Inday TrendingInday Trending
Walang Ibang Bilin ang Nanay ng Babaeng Ito Kung ‘Di Ingatan ang Kaniyang Pagkababae, Nakakaiyak Pala ang Dahilan ng Kaniyang Ina

Walang Ibang Bilin ang Nanay ng Babaeng Ito Kung ‘Di Ingatan ang Kaniyang Pagkababae, Nakakaiyak Pala ang Dahilan ng Kaniyang Ina

“Ma, gagawa lang kami ng thesis huwag ka masyadong OA, alam ko na ang sasabihin mo. Huwag kang mag-alala, wala pong mangyayari sa aking masama,” inis na sabi ni Bernadeth, ang nag-iisang anak ng ale.

“Anak, ipapaalala ko lang naman sa’yo na kahit ano man ang mangyari ay huwag na huwag mong ibibigay ang pagkababae mo. Tandaan mo, sa sampung lalaki maswerte ka na sa isa na hindi ‘yan ang habol sa’yo! Lahat ng lalaki ay puro iyon lang ang gusto tapos kapag nakuha ka na, kapag napagsawaan ka na, ay iiwan ka na at doon na masisira ang buhay mo,” mabilis na pagpaaalala ni Aleng Tess ang byudang nanay ng dalaga.

“Ma, alam niyo ba na napapahiya na ako sa kakaganyan niyo? Palagi na lang akong pinagtatawanan ng mga kaibigan ko kasi napakamakaluma niyo raw. Sa lahat ng overnight at party ay hindi na ako nakakapunta pati ba naman itong thesis namin? ‘Ma, magtiwala ka naman sa akin kahit ngayon lang,” muling sagot ni Bernadeth sa ina.

“Basta tatawag ako lagi at mag video call tayo kung maaari,” wika ng ale.

“Ma naman, gusto mo bang pagtawanan na naman ako ng mga kaklase ko?! Please naman, ‘ma,” naiiyak na saad muli ng dalaga.

Hindi naman na sumagot muli si Aling Tess at inihatid na lang ang kaniyang anak sa bahay ng kaklase. Wala naman nagawa si Bernadeth kung ‘di hayaan ang kaniyang ina kahit nga pinagtatawanan na siya ng mga kaklase.

“Ano ba ‘yan, Bernadeth, ikaw na lang ‘yata ang virg*n pa sa atin. Ang lungkot naman ng s€x life mo kasi ‘di ka man lang makakaranas ng iba’t ibang kaligayahan,” pang-aasar ni Mariel, kaklase ng babae.

“Huwag niyo naman masyado asarin ang babe ko, makakapaghintay naman kami,” mabilis na banat ni Martin ang lihim na nobyo ng dalaga.

“Naku, tigilan niyo na nga ako at gumawa na tayo ng thesis,” naiinis na baling ni Bernadeth sa mga ito at hinayaan niya lamang ang nobyo na yumapos sa kaniya.

Nang malalim na ang gabi at tulog na ang iba nilang kaklase ay naramdaman niya ng ibang init sa katawan nang haplusin siya ni Martin.

“Martin, huwag naman ganyan, ano ka ba. Gusto mo bang parehas tayong mabokya sa nanay ko?” pabulong na wika ni Bernadeth sa nobyo.

“Babe, ngayon nga lang kita nakatabi nang ganito sa apat na taong pagiging magkasintahan natin. Alam mo naman na hindi lang ito ang habol ko sa’yo pero hindi lang talaga ako makatiis, sabik na sabik na ako sa’yo,” halik ni Martin sa kaniyang leeg.

“Ilang buwan na lang at magtatapos na tayo, mapapakilala mo na ako kay tita. Tandaan mo kung mangyari man sa atin ito ay walang magbabago sa pagmamahal ko sa’yo,” bulong muli ng nobyo niya. Hindi na rin malaman ni Bernadeth ang mga sumunod na nangyari dahil sa mga sandaling iyon ay pinagsaluhan nila ang isa’t isa.

Dali-daling umuwi si Bernadeth sa kaniyang ina at pinilit na itago ang naganap sa buong magdamag.

“Ma, nandito na ako,” bati ng dalaga sa kaniyang ina sabay mano nito.

Ngunit hindi sumagot si Aling Tess at mabilis na hinawakan ang mukha ni Bernadeth at ang mga braso nito sabay patak ng luha ng ale.

“Ma, bakit ka umiiyak?! Wala naman nangyari sa akin, buhay pa ako,” mabilis na sabi ng dalaga.

“Anak, kahit hindi mo sabihin, isang tingin ko pa lang sa’yo ay alam kong may nagbago. Alam kong sa mga oras na ito ay hindi ka na b*rhen,” lumuluhang wika ni Aling Tess sa kaniya. Hindi naman nakapagsalita kaagad si Bernadeth at natahimik. Hinintay niyang kumalma ang kaniyang ina.

“Anak, alam mo ba kung bakit ganito ako kahigpit sa’yo? Kasi galing na ako riyan,” siwalat ng kaniyang ina.

“Bago ko pa naging asawa ang tatay mo ay iba’t ibang lalaki na rin ang dumaan sa akin pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay bumagsak ako sa tatay mo. Sa tuwing gusto niyang may mangyari sa amin at ayaw ko ay iinsultuhin niya ako at tatanungin kung masarap daw ba ang iba kaysa sa kaniya. Sa loob ng labing limang taon ay ininda ko ang pang-iinsulto na iyon at hindi ako makatanggi kahit pagod na pagod na ang katawan ko. Hindi ko naramdaman ang pagmamahal sa tuwing may mangyayari sa amin at maniwala ka, masakit iyon” luhang dagdag pang muli ng kaniyang ina.

“Ayaw kong maranasan mo iyon, Bernadeth,” muling sabi ng ale sabay tingin sa kaniya.

Hindi niya inaasahan na ganito ang relasyon ng kaniyang mga magulang dahil nakagisnan niyang may masayang pamilya. Nagbago lamang ito nang pumanaw ang kaniyang ama dahil mas naging mahigpit si Aling Tess sa kaniya.

Niyakap niya ang kaniyang nanay at ngayon niya mas naintindihan ito. Akala niya noon ay makalumang tao lamang ang ale ngunit hindi niya akalain na ganito pala kalalim ang pinaghuhugutan ni Aling Tess. Simula rin noon ay naging mas bukas siya rito sa lahat ng bagay. Pinakilala na rin niya si Martin na maluwag naman na tinanggap ng kaniyang ina. Hindi pa man masabi ni Bernadeth na si Martin na nga lalaking para sa kaniya ay sisiguraduhin naman niyang hindi niya hahayaan na maranasan ang kinatatakutan ng kaniyang ina.

Advertisement