
Umibig ang Binatilyo sa Kapitbahay Nilang Ginang; Magtagpo Kaya ang Kanilang Landas sa Takdang Panahon?
“Naku hermana, kumusta ka na? Parang lalo kang gumaganda ah!”
Dali-daling itinigil ni Oliver ang paglalaro ng video games. Halos mangudngod pa siya sa pagtayo at pagtakbo sa may bandang bintana, sa ikalawang palapag ng kanilang bahay, upang masilayan ang tinawag na “hermana” ng kaniyang ina.
Ang naturang hermana ng kaniyang ina ay si Aling Roselyn, nasa 33 taong gulang, na matagal nang amiga ng kaniyang ina at kapitbahay lamang nila. Gandang-ganda si Oliver kay Aling Roselyn, hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya sa tuwing makikita ang ginang. Tumatalon ang kaniyang puso kapag nasisilayan niya ito, sa tuwing nagwawalis ng bakuran sa umaga, o kaya naman ay naglilinis ng kotse ng asawa nitong si Mang Andres.
Alam ni Oliver na humahanga siya kay Aling Roselyn, sa kabila ng kaniyang edad na 13 taong gulang. Kakatwa ang bagay na ito. Sino nga bang makapagsasabing ang isang menor de edad na gaya ni Oliver ay magkakagusto sa isang ginang na 20 taon ang tanda sa kaniya, at may asawa’t mga anak na halos kaedad lamang niya?
Kapag naiisip na niya ang mga bagay na ito, iwinawaksi sa isipan ni Oliver ang kaniyang nararamdaman para kay Aling Roselyn, lalo na sa mga gabing nakararamdam siya ng mga kakaibang init sa katawan, na maaaring dulot na rin ng kaniyang kasibulan. Imposibleng magustuhan siya ni Aling Roselyn; mahal na mahal nito si Mang Andres. Isa pa, masyado pa siyang bata. Kakatul*i lamang sa kaniya noong bakasyon. Para lamang siyang anak nito.
Subalit minsan, naiisip ni Oliver, paano kung magkasing-edad lamang sila ni Aling Roselyn? Paano kung 13 taong gulang lamang din ito? Tiyak na liligawan niya ito. Eh paano kung lumaki na kaagad siya? Ang tanong, magugustuhan kaya siya nito?
Alam naman ni Oliver sa kaniyang sarili na imposible ang kaniyang mga iniisip. Dalangin na lamang niya sa Diyos, sana ay makakilala siya ng isang babaeng kagaya ni Aling Roselyn sa takdang panahon. Gusto niyang makapangasawa ng kagaya nito.
Inilaan ni Oliver ang kaniyang atensyon sa pag-aaral. Lihim niyang itinago ang kaniyang nararamdaman para sa ginang. Sa tuwing lumalabas ito ng bahay, lumalabas din siya at binabati ito. Ngumingiti naman sa kaniya si Aling Roselyn. Masaya na si Oliver sa mga ganitong senaryo.
Makalipas ang maraming-maraming taon. Nakatapos ng pag-aaral si Oliver at isa nang ganap na propesyunal. Nakapundar na rin siya ng sarili niyang kotse at kaunting negosyo. Namayapa na ang kaniyang ina dahil sa isang sakit. Siya na lamang mag-isa, sa dati nilang bahay. 23 taong gulang na siya ngayon, at kahit kailan, wala pa siyang naging nobya.
Akala niya, sa pagdaan ng panahon ay mawawala ang kaniyang nararamdaman para kay Aling Roselyn, lalo na’t nakita niya ang pagtanda nito. Nasa 53 taong gulang na ito, at biyuda na dahil puman*w si Mang Andres dahil sa isang aksidente. Ang mga anak nito ay may sari-sarili na ring pamilya.
Iyon na ang naging pagkakataon upang mas mapalapit si Oliver sa biyuda. Araw-araw silang nag-uusap. Hanggang sa dumating sa punto na kinuha na niya ang social media account nito at nagkakachat na sila, araw-araw. Akala ni Aling Roselyn, nakikipagkaibigan lamang si Oliver dahil naghahanap ito ng mother figure. Subalit laking-gulat nito nang magtapat ng pag-ibig ang binata sa kaniya.
“A-ano ka ba Oliver… mangilabot ka sa sinasabi mo. Dalawampung taon ang agwat ng mga edad natin. Para mo na akong ina,” sabi ni Aling Roselyn. Personal na nagtungo si Oliver sa bahay nito upang magpaliwanag.
“Sapat naman ang pagmamahal sa akin ni Nanay, kahit noong nabubuhay pa siya, kaya hindi ako naghahanap ng mother figure, kung iyan ang inaalala mo,” sabi ni Oliver.
“Tumigil ka. Ganoon iyan. Sinasabi mo lang iyan kasi maagang nawala sa mundo si Marga,” giit ni Aling Roselyn.
“Kahit 13 years old pa lang ako, mahal na kita? Na pinangarap na kitang makasama? Na dahil may sarili ka nang pamilya, hinangad ko na magkaroon ng kagaya mo, bilang asawa ko?” at tinitigan ni Oliver nang diretso ang mga mata ni Aling Roselyn.
Tinyaga ni Oliver ang panliligaw kay Aling Roselyn, kahit na tutol pa ito. Ano na lamang daw ang sasabihin ng kanilang mga kapitbahay? Pero walang pakialam si Oliver. Mahal niya si Aling Roselyn, at sa palagay niya, itinadhana talaga sila sa isa’t isa.
Hanggang sa dumating ang pagkakataong nahulog ang loob ni Aling Roselyn kay Oliver at sinagot niya ito. Sa pagkakataong iyon, bago sagutin ni Aling Roselyn si Oliver, sinabi niya ito sa kaniyang mga anak. Bagama’t nag-aalangan, wala naman daw silang magagawa, dahil matanda na ang kanilang ina, at deserve daw nilang maging maligaya.
Hindi na inintindi nina Oliver at Aling Roselyn ang mapanghusgang mga mata sa kanilang paligid.
“Hindi na ako magkakaanak. Menopause na ako. Ayos lang ba sa iyo?” tanong ni Aling Roselyn.
Kinuha ni Oliver ang mga kamay ni Aling Roselyn. Dinala sa kaniyang mga bibig at hinagkan.
“Wala sa akin iyon. Ang mahalaga, ikaw. Ang tagal kitang hinintay, Rose. Gumawa nang paraan ang universe para magtagpo tayo,” masuyong sabi ni Oliver.
Nagpakasal si Roselyn sa ikalawang pagkakataon at nagsimulang muli sa piling ni Oliver.
Talaga nga namang walang pinipiling edad ang pag-ibig!