Iba ang Tama ng Lalaki sa Syota na Bigla na Lamang Naglahong Parang Bula, May Itinatago Pala Itong Malaking Sikreto
“I love you, Gel! Ang ganda-ganda mo talaga! Napaka-sexy pa. Higit sa lahat, napaka-bait at maalaga pa. Pangako, hindi kita iiwan kahit na anong mangyari!” yan ang sabi ni Jim sa nobya n’yang si Gel.
Nagkakilala sila sa restaurant na pinagtatrabahuhan ng dalaga bilang isang waitress. Unang beses pa lamang nakita ni Jim si Gel, nabighani siya sa taglay nitong ganda at alindog. Matangkad na babae, maputi, binting maputi at makinis, naglalakihang dibdib at pwet, at higit sa lahat ay ang mukha nitong parang inukit ng pintor sa sobrang pagka-perpekto. Kaya’t nang mapasagot ni Jim si Gel matapos ang halos 3 buwan na panliligaw, pangako ni Jim sa sarili na hindi na pakakawalan ang dilag.
Naghahanda na si Jim sa kanilang nalalapit na 6th monthsary. Magkakalahating taon na sila ni Gel kaya’t naisip niya na iparamdam sa kanyang kasintahan ang kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng isang romantikong dinner sa isang 5-star hotel sa Maynila. Hindi problema kay Jim ang pera sapagkat siya ay kilala at matagumpay na businessman. Nagbook siya ng isang buong araw sa hotel para surpresahin ang nobya.
Dumating ang araw ng kanilang 6th monthsary. Ang alam lang ni Gel ay kakain sila sa isang restaurant bilang selebrasyon.
Tinawagan ni Jim si Gel, “Babe, saan ka na? 7pm ha. Jack’s Restaurant. Sa paborito mo, syempre!”
Sagot naman ni Gel, “Yes babe I’ll be there. May appointment lang ako sa Doctor ko, pero 7pm promise hindi ako male-late.”
“Doctor? Bakit? May sakit ka ba? Ok lang ba ang baby ko?”
“Ok lang ako babe. Uhmm… May ano lang. Basta may ipapaayos lang ako. Wag ka mag-alala, magkikita na tayo mamaya. Ok? I love you!”
“Sure ka ha. Sige. Susunduin na lang kita d’yan. Saan bang hospital ‘yan?”
“Ha?? Nako. Wag na Jim, please. Di na kailangan. Kaya ko na. Magtataxi na lang ako. Please?”
“O sige. Bakit ba ayaw mong sabihin? Sige na nga. Ayoko masira itong araw natin. I love you too.”
Nagtataka si Jim kung bakit ganoon ang tono sa boses ng kanyang nobya kahit normal naman na sinusundo niya ito noon. Pero dahil ayaw niya ngang masira ang araw dahil sa simpleng bagay, hinayaan niya na lamang ito at nagpatuloy sa pag-aayos ng kwarto.
Pagbaba ng taxi ni Gel, sumalubong sa kanya si Jim na may dalang isang piraso ng pulang rosas.
“Babe, happy 6th monthsary. I love you so much!” Nakangiti namang tinanggap ni Gel ang bulaklak, sabay bati rin sa kanyang nobyo. “Pero babe, hindi na pala tayo dito magdidinner. Kasi ang dami raw palang nagpareserve. At di ako nakatawag sa kanila kanina. Sorry babe. Pero may alam akong lugar. Maganda dun. At may space pa para sa’tin, tara?” Kunwaring panlulumo ni Jim, dahil dadalhin na niya si Gel sa hotel upang sorpresahin na ito.
Pagdating nila sa hotel, “O babe akala ko ba restaurant?” Nakangiti lang si Jim habang hinihila ang nobya papuntang elevator. “Basta. Magugustuhan mo ‘to.” Pagbukas nila ng kwarto, nakita ni Gel lahat ng effort ni Jim. Puno ng bulaklak ang buong paligid, nasa gitna ng kwarto ang isang dining table na naiilawan ng kandila, at puno ng lahat ng paboritong pagkain ni Gel. Inabot din ni Jim ang isang bouqet ng sunflower, ang paboritong bulaklak ni Gel. “Akala ko nakalimutan mong eto ang paborito kong bulaklak e. Ikaw talaga! Puro ka surpresa! Thank you babe!” Mangiyak ngiyak na sambit ni Gel habang inaakay sya paupo sa dining table.
Matapos nilang kumain ay ininom na nila ang mamahaling wine na nasa mesa. Dahil sa sobrang pag-eenjoy nila sa kanilang kwentuhan, di namalayan ni Jim na nasobrahan na siya sa pag-inom. Lumapit siya kay Gel at hinalikan ito. Nagulat si Gel dahil habang hinahalikan siya ni Jim, ay nararamdam nya ang kamay nito na binababa ang zipper ng kanyang dress. Noong una ay ayaw pigilan ni Gel si Jim. Ngunit nang mapaisip siya sa kanyang kondisyon, bigla siyang bumalikwas ng tayo at sinigawan si Jim.
“Ano ba?! Anong ginagawa mo? Tama ba ‘to?! Kaya mo ba ako niyaya dito?!” Galit na sabi ni Gel.
Biglang natauhan si Jim at agad na tumayo, at pilit na kinukuha ang kamay ni Gel. “Babe, sorry! Nadala lang ako. Nasobrahan na ata ako sa alak. Akala ko kasi ayos lang, total kalahating taon na rin tayo. I’m sorry… Akala ko kasi…”
“Akala mo lang yun! Bahala ka diyan! Mag monthsary ka mag-isa mo!” Sabay kuha ng kanyang bag at tumakbo paalis ng kwarto. Galit na galit si Jim sa sarili at gustong habulin si Gel, ngunit naisip niyang hayaan muna ang nobya dahil baka gusto nitong mapag-isa.
Lumipas ang dalawang araw, hindi sumasagot si Gel sa lahat ng tawag at texts ni Jim. Hindi na alam ni Jim ang gagawin nya. Bigla niyang napagtanto na wala pala siyang kilala ni isa sa mga kaibigan o kamag-anak ni Gel. Sa sobrang kalungkutan, naisipan niyang tawagan ang kanyang kabarkadang si Gino.
“Pre! San ka? Di pa rin ako sinasagot ni Gel. Pinuntahan ko na siya sa trabaho, pero pre wala siya dun. Sabi ng mga kasamahan niya nag leave daw. Pumunta ako sa apartment nya, walang tao. Di ko na alam Pre. Baka kung ano na ang nangyari sa kanya. Di ko kaya mawala siya.”
“Ano ka ba? Babae lang yan. Isang bucket ng beer lang katapat nyan! Tara sa dati nating spot. Sagot ko na. Ako bahala sayo.”
Dahil kailangan ni Jim ng kausap, nakipagkita siya kay Gino.
“Pre bakit ganon? Parang palagi siyang iwas na iwas na may mangyari samin. Ngayon, dahil sa nangyari, di na niya ako pinapansin. Di ko na alam gagawin ko!”
“May mga ganyan talagang babae. E kung gusto mo talaga siya, makakaintay ka. Pero pre ano ka ba. Ang dami-daming iba d’yan. Nasaan na ang Jim na matinik sa chicks na kilala ko?”
“Pre naman. Alam mo namang nagbago na ako nang makilala ko siya. Iba yung pag-aalaga niya sakin. Iba siya magmahal. Napakabait, magalang, marespeto. Lahat ng katangian na akala ko e pangarap na lang, nasa kanya na.”
“E pre baka may tinatago? Sabi mo kahit magulang nya di mo pa nakikilala? Nako nako pre. Ingat ingat. Baka kriminal pala yang si Gel. O kaya naman dating bakla, nako may lawit! Hahaha! O di naman kaya may asawa na pala?”
“Siraulo ka, Gino! Kung ano ano iniisip mo! Uminom ka na nga lang. Uuwi na ako pagkatapos nito.”
Kinabukasan, nagising si Jim na may hangover. Iniisip niya pa rin si Gel at kung nasaan na ang nobya nya. Tinawagan nya uli si Gel sa pag aasam na baka sumagot na ito. Isa, dalawa, tatlo, apat… Ilang beses ngunit wala pa rin. Ngunit maya maya, may unknown number na tumatawag sa kanya.
“Hello?”
“Hello, sino ito?”
“Uhm, ano, kaibigan ako ni Gel.”
“Ha? Nasaan si Gel? Ilang araw ko na siyang tinatawagan! Ano na nangyari sa kanya?”
“Maayos lang si Gel, wag ka mag-alala sa kanya. Pero kailangan natin magkita. May kailangan kang malaman, hindi pwedeng sa telepono natin to pag-usapan.”
Agad agad pumayag si Jim. Gulong gulo na siya sa kung ano ang nangyayari.
Pagdating ni Jim sa meeting place, may lumapit sa kanyang isang babae. “Hi, Jim? Tara maupo muna tayo. Mayroon kang mahalagang dapat malaman.”
Naupo sila at nagusap.
“Nasaan si Gel? Ano ang nangyayari? Bakit ikaw ang nakikipagusap sakin?”
“Ayos lang siya. Sa totoo lang, hindi niya alam na makikipagkita ako sayo. Hirap na hirap na akong makita si Gel na umiiyak gabi gabi dahil di niya ito masabi sayo.”
“Ang alin ba??? May iba na ba siya?! Sabihin mo na. Wag mo na itong pahabain!”
“Jim, si Gel…”
“Ano nga??? Wala akong oras makipaghulaan sayo! Utang na loob!”
“Dati na kayong magkakilala…”
“Ha? Anong sinasabi mo?
“Baka di mo na siya naaalala. Pero bata pa lang kayo, kilala mo na siya. Maraming pagbabago ang nangyari sa kanya, malaki at marami… Kaya hindi nya magawang ipakilala sayo ang mga kaibigan at pamilya niya, kaya hindi niya kayang ibigay sayo ng buo ang sarili niya…”
“Ha? Hindi ko maintindihan… Sigurado akong di ko siya kilala noong bata ako…”
“Naaalala mo ba si Rogelio?”
“O, anong meron dun? Yung baklang anak ng kapitbahay namin noon? Anong kinalaman niya dito? Sinasayang mo ba oras ko?”
“Jim… Si Rogelio… Siya si Gel…”
“Siraulo ka ba? Ano ba ito??? Scam? Aalis na ako!”
“Ayan Jim. Sige umalis ka. Tutal ayan ang dahilan kung bakit ayaw nang makipagkita ni Gel sa’yo. Alam niyang ganyan ang magiging reaksyon mo pag nalaman mo ang katotohanan. Sabi niya sakin, sabi mo sa kanya hinding hindi mo siya iiwan kahit anong mangyari. Pero ngayong alam mo na ang totoo, sige, ikaw na ang kumausap kay Gel. Tapos na ang tungkulin ko. Ayaw ko nang mahirapan siyang magtago sa’yo.”
Umalis na si Jim, galit na galit, at gulong gulo. Umiiyak siyang sumakay sa kanyang sasakyan, habang kinakausap ang sarili at inaalala ang lahat lahat.
“Kaya pala?! Kaya siya iwas na iwas sa akin kapag nagiging intimate kami? Dahil ano? Ayaw niyang makita ko kung ano ang nasa ilalim ng damit nya?! Si Rogelio??? Yung batang lagi namin niloloko noon dahil sa pagiging bakla, siya si Gel?? Si Gel na babaeng minahal ko ng sobra sobra?! Bakit ganito, Diyos ko?! Nagmahal ako ng bakla?!”
Umuwi na si Jim sa kanyang bahay at nagbukas ng beer. Hawak ang kanyang cellphone, tinitingnan niya lahat ng mga memories nila si Gel. Habang umiiyak, inisip niyang tawagan si Gel para itanong kung totoo ba lahat ng iyon. At sa wakas ay sumagot sa tawag si Gel.
“Gel. Rogelio. Gel. Rogelio. Bakit mo ako niloko?”
“Jim? Lasing ka ba?”
“Ano naman? Niloko mo pa rin ako!”
“Kaya nga itigil na natin ‘to. Alam kong di mo kayang magmahal ng gaya kong transgender.”
“Pero bakit, Gel? Bakit?”
“Tama na. I’m so sorry. Mahal na mahal kita, Jim. Paalam.”
“Gel. Gel! Gel!”
Ngunit binababa na ni Gel ang tawag. Uminom pa nang uminom si Jim upang makalimot sa lahat.
Kinabukasan, nagising si Jim na parang may kulang pa rin sa kanyang buhay. Pero alam niya sa sarili niyang di niya kayang magmahal ng kapwa lalaki. Kaya’t nagpatuloy siya sa kanyang sariling buhay.
Dalawang buwan ang lumipas, ngunit lalo lamang nangulila si Jim sa pagmamahal at alaga ni Gel. Naisipan niyang umuwi sa kaniyang mga magulang. Kinwento niya ang lahat at nanghingi ng payo.
“Ma, anong gagawin ko? Mahal na mahal ko pa rin siya. Pero bakla siya!”
“Jim! Ano ka ba! Pinalaki ba kitang ganyan?! Sinabi ko na sa iyo noon pa, bago ka pa man umalis ng bahay na ito. Na ang pag-ibig, wala iyan sa itsura, sa kasarian, o sa kung ano pang bagay na nakikita mo. Matatagpuan ‘yan sa puso. At kung sinasabi mong napapasaya ka niya, at napabago at napaganda nya ang buhay mo, bakit mo iisipin ang sasabihin ng ibang tao? Jim, mahal kita anak. Kaya kahit ano pang desisyon mo sa buhay, basta’t ikaw ay masaya, suportado ka namin ng Papa mo.”
“Thank you, Ma.” Sambit ni Jim habang umiiyak.
Umalis na si Jim sa kanilang bahay. Tinawagan niya si Gel upang makipagkita. Mabuti na lamang at pumayag si Gel, sa pag aakalang mag sasaulian lamang sila ng mga gamit.
“Hi, Jim. Kamusta?”
“Gel. Rogelio. Ano bang itatawag ko sa’yo? Pero kahit ano pang pangalan ang gamitin mo, isa lang ang masasabi ko. Tanggap kita, tatanggapin kahit ano ka pa. Mahal na mahal kita. Hindi ko kayang mawala ka sa’kin. Sorry sa lahat ng nasabi ko noon. Pero hindi ko talaga kayang mawala ka sa buhay ko. Please, Gel, akin ka na lang? Sana akin ka pa rin. Tayo na lang ulit, please?”
“Alam mo Jim, ako na ata ang pinakamasayang tao nang marinig ko yang sinabi mo. Oo, iyo lang ako. Bata pa lang tayo, nabihag mo na ang puso ko. I love you so much, Jim. Thank you for accepting me as I am.”
“I love you too, hinding hindi na ako mawawala sa’yo. Hinding hindi na kita pakakawalan. Kaya sana, wala nang mga sikreto ha.”
“Pangako, Jim. Pangako.”
Matapos ang limang taon, nagpunta ang magkasintahan sa America upang magpakasal. Kahit transgender na si Gel, hindi pa rin niya kaya ang magbuntis kaya’t napagdesisyonan nilang mag-ampon ng isang malusog na sanggol. Namuhay ng masaya ang dalawa, na tanggap ang bawat sulok ng pagkatao ng isa’t isa.
Sadyang kung mahal mo ang isang tao ay matatanggap mo ito anuman ang nakaraan nito. Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?