Nakatagpo na Raw ang Biyudang Ito ng Kaniyang Bagong Kabiyak; Tuhog na Tuhog Pala Talaga sa Huli

Nakatagpo na Raw ang Biyudang Ito ng Kaniyang Bagong Kabiyak; Tuhog na Tuhog Pala Talaga sa Huli

HeartbreakingKarmaStories

“Dana, mukhang tuloy-tuloy na talaga ‘yang relasyon niyo ni Allan, ano? Napapansin kong dito na siya natutulog sa inyo,” ngiting bati ni Irene, kapitbahay ng babae.

“Oo nga, buti na lang talaga at nagkasundo sila ng anak ko kasi kapag nagkataon ay hahanap na naman tayo ng bago!” tawang sagot naman ni Dana habang nagdidilig ito ng mga halaman sa kaniyang hardin.

“Swerteng-swerte ka na talaga dahil bukod sa napakapogi na, halatang magaling pa sa kama! Naku, nakakainggit ka!” pang-aasar pang muli ni Irene at patuloy pa rin sa pagku-kwentuhan ang dalawa.

Halos dalawang dekada nang byuda si Aling Dana at kahit nga nasa kwareta anyos na ang babae ay bata pa rin itong tingnan at maganda ang hubog ng katawan kaya naman hindi talaga ito nawawalan ng karelasyon o katuwang nga raw sa buhay ‘ika niya. Masayang-masaya ang babae sa kaniyang kapareha ngayon na si Allan dahil bukod sa napakagandang lalaki nito ay nakasundo rin ito ng kaniyang nag-iisang anak.

“Allan, sa tingin mo ba tama ang pagpapalaki ko sa anak ko? Bakit hanggang ngayon ay wala pa rin siyang pinakikilalang nobyo sa akin, hindi naman kaya babae ang gusto niya? Usong-uso pa naman na ngayon ‘yun,” wika ni Dana kay Allan habang sila nagpapahinga sa kwarto.

“Ano ka ba, saglit ko pa lang nga nakakasama ang anak mo pero alam ko na kaagad na maayos ang pagpapalaki mo roon sa bata. Isa pa, malayong mangyari ang iniisip mo tungkol sa kaniya dahil ang alam ko ay may nobyo na ‘yun pero nahihiya lang sabihin sa’yo!” natatawang siwalat ng lalaki sa kaniya.

“Seryoso ba? Sa akin pa talaga naglihim ang anak ko?! Aba, nakakaselos na yata ang pagiging malapit niyo sa isa’t isa!” baling naman kaagad ng babae sabay taas ng kaniyang kilay rito.

“Ano ka ba! Ayaw mo ba nun, ibig sabihin magaan ang loob sa akin ni May kasi nakakapagsabi siya sa akin ng mga bagay na hindi niya masabi sa’yo. Huwag ka na magtampo!” lambing naman ng lalaki sabay halik sa balikat ni Dana. Nagkunwari pa ring galit ang babae kahit nga ang totoo ay masaya siya sa anuman ang mayroon ngayon sa buhay nila. Halos mag iisang taon na rin ang relasyon nila ni Allan at bukod sa masaya niyang puso ay malakas din ang pasok sa kaniya ng negosyo niyang laundry shop at wala na raw nga siyang mahihiling pang iba.

“O, akala ko maaga ang pasok nitong si Allan, bakit nandito pa ang tsinelas nito?” tanong ng babae sa kaniyang sarili nang mapansin ang gamit ni Allan sa kaniyang bahay kahit nga magtatanghali na. Bumalik kasi siya sa bahay para kuhanin ang mga tinupi niya kagabi.

“Allan, nandito ka ba? Wala ka bang pasok? May nakalimutan ka ba, mahal?” tanong ni Dana sa bahay ng pumasok ito at dumiretso sa kanilang kwarto. Pagbukas pa lamang niya ng pinto ay tumigil kaagad ang lahat para sa babae.

Kitang-kita niya si Allan at si May sa higaan habang pinagsasaluhan ang isa’t isa.

“Ma!” sigaw ni May nang makita ang kaniyang ina at mabilis silang nag-ayos ng kanilang sarili.

“Ma, ‘ma…” nanginginig na sabi ng babae sa kaniyang ina.

“Kaya ba nagawa mo akong lokohin? Ito ba ang ganti mo sa akin dahil malandi ako at hindi ako nakuntento sa pagiging byuda? Ito ba ang gusto mong iganti sa akin? At ikaw, Allan, ikaw pa talaga?!” basag ang boses ni Dana nang bitiwan iyon habang hinang-hina siya sa pagkakaupo.

Hindi naman nagsalita ang lalaki at dali-dali itong umalis. Ilang buwan pa ang lumipas at hindi pa rin inimikan ni Dana ang kaniyang anak kahit nga nagpasya ito na sumama kay Allan at bumuo ng pamilya. Hanggang sa halos anim na buwan din ang lumipas nang biglang nagparamdam muli si May sa kaniyang ina.

“Ma, galit ka ba sa akin kaya hindi mo ako kinakausap? Hindi mo na ba ako mapapatawad pa?” tanong ni May sa kaniya na naabutan niyang nagdidilig pa rin ng halaman. Ngumiti at itinigil ni Dana ang kaniyang ginagawa saka umupo at huminga nang malalim.

“Hindi ako galit sa’yo, anak, galit ako sa sarili ko dahil puro lalaki ang naisip ko simula noong lumalaki ka hanggang sa hindi ko namamalayan na parehas na pala tayong tinutuhog ni Allan. Sabi ko pa noon sa sarili ko na naka-jackpot ako dahil nga malapit na kayo sa isa’t isa nang hindi ko namamalayan na may mali. Puro sarili ko ang inisip ko kaya naman ginalang ko ang desisyon mo noong sinabi mong gusto mo siyang makasama, ako na ang lumayo dahil ako ang nasusuka sa sarili ko kapag naiisip ko na ang lalaking kasama mo ay nakasama rin ako. Hindi man siguro ako naging mabuting ina sa’yo pero hindi ko kayang harapin ka,” iyak ni Dana sa kaniyang anak.

“Patawarin mo ako, anak,” muling sabi ni Dana rito.

“Ma, sa totoo lang, noong una ang gusto ko lang naman ay galitin ka pero hindi ko rin alam bakit kami umabot sa ganoon. Nahiya na lang din ako sa sarili ko kaya ako umalis. Aaminin kong galit ako sa’yo noon kasi hindi kita maintindihan pero mas nagalit ako sa sarili ko noong naramdaman kong binaboy kita at ang pagkatao ko. Patawarin mo ako, ‘ma, tanggapin mo sana ako ulit,” iyak ni May rito at hindi na nagsalita pa si Dana, imbes niyakap na lamang niya ang anak nang buong higpit.

Naghiwalay sina May at Allan dahil sa pagiging babaero nito at sa palaging pagkukumpara ng lalaki sa kaniya at sa kaniyang ina. Doon niya inani ang kalokohan na sinimulan niya, walang respeto at purong [email protected] lamang ang namamagitan sa kanila. Habang si Dana naman ay kinalimutan na ang paghahanap ng bagong katuwang sa buhay at nagsimulang ibigay ang atensyon sa kaniyang anak. Wala man siguro siyang nakakatabi sa gabi, mas puno naman ang puso niya dahil alam niyang nandito na muli ang kaniyang anak at may pagkakataon na siyang maitama ang dalawang dekadang pagkukulang niya.

More Stories