Ibinigay ng Dalagang Ito ang Sariling Bato para sa Nobyo; Ito Lang Pala ang Isusukli Nito sa Kaniya
Maganda ang araw ni Janice dahil ikalawang taong anibersaryo nila ng kaniyang nobyong si Joshua. Maaga pa lang ay nagpunta na siya sa salon upang magpaayos. Gumayak ng bagong biling damit. Kailangan ay maganda siya sa mga mata ng kaniyang nobyo sa araw na ito.
Hapon na ngunit wala pa rin ang binata. Usapan nila’y tanghalian sila kakain sa isang mamahaling restawran bago sila pumasyal.
“Humuhulas ka na, ate! Darating pa ba ‘yang date mo?” tanong ng kapatid na si Roselle.
“Oo naman, ‘no! Anibersaryo namin ngayon. Imposibleng nakalimutan niya! Ang sabi pa nga niya sa akin kagabi ay may inihahanda raw siyang surpresa,” depensa naman ni Janice.
“Baka susurpresahin kang hindi siya dadating,” tumatawa ang bunsong kapatid. “Kung ako sa iyo, ate, magbibihis na ako. Huwag ka nang umasa dahil masasaktan ka lang. Ewan ko bakit hindi pa nauuntog ‘yang ulo mo. Wala na ngang trabaho ay niloloko ka pa!” dagdag pa nito.
“Tumigil ka nga riyan, Roselle. Lahat naman ng tao nagkakamali. Saka nangako naman na siyang aayusin na niya ang relasyon namin. Ito ngang alis namin ay para makabawi siya. Hindi ko nga alam kung bakit hindi man lang siya tumawag,” nag-aalalang saad pa ni Janice.
“Hindi ka man lang magagalit sa kaniya? Inuunawa mo pa rin siya gayong halata namang ginagamit ka lang niya. Pupusta ako, hindi na ‘yan pupunta rito at gagawa na naman siya ng matinding dahilan para paniwalain ka,” inis nang sambit ng kapatid.
Hindi maiaalis kay Roselle na mainis sa nobyo ng kapatid dahil ilang beses na itong umiyak dahil sa ginawa nitong panloloko. Ang masakit ay ito pa mismo ang nakakita ng pambababae ni Joshua.
AdvertisementInabot na nga ng gabi at hindi na sumipot ang binata. Imbes na magtampo ay hinanap pa ni Janice kung nasaan ang nobyo.
“Pasensya ka na kung hindi ako nakapagpaalam na hindi ako pupunta. Masama kasi talaga ang pakiramdam ko,” saad ni Joshua.
“Sana ay sinabi mo lang sa akin para nakapunta ako agad sa bahay n’yo para alagaan ka. Ayos lang naman sa akin kung hindi tayo matuloy. Ang importante ay bumuti ang pakiramdam mo,” wika pa ng dalaga.
“Maraming salamat, hon. Maunawain ka talaga. Ang swerte ko dahil ikaw ang nobya ko,” wika ng binata.
Buong gabing walang iniintindi si Janice kung hindi alagaan ang kaniyang kasintahan. Kinabukasan ay nagpasya siyang dalhin na ito sa ospital para maipasuri.
“Wala naman akong pera, Janice, hindi ko kakayanin ang magbayad ng malaki sa ospital na ito. Kaya nga mas pinili ko na lang na itulog sa bahay ‘yung nararamdaman ko kahapon,” saad ni Joshua.
“Ako na ang bahala sa lahat, Joshua. Mas mainam nang maipagamot ka, baka mamaya ay kung ano na ‘yan!” saad pa ng dalaga.
Malaki rin ang binayaran ni Janice upang maisagawa ang kumpletong pagsusuri sa nobyo. Doon napag-alamang may sakit pala ito sa bato. Agarang operasyon na lang ang makakapagpagaling dito.
Advertisement“Tinanong ko na ang mga magulang ko, mga kapatid ko at ilang kamag-anak ko, wala nang gustong mag donate sa kanila ng bato para sa akin. Natatakot din sila sa laki ng gagastusin para sa operasyon. Siguro nga ay ito na ang katapusan ng buhay ko,” pagpapaawa ng binata.
“Paano ‘yun? Hahayaan ka na lang nilang masawi, Joshua? Hindi naman maaari! Sabihin mo ay ako na ang gagastos ng lahat. Siguro naman ay sapat na ang naipon ko. Kung kulang pa ay mangungutang ako sa opisina o kaya sa bangko. Gagawin ko ang lahat para madugtungan ang buhay mo!” pag-aalala ng dalaga.
Ngunit talagang wala raw gustong tumulong kay Joshua. Dahil sobrang nababagabag na ang damdamin ay napilitan si Janice na gawin ang hindi inaasahan.
“Nasisiraan ka na talaga ng bait, ate! Bakit mo ibibigay ang isang bato mo sa lalaking iyon? Tapos ay ikaw pa ang gagastos? Hindi na pinararangalan ang martir ngayon! Hayaan mo na lang siya. Kung pamilya nga niya ay walang pakialam, e!” galit na sambit ni Roselle.
“Kawawa siya, Roselle, kaya nga mas lalong kailangan niya ako. Nakapagdesisyon na ako. Wala nang makakapigil pa sa akin. Kailangan kong sagipin ang buhay niya,” saad ni Janice.
“Bahala ka na sa buhay mo, ate. Sana lang ay tama nga ang desisyon mong iyan. Tutal, hindi ka na rin naman papapigil pa,” wika pa ng kapatid.
Talagang itinuloy ni Janice ang kaniyang binabalak. Siya ang nagdonate ng bato para sa kaniyang nobyo. Kahit hirap ay hindi naman niya ma-obliga si Roselle na alagaan siya. Buti na lang ay mahal siya ng kaniyang kapatid.
“Salamat, a. Akala ko talaga ay wala ka nang pakialam sa akin,” wika ni Janice.
Advertisement“Ginagawa ko ito dahil kapatid kita pero hindi ibig sabihin nito ay sinusuportahan ko ang ginawa mo, ate. Kahit kailan ay hinding-hindi!” saad pa ng dalaga.
Malakas kasi ang loob ni Roselle na hindi pa rin magtitino si Joshua. Pero si Janice, pakiramdam niya’y ito na ang hudyat para tuluyang magbago ang nobyo dahil sa sakripisyong kaniyang ginawa.
Lumipas ang mga araw at unti-unting gumaling ang magkasintahan. Naging maayos na muli ang pakiramdam ni Joshua at bumalik na ito sa dating lakas. Ang buong akala ni Janice, pagkatapos nito’y mas magiging malapit sila ng kasintahan, ngunit nagkakamali siya.
Lalo niyang hindi mahagilap ang binata. Madalas itong kasama ng mga kaibigan at nakikipag-inuman sa bar.
“Joshua, hindi ba’t bawal sa iyo ang ginagawa mo? Muntik ka nang masawi. Ingatan mo naman ang buhay mo!” saad ni Janice.
“Iyon nga ang dahilan ng lahat ng ito, hon. Muntik na akong masawi at napagtanto kong marami pa akong nais na gawin sa buhay ko. Hayaan mo na akong magsaya. Hindi ko naman inaabuso ang sarili ko. Gawin mo na lang ito para maging maligaya ako. Matindi ang pinagdaanan ko, Janice,” pakiusap ng binata.
Siyempre, muling pinagbigyan ni Janice ang kaniyang nobyo kahit na labag sa kaniyang kalooban. Pilit na lang niya itong inuunawa.
Napansin ni Roselle na tila malalim ang iniisip ng kaniyang ate.
Advertisement“Sinabi ko naman sa iyo na hindi na magbabago ‘yang nobyo mo. ‘Yung mga tulad niya’y walang ginawa kung hindi isipin lang ang sarili, ate. Huwag ka nang malungkot nang dahil lang sa kaniya,” saad pa ni Roselle.
“Nag-aalala lang naman ako sa kaniya. Masama ba ‘yun? Pero ayaw ko rin namang hadlangan ang kaligayahan niya,” saad ng nakakatandang kapatid.
“Kung tunay ka talagang mahal niyang lalaking ‘yan ay iingatan niya ang sarili niya. Aba’y hindi rin madali ang pinagdaanan mo, a! Talagang makasarili ‘yang si Joshua. Nakakainis siya,” sambit muli ni Roselle.
Isip nang isip si Roselle ng plano kung paano ipapamulat sa kaniyang ate ang katotohanan. Hanggang sa isang araw ay nakita na naman niya itong si Joshua na nasa isang restawran at may kasamang ibang babae.
“Ito na ang pagkakataon ko. Maraming salamat sa tadhana at tuluyan nang magigising ang ate ko!” saad niya sa sarili.
Tinawagan niya ang nakatatandang kapatid upang kitain. Sinabi niyang magkita sila sa naturang restawran at manlilibre siya. Nagtungo naman doon si Janice. Laking gulat niya nang datnan ang kasintahan kasama ang ibang babae.
“Sinabi ko sa iyo na hindi na magbabago ang lalaking ito. Ginagamit ka lang niya!” saad ni Roselle.
Naiiyak naman sa galit si Janice dahil sa ginawang panloloko ng nobyo.
Advertisement“Walang hiya ka! Matapos ang lahat ay ito lang ang igaganti mo sa akin? Wala kang kasing sama!” pagtangis nito.
“Sandali lang at magpapaliwanag ako, Janice,” giit naman ni Joshua.
Pinigilan na siya ni Roselle.
“Ang kapal ng mukha mo! Pati buhay ng kapatid ko ay handa niyang ibigay sa iyo tapos ganito lang ang isusukli mo? Matakot ka sa karma!” sambit ni Roselle.
Sa wakas ay nagising na nga sa katotohanan si Janice. Labis ang kaniyang panlulumo sa tindi ng pangyayari. Mula noon ay hindi na nya talaga kinausap pang muli si Joshua
“Sana pala ay nakinig na ako sa iyo noon pa. Binulag ako ng pag-ibig. Pasensya ka na, Roselle. Pasensya ka na sa akin,” umiiyak na wika ng dalaga.
“Huwag ka sa akin magpasensya, ate. Humingi ka ng tawad sa sarili mo. Pero sa pagkakataong ito’y bumangon ka. Gamitin mo ito para hindi ka na lokohin ng kahit sino. Sana ay nagsilbing aral na sa iyo ang pangyayaring ito. Hindi mo na maibabalik ang nakaraan, kailangan na lang ay mabuhay ka sa kasalukuyan para maging maayos ang iyong hinaharap,” wika naman ng kapatid.
Ito na nga ang ginawa ni Janice. Iniwan na niya ang lahat ng mapapait na alaala ng nakaraan at nagpatuloy sa kaniyang buhay. Hindi nagtagal ay nakabawi na rin siya. Tuluyan na niyang nakalimutan si Joshua.
AdvertisementIsang araw ay nakarating sa kaniya ang isang balita. Pumanaw na raw ang dating kasintahan dahil nagkakomplikasyon sa bato. Hindi kasi nito inalagaan ang sarili at nagpatuloy sa masamang bisyo.
Nanghihinayang lang si Janice sa parte ng katawan na nawala sa kaniya dahil ibinigay niya ito sa maling tao, pero ang lahat ng ito ay parte na rin naman ng nakaraan na kailangan na niyang bitiwan nang sa gayon ay tuluyan na siyang makausad sa buhay.