Inday TrendingInday Trending
May Magandang Buhay na Naghihintay

May Magandang Buhay na Naghihintay

Hindi magkandaugaga si Mercy sa pagbitbit ng kaniyang mga tatlong anak palabas ng kalsada. Buhat niya ang pinakabunso habang akay naman niya ang dalawa pa niyang mga anak. Halos sunod-sunod kasi ang edad ng mga ito. At dahil iniwan na siya ng magaling niyang asawa at sumama sa iba ay solong katawan na lamang ng ginang na itinataguyod ang tatlong anak.

Kahit kailan ay hindi na siya nakahingi pa ng suporta sa asawa sapagkat nabalitaan na lamang niya isang araw ay nakulong ito dahil sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Dahil dito ay kung ano-ano na lamang na trabaho ang pinasok ng ginang. Nariyang tumanggap siya ng labada, maglinis ng mga bahay, maging manikurita at magtinda ng kung ano-ano para lamang mabuhay niya ang kaniyang mga anak.

Ngunit kahit pinipilit ni Mercy na mamuhay ng payapa ay hindi pa rin siya nakaligtas sa mga mapangmatang mga kapitbahay niya.

“Ayan kasi, maagang lumandi. Pinag-aaral ng kanyang ina ng kolehiyo, ano ang ginawa? Inuna ang pag-ibig,” sambit ng isang ale.

“Oo nga. Kung ako ang nanay niyan ay matagal ko na ‘yang kinalbo para hindi makalabas ng bahay. Tingnan mo ngayon ang buhay niya tuloy,” sambit ng isa pang ale.

“Ang pagkakaalam ko ay nam*tay ang nanay niyan ng dahil sa sama ng loob sa kanya. Hindi na niya talaga binigyan ng kahihiyan ang pamilya niya. O ‘di ayan ang napala niya sa pagkerengkeng ng maaga,” saad ng isa pang babae.

Ngunit kahit anong sabihin sa kaniya ng mga ito ay hindi na lamang niya pinapansin. Wala siyang oras na ipaliwanag pa ang kaniyang sarili sa mga ito. Alam naman nyang nagkamali siya ngunit kahit kailan ay hindi niya ihihingi ng tawad ang pagkakaroon niya ng mga anak sapagkat mahal niya ang mga ito at handa niyang gawin ang lahat upang mabigyan lamang ang mga anak ng magandang buhay.

Patuloy sa paglalakad sina Mercy at kaniyang anak upang tulungan ang kanyang kaibigan na maglinis ng isang malaking bahay sapagkat padating na raw ang banyagang may-ari nito. Agad sinunggaban ng ginang ang alok na trabaho. Dahil walang mapag-iiwanan ng mga anak ay nagpasya na lamang siyang isama ang mga ito.

“Ang balita ko, Mercy, isang U.S. Navy daw ang may-ari nitong bahay. Napakalaki, ano?” wika ni Rodelia, kaibigan ni Mercy. “Ang sabi pa nga nila ay matandang binata raw ‘yon na bumili ng bahay dito sa Pilipinas sapagkat nahumaling na rito. Nasasabik na nga akong makita siya kasi sabi nila ay sobrang gwapo raw ni sir,” kinikilig na saad ng kaibigan.

“Puro ka kalokohan d’yan, Rodelia. Maglinis na lang tayo para matapos na natin ito agad. Mabuti nga at nakisama ang mga anak ko at hindi mga nag-aalburoto,” sambit ni Mercy.

Dahil sa laki ng bahay ay hindi nagawa ng mgakaibigan na matapos ang paglilinis dito kaya binalikan na lamang nila ito kinabukasan. Hindi alam ng dalawa ay nakabalik na ang banyagang may-ari ng bahay na kanilang nililinis.

“G-good morning, sir. I am Mercy. We are here to finish cleaning up the house,” wika ni Mercy. “I am very sorry if I brought my kids with me. There’s no one to look after them,” paliwanag pa ng ginang.

“It’s okay. I’m Bill. You can continue what you are doing,” nakangiting sambit ng banyaga, Totoo nga ang sinasabi ni Mercy matipuno nga ito, guwapo at higit sa lahat ay mabait kaya nakapagtataka na wala pa itong asawa hanggang ngayon.

Nang bumalik ang kanilang amo ay my dala itong mga pagkain para sa tatlong anak ni Mercy. Ngunit nahalata na ni Rodelia na iba ang tingin ng amo sa kaniyang kaibigang si Mercy.

“Sa tingin ko ay may gusto sa’yo ang amo natin,” sambit ni Rodelia. “Naku, kapag nagkataon pala, Mercy, ay ikaw na ang titira sa bahay na ito! Huwag mo akong kakalimutan kapag nagkataon, ah!” pambubuyo nito sa kaibigan.

“Tumigil ka nga sa kalokohan mong ‘yan, Rodelia. Mabait lang talaga si Sir Bill. Saka narito tayo para magtrabaho kaya ituloy mo na ang ginagawa mo ng makatapos na tayo,” tugon naman ni Mercy.

“Sa tingin mo ba ay may magkakagusto pa sa kagaya kong disgrasyada? Tanggap ko namang malas ako sa pag-ibig. Siguro nga ay ito na ang karma ko sa pagsuway sa aking mga magulang noon,” malungkot na wika ni Mercy.

Ilang sandali lamang ay nilapitan ni Bill si Mercy sapagkat interesado itong malaman ang kwento ng ginang. Nahihiya man si Mercy ay inilahad na rin niya sa kanyang boss ang nangyari sa kanyang buhay.

Dahil nais siyang matulungan ni Bill ay kinuha siyang pansamantalang kasambahay nito habang nananatili ito sa Pilipinas. Laking tuwa naman ni Mercy sapagkat hindi na niya iisipin pa ang pagkukuhaan ng ipambubuhay sa kaniyang mga anak sa mga susunod na buwan.

Tuwang-tuwa si Bill sa serbisyo ni Mercy. Lubusan kasi ang pag-aasikasong ginawa sa kaniya ng ginang at sa kaniyang bahay kahit na mayroon pa itong tatlong anak na inaalagaan. Dahil dito ay lubusang humanga ang banyaga sa ginang.

Nagsimulang mapalapit ang kanilang loob at hindi nagtagal ay tuluyan na ngang minahal ni Bill si Mercy. Hindi naman lubusang akalain ni Mercy na may tatanggap pa sa kaniyang lalaki sa kabila ng nangyari sa kanyang buhay. Buong akala kasi niya ay buong buhay na lamang siyang magiging miserable.

Dito na ipinagtapat ni Bill kung bakit hanggang ngayon ay binata pa rin sya. Ito ay dahil naghihintay siya ng tamang babae sa kaniyang buhay. Sapagkat hindi sapat lamang sa kanya ang panlabas na kaanyuan kung hindi ang disposisyon sa buhay. At doon niya minahal si Mercy.

“I love you, Mercy and I want to marry you. I love how you take care of your children and how dedicated you are to give them a wonderful life. I admire your strength and courage to face life everyday. For that, I want you to be my wife. Please marry me,” sambit ni Bill kay Mercy.

Laking gulat ni Mercy sa sinabi ni Bill. Ngunit hindi na rin naman niya maitanggi ang nararamdaman niya sa binatang banyaga.

Agad pinakasalan ni Bill si Mercy. Tinanggap ng ginoo ang tatlong anak ni Mercy at inari ito na parang sa tunay niyang mga anak. Hindi nagtagal ay dinala ng ginoo ang kanyang buong pamilya sa Amerika upang doon na manirahan. Minsan sa loob ng isang taon ay umuuwi ang mga ito sa Pilipinas upang dalawin ang mga kamag-anak ni Mercy. Makalipas ang dalawang taon ay nabuntis na din si Mercy sa unang anak nila ni Bill ngunit wala pa ring nagbago sa binata bagkus ay lalo nitong ipinaramdam kay Mercy ang kanyang pagmamahal.

Hanggang ngayon ay hindi akalain ni Mercy na may darating na kagaya ni Bill sa kaniyang buhay at babaguhin ang kapalaran nilang mag-iina.

Advertisement