Ayaw ng Babaeng May Ibang Nag-iingay sa Lugar Nila, Hanggang sa Nakahanap Siya ng Katapat at Agad Siya Nitong Sinupalpal ng Masasakit na Salita

Medyo nakakaramdam na ng lungkot si Dee sa ilang buwang pananatili sa bahay mula noong nagkaroon ng malalang pandemiya ang buong mundo at lahat ng tao ay pinagbawalang lumabas ng bahay.

Halos naikot na nga niya ang buong bahay nila at totoong naiinip na siya sa loob ng bahay. Nais naman niyang gumala ngunit takot rin naman siyang mahuli ng mga nagbabantay. Kaya napagpasyahan na lamang niyang mag-karaoke sa loob ng kanilang bahay. May magawa man lang at hindi na tuluyang ma-buryo sa bahay.

Agad na nagsalang ng kakantahin si Dee ng paborito niyang kanta at masayang sinusundan ang bawat himig nito. Hindi naman siya dapat mahiya sa taglay niyang boses.

Masayang kumakanta si Dee nang biglang napahinto dahil may kumalabog sa itaas ng kanilang bubong. Hindi pa man nakikita ni Dee ay alam niyang bato iyon. Sino ang mambabato sa bubong nila, kung hindi naman siya nakaka-istorbo. Alas kwatro pa lamang ng hapon! Sadyang mayroon nga lang talaga silang inggiterang kapitbahay.

Ngunit imbes na pansinin at magpaka-stress ay nagpatuloy pa rin sa pagkanta si Dee. Nalilibang siya sa kaniyang ginagawa at wala siyang panahong makipag-giyerahan sa kapitbahay niyang inggitera!

Habang madamdaming kinakanta ni Dee ang kantang tagos sa puso ang sakit na hatid sa puso ay may biglang sumigaw sa labas ng bahay nila.

“Ang ingay niyo!” Malakas na sigaw ng kinakainisan niyang kapitbahay na si Shiela. Matapos nitong sumigaw ng malakas, muli na namang nambato sa bubong nila dahilan upang maubos na ang kaniyang pasensiya.

Agad niyang pin*atay ang karaoke at nagmamadaling bumaba. Naabutan pa niyang nakatayo si Shiela sa labas ng gate gate nila. Galit ang mukha habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kaniya.

Advertisement

“Problema mo?” Pinipilit ni Dee na huminahon.

“Ikaw ang problema ko! Ang ingay-ingay niyo d’yan para kayong walang kapitbahay,” asik nito.

“Galit na galit ka ‘no kapag kami ‘yong nag-iingay— ‘di lang sa’kin pati sa iba pang kapitbahay natin,” aniya saka itinuro ang mga kapitbahay nilang nakasilip sa bintana at nakatingin sa kanilang dalawa. “Alas kwatro pa lang ng hapon pero gigil na gigil ka na sa ingay ko. May problema ka ba sa’kin?”

“Alam mo Dee, ikaw kasi mismo sa sarili mo hindi mo alam kung ano ang reklamo ng iba pa nating kapitbahay. Ang sa’kin lang naman magkaroon ka ng konsiderasyon sa’min. Alalahanin mo, hindi ka sa bundok nakatira para mag-ingay ng ganyan. Nandito ka sa siyudad,” mataray na wika ni Shiela.

Tabingi namang natawa si Dee dahil sa sinabi ni Shiela. “Alam mo ang plastik mo rin,” komento niya. “Baka nakakalimutan mong mas grabe pa ang ginagawa niyo noong ingay at pangbabastos sa mga kapitbahay natin lalo na kapag bigla-bigla na lang may nagaganap na party sa inyo kahit madaling araw na nag-iingay pa rin kayo.

‘Di ba nga pina-barangay ka noon ni Aleng Dolor dahil sa kabastusan niyo dahil hindi niyo naiisip na may mga kapitbahay na kayong natutulog dahil dis oras na ng gabi, party-party pa rin kayo. Sino ba sa’tin ang walang konsiderasyon?” Nang-iinsultong wika ni Dee.

Bigla namang natameme si Shiela. Nahimasmasan yata sa sinabi niya.

“Galit na galit ka kapag kami ang nag-iingay. Pero kapag kayo ang maingay, ayos lang sa inyo kahit umabot pa ng umaga, wala kayong pakialam. Mga ugaling bastos ‘di ba? Tapos isa pa ang lakas ng loob mong mambato sa bubongan namin. Baka gusto mong ikaw ang ipa-barangay ko, Shiela.

Advertisement

Ang kapal din ng mukha mo e ‘no. Reklamador ka akala mo ni minsan sa buhay mo hindi ka nag-ingay sa lugar na ‘to. Kung ayaw mo ng maingay, umalis ka dito sa siyudad. Lumipat ka sa bundok, doon napakatahimik ng buhay mo!” Galit na singal ni Dee.

Walang sabi-sabi ay tinalikuran siya ni Shiela. Napahiya niya yata ito dahil sumegunda pa ng salita ang mga kapitbahay nilang may lihim na galit sa babae.

Matutong makisama at umunawa. Huwag kang manita sa ingay ng iba lalo na kung minsan mo na ring nagawa ang mag-ingay sa lugar niyo— o mas malala pa ang ginawa mo kaysa sa ginawa niya. Huwag masyadong magmalinis. Kung talagang ayaw mong may ibang nag-iingay, umiwas sa lugar na maraming tao, tumira ka sa bundok na kung saan mga hayop lang ang kapitbahay mo.