Tila Nabulag sa Pag-ibig ang Dalaga Matapos Niyang Talikuran ang Lahat Para sa Kaniyang Nobyo; Mapanindigan Kaya Niya Ito?

Masayang-masaya ang pagsasama ng bagong kasal na sina Carlito at Rosanna. Apat na buwan pa lamang silang mag-asawa, kaya naman inaasam-asam na nilang mabiyayaan ng anak. Payak lamang ang kanilang pamumuhay sa isang maliit na barong-barong sa isang maliit na bayan sa Marinduque.

Kahit na mahirap ang buhay, pinili pa rin ni Rosanna si Carlito. Hindi niya maintindihan ang kaniyang matinding damdamin para sa asawa; ang totoo, marami namang nagtangkang manligaw sa kaniya, mayayaman at mas guwapo, subalit naiiba sa lahat si Carlito.

Si Rosanna ay nagtapos ng Business Administration, may diploma, may pinag-aralan. Kaya ganoon na lamang ang galit ng kaniyang mga magulang nang talikuran niya ang lahat upang sumama lamang sa isang “hampaslupa.”

May angking kagwapuhan si Carlito, ngunit para siyang isang misteryosong tao. Nagungusap ang kaniyang mga mata. Malalim kung tumitig, ngunit minsan naman ay nakatatakot. Masasabi ni Rosanna na mabait naman at masipag ito. Hindi siya nagdalawang-isip na sumama rito sa lalawigan. Tinalikuran niya ang lahat para kay Carlito.

Premium Photo | Sad and tired asian man dark portrait

Nagulat si Rosanna sa maliit na barong-barong na titirhan nila ni Carlito matapos ang kanilang kasal. Tiyak na magagalit ang kaniyang mga magulang kapag nalaman nila ang kaniyang sinapit. Subalit pinili pa rin niyang mahalin at panindigan ang pagmamahalan nila.

Nahanap kaagad ng trabaho si Carlito bilang isang anluwage o karpintero. Si Rosanna naman, nanatili sa loob ng bahay. Pinalilipas niya ang araw sa pamamagitan ng paglalaba, paglilinis, at pag-aayos.

Isang araw, lakas-loob na kinausap siya ng isa sa kanilang kapitbahay. Si Aling Mameng.

“Iha… Kumusta ka? Mukhang galing ka sa Maynila. Sa kutis mo, hindi ka bagay rito…”

Advertisement

Matipid na ngumiti si Rosanna. Sa totoo lang, ayaw niya sa mga taong chismosa at pakialamera, pero naisip niya, bagong salta lamang siya sa lugar na iyon kaya ayaw niyang magkaroon ng kaaway.

“Ah, oho… tama po kayo,” magalang pa ring tugon ni Rosanna. Patuloy lamang siya sa kaniyang pagwawalis.

“Anak, hindi ka nababagay sa lugar na ito. Mag-iingat ka…”

“Aling Mameng!”

Naputol ang sasabihin ni Aling Mameng sa pagdating ni Carlito. Tiim-bagang ito. Nakasukbit sa balikat ang malaking bag na naglalaman ng mga kagamitan sa pag-kakarpintero.

“C-Carlito… ikaw pala iyan… p-pasensiya na at kinukumusta ko lang ang asawa mo. Ang ganda-ganda niya,” natatarantang sabi ni Aling Mameng.

“Maganda ho talaga ang asawa ko, Aling Mameng… mukhang kailangan na ho ninyong magluto. Magagalit ho si Mang Lando sa pag-uwi niya,” marahan ngunit mabigat na sabi ni Carlito. Tumango-tango naman si Aling Mameng at nakatungong umuwi sa kanilang bahay.

“Pasensiya ka na sa mga kapitbahay natin mahal, ganoon lang talaga sila. Hindi yata sila sanay na makakita ng mga magagandang gaya mo,” panunuyo ni Carlito sa kaniyang kabiyak. Humarap ito sa asawa. Tinitigan siya sa mga mata. At kagaya ng dati, hindi mapigilan ni Rosanna ang mapatingin sa mga mata nito. Para siyang hinihigop sa kawalan. Ang mga matang minahal niya.

Advertisement

“Bakit ang aga mo palang umuwi, mahal?” tanong ni Rosanna.

“Hindi mahal. Sakto lamang. Hindi mo lamang namalayan ang oras. Wala kasi tayong telebisyon dito kaya pakiramdam mo mahaba ang oras.” masuyong sabi ni Carlito.

Pumasok na sa loob ng kanilang maliit na barong-barong ang mag-asawa.

Kinabukasan, ganoon na lamang ang panghihilakbot ni Rosanna: natagpuang walang buhay si Aling Mameng. Bumubula ang bibig nito nang makita sa palikuran, nakahandusay sa sahig. Ayon sa haka-haka, mukhang nalason ito o inatake sa puso.

“Nakakatakot naman, kahapon lamang ay kausap ko siya. Anong nangyari kay Aling Mameng?” nahihintakutang tanong ni Rosanna.

“Ganiyan lang talaga ang buhay, mahal. Una-unahan lang…” nasabi na lamang ni Carlito.

Isang araw, sa dating gawi ng buhay ni Rosanna, halos nasuyod na yata niya ang lahat ng sulok ng maliit na barong-barong ng asawa. Inip na inip na siya. Hindi niya alam kung anong gagawin. Minabuti niyang tingnan ang maliliit na aparador sa loob.

May napansin siyang isang malaki at lumang baul sa loob ng aparador. Tila panahon pa yata ng mga Espanyol. Nabuksan ang kaniyang kuryosidad. Sa ibabaw ng takip ng baul, may nakadibuhong malaking mata, na nasa loob ng isang tatsulok.

Advertisement

Dala ng kuryosidad, unti-unting binuksan ni Rosanna ang baul…

Makalipas ang ilang oras, umuwi na mula sa maghapong pagtatrabaho si Carlito.

“Mahal, may uwi akong lechong manok…”

Isang malakas na sampal ang sumalubong kay Carlito. Gulat na gulat siya. Sinapo niya ang kaniyang namumula, namanhid na pisngi.

“Hayop ka! Anong ginawa mo sa akin? Anong ibig sabihin nito?”

At ipinakita ni Rosanna ang kaniyang larawan, mga hibla ng buhok, ang kaniyang nawawalang panyo, sa loob ng baul. Naroon din ang iba’t ibang mga langis, mga halamang-ugat, mga karayom, at isang itim na libreta.

Your place to buy and sell all things handmade | Wiccan, Spells witchcraft,  Pentagram pendant

“M-mahal, m-magpapaliwanag ako…”

Kinuha ni Rosanna ang itim na libreta. Binuklat sa isang pahina kung saan nakalagay ang pangalan niya sa isang orasyon. Inihagis niya ang libreta sa mukha ni Carlito.

Advertisement

“Ginayuma mo lamang ako! Ginayuma mo ako! At ngayon, biglang nawala ang nararamdaman ko para sa iyo. Tama pala ang mga magulang ko. Kaya pala parang nabubulagan ako sa iyo. Tinalikuran ko sila para lang sa iyo,” sumbat ni Rosanna.

“Kaya pala sinasabi ng mga kaibigan ko na wala na ako sa hustong pag-iisip. Na ang tanga-tanga ko. Iyon pala, ginamitan mo lang pala ako ng itim na kapangyarihan! Ang kapal ng mukha mo!” galit na galit si Rosanna.

Tuluyang iniwan ni Rosanna si Carlito, na noon ay dinapuan naman ng matinding sakit, dahil ipinakulam ng asawa ni Aling Mameng. Kulam pala ang ikinamat*y ng ginang, matapos kumonsulta ng asawa nito sa isang albularyo.

Malugod namang tinanggap ng kaniyang pamilya si Rosanna matapos niyang ipaliwanag sa kanila ang mga nangyari. Hanggang ngayo’y hindi pa rin makapaniwala ang dalaga na nabiktima siya ng itim na mahika.