman? Baka hindi mo na ako kaibiganin kapag nalaman mo ang tunay na dahilan!” pag-aalinlangan nito na ikinatawa niya. 

“Malabo ‘yon! Baka nga, gayahin pa kita dahil gustong-gusto kong pinagkakaguluhan ng mga kalalakihan!” wika niya pa na ikinatawa nito. 

“O, sige, mamaya, pagkatapos ng ating klase, sumama ka sa akin sa bahay namin. Ituturo ko sa’yo ang ginagawa ko para pag-usapan ka rin ng mga kalalakihan!” tugon nito na labis niyang kinasabikan dahilan para siya’y mapatalon-talon sa tuwa. 

Labis na nagtataka ang dalagang si Nelia sa biglaang pagsikat ng kaniyang kaibigan hindi lang sa kanilang paaralan, kung hindi pati na rin sa social media. 

Kung dati ay palagi lamang silang tahimik na naglalakad papasok at pauwi ng paaralan, ngayon, kung hindi may kumukuha ng litrato rito, may mga lalaking nagkakagulo para lamang makita ito nang malapitan. 

Gustong-gusto niya ng atensyong nakukuha ng kaniyang kaibigan mula sa mga kalalakihan sa kanilang paaralan kaya naman hindi niya ito hinahayaang panatilihin ang sikreto nitong nais niyang nalaman upang makuha niya rin ang atensyon ng mga lalaki. 

Nang araw na iyon, pagkatapos ng kanilang klase, agad niyang hinila pauwi ang kaniyang kaibigan at katulad ng pangako nito, sinama nga siya nito sa bahay nito. 

Ngunit lalo niyang pinagtaka ang mga sinasabi ng mga kalalakihang kanilang nakakasalubong. 

“Nelia, magbibidyo ka ba ulit maya maya? Galingan mo, ha?” wika ng isa sa pinakasikat na binata sa kanilang eskwelahan na paulit-ulit tumakbo sa isip niya. 

Pagkarating nila sa bahay ng dalaga, agad itong naghub*d at nagpalit ng sexy na damit. Humarap ito sa selpon at nagsimula na itong kumausap ng mga lalaking nanunuod sa live video nito sa social media. 

“Ito ang dahilan ng pagsikat mo?” paninigurado niya. 

“Oo, gagawin mo lang kung anong ipag-uutos nila at bibigyan ka nila ng pera. Sandali, pinaghuhub*d niya ako ng pang-itaas, bibigyan niya raw ako ng isang libo,” nakangiting wika nito. 

“Hoy! Huwag mong gawin ‘yan!” saway niya na ikinagalit nito. 

“Ano ka ba? Huwag ka ngang magulo! Ito ang dahilan ng pagsikat at pagyaman ko, huwag mo akong pakialamanan! Kung naiinggit ka, halika, ibibida kita ngayong gabi!” sambit nito saka siya hinila sa harap ng kamera dahilan para siya’y labis na magtakip ng mukha at pumalag upang huwag makita ang kaniyang hinaharap. 

Hihinga-hinga siyang naupo sa kama ng kaibigan matapos siyang makawala rito. Pinanunuod niya itong kumakausap ng iba’t ibang lalaki habang binababoy ang sarili dahilan upang siya’y unti-unting maiyak sa sitwasyong kinalalagyan nito.

“Hindi ko gugustuhing sumikat sa ganitong paraan. Kawawa naman ang kaibigan ko, para sa pera at kasikatan, binebenta niya ang katawan niya,” wika niya saka ito kinuhanan ng bidyo upang ipakita sa mga magulang nito, “Pasensya ka na, alam kong magagalit ka sa akin pero hindi ito tama, Lyka,” bulong niya saka ito agad na pinadala sa mga magulang nitong nasa labas lamang ng naturang silid. 

Nang matanggap ito ng ama ng kaniyang kaibigan, agad itong pumasok sa silid at ito’y pinagsuot ng damit. Agad siyang humingi ng tawad nang umpisahan itong sermunan at ganoon na lang ito nagalit sa kaniya. 

“Sadyang may inggit ka ba talaga sa akin?!” galit na tanong nito sa kaniya. 

“Wala, Lyka, gusto ko lang matuldukan ang mali mong ginagawa,” mangiyakngiyak niyang sagot. 

“Tumahimik ka riyan! Hindi ka muna lalabas ng isang buwan! Nakakadiri kang bata ka!” saway ng tatay nito saka agad na kinumpiska ang selpon nito. 

Iyon na ang huling pag-uusap nila ng kaibigan niyang iyon. Ganoon pa man, wala siyang pinagsisihan kahit na kaunti dahil alam niyang tama ang ginawa niya. 

Napagtanto niya ring hindi niya kailangang sumikat o maani ang atensyon ng iba, lalo na sa maling paraan.

More Stories