Makalipas ang tatlong taong relasyon ay napagkasunduan nina Erika at Niel ang magpakasal na. May naitabi na rin naman silang pera para sa kasalang iyon. Walang maniniwala pero sa tagal nila ay wala pa talagang nangyayari sa dalawa. Ayon sa binata, labis ang respeto nito sa nobya kaya nais niyang gawin iyon sa tamang panahon.
Kaya nasasabik siya si Erika sa unang gabi katapos ang kanilang kasal. Handa na siyang ibigay rito ang kanyang pinaka-iniingatang pagkababae. Pero nag-umaga na, ni hindi man lang siya tinabihan ng mister.
Mas pinili nitong matulog sa sala, kesyo nakatulog raw pala kakanood ng TV. Nagtataka man ay hindi na lamang niya sinita ang asawa. Inisip niyang baka, napagod ito dahil sa paghahanda ng kasal nila. Makalipas ang isang Linggo ay gano’n parin ito, nais man niyang magtanong ay ayaw naman niyang isipin ng asawang tigang siya. Kaya hinayaan na lamang niya ulit ito.
Nasa mall siya ngayon habang abala sa pamimili ng mga kakailanganin nila sa bahay nang masagi ng paningin niya ang isang pamilyar na pigura ng lalaking may kahawak kamay din na isa pang lalaki. Sinundan niya ang dalawa hanggang sa parking lot. Kulang nalang ay lumabas sa kinalalagyan ang kanyang mga mata dahil sa nakita.
Ang asawa niya nga, at ang nakakawalang ulirat ay may kahalikan ito. Kahalikan nito ang kahawak kamay na lalaki.
“Bakla ang asawa ko?” mahina niyang usal.
Pag-uwi ni Niel sa bahay ay agad niyang kinompronta ang asawa at wala namang pag-aalinlangan itong umamin sa kanya.
“Bakit hindi mo agad sinabi sa’kin Niel? Bakit hinayaan mo pang makasal tayong dalawa!” umiiyak niyang wika.
“Patawarin mo ako Erika. Natakot akong aminin dahil baka isumbong mo ako sa mga magulang ko,” mangiyak-iyak naman nitong wika.
“Pero inilagay mo ako sa alanganin!”
Lumayas siya sa bahay nila at nakitira sa barkada. Walang pinagsabihan, hindi niya nais na sirain ang pangalan ng kanyang asawa. Mas maiging sabihin nalang ng lahat na masamang asawa siya, dahil nilayasan niya si Niel.
Gabi-gabi siyang lasing at mas nais kalimutan ang problema. Uuwi lang siya sa bahay ng kaibigan kapag langung-lango na siya.
“Friend, may ipapakilala pala ako sa’yo. Gwapo at yummy pa,” wika ni Sandra, ang kanyang kaibigan.
Pagak na natawa si Erika,”Pass na muna ako d’yan,” tanggi niya.
“Mabait ‘to si Nikko,” segunda pa nito.
“Mabait din si Neil,” sagot niya.
“Atleast hindi bekimon si Nikko.” agad siyang napalingon sa gawi nito. Wala siyang matandaan na may sinabi siya sa kaibigan.
“Paano mo nalaman?”
“Malamang, naririnig ko kayong nag-uusap. Don’t worry safe ang sikreto mo sa’kin, kilala mo naman ako ‘di ba?”
Walang magawang nakipag-date na nga siya sa inireto ni Sandra sa kanya na si Nikko, gwapo ang lalaki at yummy nga. Pero wala pa siyang interes na pumasok sa isang sakit sa ulo na relasyon. Bukod doon, kasal sila ni Niel.
“Umiinom ka ba?” tanong niya dahilan para matameme ito. “Nabo-bore ako rito, gusto inuman tayo?”
Doon na nga nagsimula ang pagkakaibigan nilang dalawa. Tinatawagan niya si Nikko kapag kailangan niya ng drinking buddy, minsan naman ay tinatawagan niya lang ito kapag lasjng na lasing na siya at hindi na niya kayang umuwi. Hanggang isang araw ay mukhang napagod na ang lalaki sa set-up nila.
“Ayoko na ng ganito Erika, mahal kita at kahit kasal ka pa ay handa akong tanggapin ka. Ayoko ng ganitong pakiramdam na naaalala mo lang ako kapag lasing kana at kailangan mo ng umuwi dahil hindi mo na kaya. Para mo lang akong gwardiya. Isang tanong, isang sagot lang ang kailangan ko. Mahal mo ba ako o hindi?”
Pati siya sa sarili ay hindi niya alam kung gusto niya ba ang lalaki o hindi. Basta ang alam niya lang ay komportable at ligtas siya sa piling nito. Natatakot parin siyang pumasok ulit sa isang relasyon.
“Aalis na ako tatlong araw mula ngayon. Kung sasama ka sa’kin ay ito ang ticket mo, kung hindi naman ay itapon mo nalang iyan. Pag-isipan mong mabuti ang tanong ko. Mula ngayon ay huwag mo nadin akong tatawagan kapag nalalasing ka.” tinalikuran na siya ni Nikko.
Naiwan siyang nag-iisip, mabait si Nikko pero dumating ito sa panahong hindi pa siya handa. Dumiretso siya ng bar upang muli ay lasingin ang sarili, magsaya at kalimutan ang problema. Ngunit kataka-takang hanggang ngayon ay hindi parin siya nalalasing, hindi din siya masaya at hinahanap niya ang presensya ni Nikko.
Tiningnan niyang muli ang ticket na ibinigay nito, sasama ba siya sa lalaki? Tinanggap siya ni Nikko kahit alam nitong kasal na siya kay Neil, hindi siya iniwan, lalo na kapag kailangan niya ito. Nagsawa nalang siguro ito sa panggagamit niya kaya pinapili na siya ng lalaki.
Dumating na nga ang tatlong araw na palugit ni Nikko kay Erika. Panay tingin ng binata sa kanyang relong pambisig at panay ang sulyap sa entrance, nagbabakasakali. Trenta minuto nalang ay kailangan na niyang umakyat sa departure area, mukhang wala namang pag-asang dumating pa si Erika kaya tumayo na siya at nagsimulang maglakad papasok sa loob.
“Nikko!” tawag sa kanya ng pamilyar na boses. “Nikko, sandali lang.”
“Erika?”
“Sandali lang, sasama ako sa’yo. Napagtanto kong hindi ko kayang wala ka, Nikko. Sinamahan mo ako noon at hindi sinukuan kahit nakakainis na ako. Kaya lulubus-lubusin ko na ang pang-iinis sa’yo.”
Napangiti siya dahil sa sinabi nito. “Kahit inisin mo pa ako, ayos lang sa’kin dahil mahal kita.”
“Mahal din kita Nikko.”
Magkasama silang pumunta ng binata sa Canada, inasikaso na rin nila ang annulment papers na hindi nagging mahirap dahil nakipag-cooperate si Neil. Ang saya-saya, dahil noong mismong araw na inannounce ng korte na wala nang bias ang kasal niya kay Neil, ay natuklasan niya rin na buntis siya sa baby nila ni Nikko.
Nang manganak siya ay nagpakasal sila. Ngayon ay mayroon na silang dalawang cute na chikiting.